01/02/2023
Tuwing may namamatay na mahihirap nating mga kababayan, malaking pasanin ito para sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay.
Madalas pa nating marinig na ang ilan sa kanila ay tumatakbo sa 5-6 para sa gastusin sa burol at libing, at dahil dito, sila ay nababaon sa utang. Ang iba naman sa kanila ay kumakatok sa pinto ng mga politiko para magmakaawa at kapag napagbigyan, nagkakaroon sila ng utang na loob na ang kapalit ay boto. At meron ding iba sa kanila ay nagpapasugal sa lamay para makalikom ng βtongβ upang makatulong sa mga gastusin.
Mayroon ngang binibigay na tulong ang DSWD pero hanggang sampung libong piso lamang ito na alam naman nating kulang at hindi sapat. Bakit pa natin bibigyan ng pasanin ang mga kamaganak ng nasawi nating mahihirap na kababayan? Mahirap na nga ang mawalan ng mahal sa buhay ay lalo pa silang mahihirapan at mababaon sa utang dahil dito.
Kaya ang SB No. 1695 ni Senator Idol Raffy Tulfo ang magbibigay solusyon sa problemang ito para mabigyan ng dignidad ang mga yumao at naiwang mahal nila sa buhay.
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: Raffy Tulfo
Raffy Tulfo in Action
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/