Rizal Urology

Rizal Urology Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rizal Urology, Medical and health, Angono.

Evidence-based information on urologic conditions such as kidney stones, prostate enlargement, urinary symptoms, sexually transmitted infections, and men’s health.

CLINIC ANNOUNCEMENTRizal Urology will be attending the 69th PUA Annual Meeting and 23rd Urological Association of Asia (...
02/09/2026

CLINIC ANNOUNCEMENT

Rizal Urology will be attending the 69th PUA Annual Meeting and 23rd Urological Association of Asia (UAA) Congress, to be held on September 3–6, 2026 at the Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Manila.

Physical (face-to-face) and online clinics will resume on September 7, 2026.

Thank you for your kind understanding and consideration.

Mark your calendars for the 23rd Urological Association of Asia Congress, held in conjunction with the 69th Philippine Urological Association Annual Meeting. This joint event brings together the world’s leading medical professionals to collaborate, share innovations, and advance the future of urologic care.

📅 Sept 3–6, 2026 📍 Marriott Grand Ballroom, Newport Resorts World, Manila

🚨 Early Bird Extended!

Due to popular demand, the early bird registration deadline has been extended to July 15, 2026.
Don’t miss the opportunity to learn from international experts and connect with regional peers at a preferred rate.

👉 Secure your spot today: Click the link in our bio or visit www.uaa2026.org.


11/08/2026

Bakit hindi normal na magkaroon ng dugo sa ihi? Tara, matuto tayo.

Ang dugo sa ihi, kahit kaunti lang at kahit isang beses lang mangyari, ay hindi dapat basta balewalain.

Maraming posibleng dahilan—mula sa UTI, kidney stones, prostate problems, hanggang sa mas seryosong kondisyon na kailangang ma-rule out.

At tandaan: hindi kailangang masakit para maging importante. Minsan, ang dugo sa ihi ay maaaring unang senyales ng isang problemang wala pang ibang sintomas.

Kaya kung may dugo sa ihi, huwag maghintay. Magpatingin at alamin ang dahilan.

10/08/2026

**Paano nga ba nabubuo ang kidney stones? **

Tara, matuto tayo.

Kapag kulang sa tubig, nagiging mas concentrated ang ihi—dumikit-dikit ang minerals tulad ng calcium at oxalate hanggang sa maging kristal… at kalaunan, bato.

Pwede itong magsimula sa maliliit na “butil” na unti-unting lumalaki, lalo na kung:
• Mababa ang water intake
• Mataas ang alat/processed food
• May predisposition o family history

**Good news?** Hindi lahat kailangan operahan.
May **ESWL (shockwave)** — gumagamit ng sound waves para durugin ang bato sa mas maliliit na piraso para mailabas sa ihi. No cuts, no incision.

Kung may pananakit sa tagiliran, dugo sa ihi, o paulit-ulit na UTI—magpacheck. Mas maaga, mas madali gamutin.

03/08/2026
"Doc, ilang buwan na po akong umiinom ng maraming tubig... bakit andiyan pa rin ang bato?"Isa ito sa mga pinakakaraniwan...
03/08/2026

"Doc, ilang buwan na po akong umiinom ng maraming tubig... bakit andiyan pa rin ang bato?"

Isa ito sa mga pinakakaraniwang tanong ng mga pasyente.

Ang totoo, hindi lahat ng kidney stones ay kusang lumalabas.

May mga bato na nananatili sa loob ng kidney. May mga bato namang gumagalaw at naiipit sa makikipot na bahagi ng urinary tract.

Hindi rin sapat na basehan ang laki lang ng bato.

📍Mahalaga rin ang:
✅ Lokasyon ng bato
✅ Uri ng bato
✅ Sintomas
✅ Resulta ng ultrasound o CT scan
✅ Kung may bara o impeksyon

Kaya hindi rin pare-pareho ang gamutan.

May mga pasyenteng sapat na ang obserbasyon.
May mga nangangailangan ng gamot.
May mga mas angkop sa ureteroscopy o PCNL.

At para sa maraming piling pasyente, maaaring ang Shockwave Therapy (ESWL) ang isang magandang opsyon dahil wala itong hiwa at maaaring durugin ang bato gamit ang shockwaves mula sa labas ng katawan.

Ang pinakamahalaga?

👉 Huwag manghula.
Kung may kidney stone ka, alamin muna kung ano ang pinakaangkop na gamutan para sa iyo.

Mas maagang assessment.
Mas maagang solusyon.
Mas maliit ang tsansa ng komplikasyon.

"Doc, wala naman akong nararamdaman..."Isa ito sa pinakakaraniwang naririnig naming mga Doktor...At ito rin ang dahilan ...
02/08/2026

"Doc, wala naman akong nararamdaman..."

Isa ito sa pinakakaraniwang naririnig naming mga Doktor...

At ito rin ang dahilan kung bakit maraming kidney disease ang nahuhuli nang matagal.

Ang kidney ay tahimik na organ. Maaari itong unti-unting masira sa loob ng maraming taon nang wala kang nararamdamang sakit. Kapag may sintomas na, minsan malaki na ang naging epekto nito sa katawan.

Ang magandang balita? Marami sa mga sanhi ng kidney damage ay maaaring maiwasan.

✔ Kontrolin ang high blood pressure.

✔ Bantayan ang diabetes.

✔ Huwag abusuhin ang pain relievers.

✔ Uminom ng sapat na tubig.

✔ Huwag balewalain ang dugo sa ihi, hirap umihi, paulit-ulit na UTI, o matinding pananakit ng tagiliran.

Hindi lahat ng kidney problem ay nangangailangan ng dialysis. Mas marami ang naaagapan kapag maagang natutuklasan.

❤️ Ang simpleng pagpapatingin ngayon ay maaaring makaiwas sa malaking problema bukas.

Kung may nararanasan kang alinman sa mga sintomas na nabanggit, o gusto mong masuri ang kalusugan ng iyong urinary system, magsend lamang ng message sa aming page upang makapag-schedule ng consult.

28/06/2026

💬 Quick reminder: Ang kulay ng ihi ay hindi diagnosis.

Maraming bagay ang puwedeng makaapekto rito—tubig na iniinom, pagkain, vitamins, gamot, at iba't ibang kondisyon sa katawan.

Kung ang pagbabago ng kulay ay hindi nawawala, paulit-ulit, o may kasamang dugo, pananakit, lagnat, o hirap sa pag-ihi, huwag mag-self diagnose.

📩 Kung may tanong ka tungkol sa iyong urinary health, maaari kang mag-iwan ng comment o mag-message sa page. Nandito ang Rizal Urology para tumulong.

May Malasakit. May Karanasan. Maaasahan.

🚽 **Anong Kulay ng Ihi Mo?**Hindi lang basta "ihi" ang nakikita mo sa toilet bowl. Minsan, ito ang isa sa mga unang seny...
28/06/2026

🚽 **Anong Kulay ng Ihi Mo?**

Hindi lang basta "ihi" ang nakikita mo sa toilet bowl. Minsan, ito ang isa sa mga unang senyales na may nangyayari sa iyong katawan.

🟡 **Light yellow?** Karaniwang senyales ng maayos na hydration.
🟠 **Orange?** Maaaring dulot ng dehydration, vitamins, pagkain, o ilang gamot.
🔴 **Red?** Huwag agad mataranta—minsan pagkain lang ang dahilan. Pero maaari rin itong senyales ng dugo sa ihi (hematuria) na dapat maipasuri.
🟤 **Brown?** Maaaring kaugnay ng matinding dehydration, ilang gamot, problema sa atay, o iba pang kondisyon.

📌 **Tandaan:** Hindi sapat ang kulay ng ihi para malaman ang eksaktong sakit. Isa lamang itong "clue." Ang tamang diagnosis ay nakukuha sa maayos na history, physical examination, at kung kinakailangan, laboratory tests at imaging.

Kung napansin mong paulit-ulit ang pagbabago ng kulay ng iyong ihi, o may kasamang:
• dugo sa ihi
• pananakit kapag umiihi
• lagnat
• pananakit ng tagiliran
• hirap umihi
• o anumang sintomas na hindi normal

👉 Magpatingin sa doktor o urologist. Mas mabuting maagapan kaysa mapabayaan.

💛 **Makinig sa mensahe ng iyong katawan. Minsan, nagsisimula ito sa isang simpleng pagbabago ng kulay ng ihi.**









14/06/2026

❓ Nakaranas ka na ba ng mahina ang ihi, madalas umihi sa gabi, o pakiramdam na hindi lubos na nailalabas ang ihi?

Address

Angono
1930

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal Urology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share