09/08/2026
NASIPA AKO NG KA TRABAHO KO!
STORY TIME
Tini train nila ako sa mga machines kanina, yung kasing spa na napasukan ko is parang more on Beauty clinic spa, hindi Siya yung usual na spa na gaya sa pinas na whole body massage, traditional Ventosa, hilot wellness, yung work KO ngayun me mga advance machine na pang body countouring and slimming machines, package yung nga services samen, mix ng massage for relaxation tapos me mga products kami na inoofer mga pang facial tapos mga cream na pang body sculpture, pang facial ganun, eh ako since 2011 massage lang talaga ginawa ko, wala ako idea sa mga machine na yan, tong hayop na agency KO dito SA Macau me kasalan bat dun ako napunta, anyway ibang kwento na yun, Di ito na tinuturuan nila ako sa machines, need ko din matutunan yun, kasi hindi naman pwede na puro massage lang ako. Yung kasama KO na tatlo ay mga taga mainland china, may sa haup din talaga ang mga asal mga ante, napilitan lang sila na turuan ako dahil sa boss namin, baras bara na magturo, eh zero English sila, ako Naman lapsap at PANGYAO Lang alam ko na Cantonese words 😂 eh di ayun na hindi na kami magkaintindihan, more on sign language na at puro irapan na ang nangyayari sempre medyo palaban na din ako kasi ilang weeks na din akong stress sa kanila, alam ko naman na stress na din sila saken pero syempre di tayo papatalo dapat mas stress tayo, tong isang si bossy ang model namin, at ang nagtuturo saken si BO, eh di turo turo lang, hindi din nila ma explain para san yun machine na yun, eh me kuryente pala yun, ibig ko sabihin ang function nya is nakaka ground sya, dapat inoopen sya eh nakadikit na sa belly, eh inopen ko sya medyo nakaangat sa skin nya, eh di ayan start na kami, nagulat ako, bigla umigkas paa ni bossy. NASIPA/SINIPA ako, eh talagang ilang weeks na din ako nagtitimpi SA kanila, ay di inilapag KO ng maingat itong tools na hawak KO, sempre need maingat mga ante kasi mahal yun eh. nagtungayaw na si bossy Kung ano ano na pinagssabi nya, sinigawan KO na din, "WHY DID YOU KICK ME?" WHY! DID! YOU! KICK ME??? with emotions mga ante high pitch na, sinipa tayo eh, tapos nagulat na din sya, hindi makasagot, syempre lamang na ako dun, nauna sya namisikal na eh, by the way mga blue card holder din Lang sila, pareho Lang kaming katatayuan dito sa Macau, nag sorry bigla, kasi pandilat na din mata ko eh, "no no sorry sorry" sabi, nag walk out ako, halo halo na emotions KO eh parang pu*a ka somusobra ka na, pero pinili KO pa din magpigil, Una, under probation pa ako, pangalawa, dayo ako eh dito saka mas maganda na sya lang namisikal so pinili ko na lang mag walk out, punta akonsa CR, inhale exhale, inhale exhale, narinig ko tinatawag nila ako, tatlo sila eh pero bale dalawa Lang Naman impaktita dun, Maya Maya sumunod si BO me ipinapabasa saken "I DIDNT MEAN TO BE RUDE, I DONT DO IT INTENTIONALLY, IM SORRY, basta madaming sorry tapos umalis si bossy, nagpunta dun sa isang pinay na kasama namin, nag eexpakin sya sabihin daw na hindi nya sinasadya, nagulat lang daw sya SA.voltage ng kuryente. mga ante hindi sya nagulat, sa tingin ko ha, ilang seconds na nakaraan saka lang umigkas paa nya, though hindi naman masakit pero yung para manipa Ka, alam ko Naman na Hindi din ganun kalakas yung voltage ng kuryente kasi naka 4/20 Lang nmn, so ayun todo sorry sya, naisip KO magsabi SA agency KO pero tong si BO nakiusap wag na daw Sana nakarating sa boss namin, sinabi ko sa kanila na sasabihin KO sa agency ko, Kasi mga ante nanipa eh, namisikal na dba, sobrang higpit ng government ng Macau sa mga ganun sitwasyon, then itong si pinay kinausap ako inexpalain nga side ni bossy, samen samen na lang daw sana, hindi naman daw talaga sinasadya pero para saken sinadya nya yun, Kasi boss namin ngayun asa UK, Baka daw ma stress na Kami naiwan dito ano ano na palang ganap, nag sorry din Naman sya personally and nagchat din, nag sorry din ako kasi nakuryente KO nga sya, tapos naisip ko din na sige, tiis tiis pa, kayang kaya pa naman, lalo na nakasahod na ako at in fairness ang ganda ng sinahod ko for 3 weeks pa lang, sa susunod na lang mas mag iingat pa ako at mas magiging focus, mas magiging mausisa at matanong, Kasi Kung sa client nangyari un na ma ground naku totoong gulo yun!