29/04/2026
May nagtanong sa akin minsan “kung talagang gusto mo makatulong, bakit di mo na lang ako pautangin para may pang join ako sa business nyo?”
Sa unang dinig, parang may punto sya, tama nga naman, kung pahihiramin ko ng pera eh di makakapag simula sya ora mismo.
Pero… pansin mo ba na may mali?
One of the worst mistakes na ginagawa ng taong gustong maka-ahon is yung everytime may nai-encounter sila na may pera or nakakaangat sa buhay ay gusto nila itong hingan ng pera or utangan.
Classmeyts, this is a very wrong approach. Bakit?
Kung tatanungin mo ako or karamihan ng mga taong nagsumikap at naging successful, if we ever felt entitled sa pinaghirapan ng iba tao, ang sagot namin will always be a strong NO.
If from the start ang una mo’ng reaction kapag naharap ka sa isang taong successful is humingi ng balato, as if pinanalunan nya lang sa lotto ang meron sya, para mo na ring sinabi sa sarili mo na nanglilimos ka.
At isang simpleng question, ang panglilimos po ba ay image ng isang taong aasenso?
Ang dapat mo instead gawin, is tanungin mo, alamin mo kung ano ang mga ginawa nya , ano ang mga binago nya para maabot nya ang kung ano man ang meron sya.
Because believe me , karamihan sa mga taong umasenso na galing sa ibaba, ay more than willing na ikwento sa’yo ang ginawa nya kapag willing ka talaga. (Except siguro sa trade secret na tinatawag)
Examine your mindset classmeyt. Alam nyo naman ang kwento ni Solomon sa bible diba? Instead na hilingin nya na bigyan sya ng yaman at shortcut simple lang ang hiniling nya, yung bigyan sya ng wisdom and to cut the long story short, we know na sobrang yumaman si Solomon to the point na sinasabing unimaginable and riches nya.
Rather than ask for something na will make you feel entitled, be wise enough to learn something.
Respect yourself enough to know that you are not a beggar.
In fact, you are not meant to be one.
Kaya if anjan ka sa medyo challenging na journey, it’s because you’re capable inside.
Kailangan mo lang itama ang mindset mo. Kailangan mo lang irecognize na kaya mo umasenso sa buhay.
If we ever meet sa mall, sa restaurant , sa office or kahit sa kalye huwag ka mahiya magtanong sa akin, it is my wish and goal na tulungan ka rin umaangat.
Sana I-accept mo na kaya mo rin. Never look down on your self. Never say hanggang jan ka na lang. We may have different destinies, pero sigurado ako kaya mo magkaroon ng maginhawang buhay, just respect yourself enough and demand your best version!
To your success classmeyts!