The HIVE Lab

The HIVE Lab 02.28.2026. Hanggang sa muli! ๐Ÿ

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ž ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ถ๐—ป ...
23/05/2026

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ž ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€. This is a call that has been overdue, and we are glad to see it coming from one of the highest levels of youth representation in the country.

Working with Sangguniang Kabataan Ligas 2 in Bacoor, Cavite, The HIVE Lab team saw firsthand that the willingness to lead on youth health is already there. What held them back was the lack of structured training to turn such willingness into programs that actually respond to their communityโ€™s needs. With this, we call on the government to fund and sustain capacity-building programs that will turn SK leaders into the health champions this resolution envisions.

As the youth sector faces mounting health crises, most notably rising numbers of people living with advanced HIV and teenage pregnancy, the Sangguniang Kabataan plays a vital role in ensuring these issues are addressed through consistent representation in every decision-making space.

Para sa kalusugan at sa kinabukasan!


PRESS RELEASE | NYC CALLS ON SK LEADERS TO CHAMPION YOUTH HEALTH IN LOCAL COMMUNITIES

The National Youth Commission (NYC) is calling on Sangguniang Kabataan (SK) officials across the country to become stronger champions of youth health and well-being in their communities, following the approval of a resolution encouraging young leaders to actively promote and help implement health-related laws at the grassroots level.

Approved by the Commission Proper through ad referendum on May 19, 2026, under the leadership of Chairperson and CEO Undersecretary Joseph Francisco โ€œJeffโ€ R. Ortega, the resolution reinforces the growing role of the youth in building healthier, safer, and more inclusive communities. Sponsored by the Commissioner representing Mindanao and Philippine Youth Development Plan (PYDP) Chairperson on Health, Assistant Secretary Bianca Patrice C. Go, the measure recognizes SK officials not only as representatives of the youth sector but also as frontliners in advancing health awareness, inclusion, and community-driven governance.

Grounded in the 1987 Constitution, the Youth in Nation-Building Act, and the Sangguniang Kabataan Reform Act, the resolution underscores the Stateโ€™s responsibility to empower young Filipinos and ensure their active participation in programs and policies that directly affect their welfare. Among the key laws highlighted in the resolution were the Universal Health Care Act, Mental Health Act, Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, Responsible Parenthood and Reproductive Health Act, Philippine HIV and AIDS Policy Act, and Comprehensive Dangerous Drugs Act. Aligned with the Philippine Youth Development Plan (PYDP) 2023โ€“2028, the initiative envisions a generation of empowered youth capable of making informed and healthy choices, accessing quality health services, and contributing meaningfully to nation-building.

Recognizing the realities faced by many young Filipinos today, the NYC emphasized the vital role of SKs in localizing health initiatives and making them more accessible at the community level. The resolution encourages SK officials to integrate health-centered programs and activities into their Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP) and Annual Barangay Youth Investment Plan (ABYIP), such as information drives, youth forums, and community dialogues, while strengthening partnerships with local health offices, schools, and other stakeholders, ensuring that youth health remains a priority in local governance. It also emphasizes the importance of inclusive programs that prioritize marginalized and vulnerable sectors, including indigenous peoples, persons with disabilities, women, youth in conflict with the law, and individuals with diverse SOGIESC.

For the NYC, meaningful and sustainable health programs begin when young people themselves are empowered to lead. Through stronger youth participation and community engagement, the Commission hopes to inspire a new generation of SK officials to become proactive advocates for youth health in every barangay. As communities continue to face evolving health challenges, the NYCโ€™s latest initiative sends a clear message: the youth are not just the future of the nationโ€”they are active partners in building healthier and more resilient communities today.



๐Ÿ”ด ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ช: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜†๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฏ! ๐ŸฏNarito na ang digital version ng ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜†๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฏ, ang workbook na ginamit sa ating capacity-bu...
13/03/2026

๐Ÿ”ด ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ช: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜†๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฏ! ๐Ÿฏ

Narito na ang digital version ng ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜†๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฏ, ang workbook na ginamit sa ating capacity-building session noong February 28! ๐Ÿ“’

Makikita rito ang mga gabay at worksheets na makatutulong sa mga kabataan at SK Officers na mas maunawaan ang mga isyung pangkalusugan sa kanilang komunidad, suriin ang mga ugat ng mga ito, at magsimula ng mga ideya para sa mga proyekto para sa kalusugan ng komunidad. ๐Ÿ’ก

Kung ikaw ay SK Officer, youth leader, o kabataang nais magplano ng mga konkretong hakbang para sa mas malusog na komunidad, maaaring magsilbing panimulang gabay ang workbook na ito. ๐Ÿค

๐Ÿ“ฅ I-scan lamang ang QR code sa post o buksan ang link na ito upang ma-access ang workbook: bit.ly/honeycomb26





Workbook Content nina Zanti Gayares, Mikaela Miguel, Isabel Novicio, Barbie Ortiz, Christhia Pelago, at Jesther Resuello
Layout nina Zanti Gayares at Christhia Pelago

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€! ๐ŸคNarito ang ilan sa mga kuha mula sa mentoring session ng The HIVE Lab noong March 7 sa Ligas 2 Baranga...
10/03/2026

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€! ๐Ÿค

Narito ang ilan sa mga kuha mula sa mentoring session ng The HIVE Lab noong March 7 sa Ligas 2 Barangay Hall, kung saan ipinagpatuloy ng SK Officers ng Ligas 2 at ng The HIVE Lab team ang pagbuo ng mga konkretong hakbang para sa kalusugan ng komunidad. ๐Ÿ’›

Sinimulan ang sesyon sa recap ng mga module mula sa February 28 capacity-building program bilang paghahanda sa paggawa ng project proposal. Ginamit ng SK Officers ang problem tree na nabuo noong unang sesyon bilang batayan ng kanilang mga plano.

Sa pamamagitan ng talakayan at mentoring, mas nahubog ang mga plano sa pagtugon sa mga isyung pangkalusugan ng kabataan sa Ligas 2.

Maraming salamat sa SK Officers ng Ligas 2 sa inyong oras at sigasig, at sa Ligas 2 Barangay Hall sa pagbubukas ng kanilang tanggapan para sa sesyon na ito.

Inaasahang makukumpleto ng SK Officers ang kanilang project proposal sa darating na linggo. Abangan ang mga susunod na hakbang ng The HIVE Lab. ๐Ÿ

-
In collaboration with Sangguniang Kabataan Ligas 2
Special thanks to Health Sciences Society of the Ateneo





Photos taken by Barbie Ortiz
Post-processed by Christhia Pelago

๐—ฆ๐—ž: ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ง ๐—”๐—ฌ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ก, ๐—›๐—จ๐—ช๐—”๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—š๐—œ๐—ก!Opisyal na Pahayag ng The HIVE Lab sa Tangkang Pagbuwag sa Sangguniang KabataanNi...
07/03/2026

๐—ฆ๐—ž: ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ง ๐—”๐—ฌ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ก, ๐—›๐—จ๐—ช๐—”๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—š๐—œ๐—ก!
Opisyal na Pahayag ng The HIVE Lab sa Tangkang Pagbuwag sa Sangguniang Kabataan

Nitong nagdaang Marso 4, 2026, muling ipinahayag ng Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o DILG na si Jonvic Remulla ang kanyang planong buwagin ang Sangguniang Kabataan (SK) sa kadahilanang mataas ang attrition rates ng mga ito, kung saan 50% ng mga SK officials ang hindi na aktibo sa unang taon ng kanilang termino at 70% sa ikalawang taon (De Guzman, 2026).

Bilang tagapagtaguyod ng makabuluhang pakikilahok ng kabataan sa pamahalaang lokal, mariing tinututulan ng The HIVE Lab ang ganitong panawagan. Hindi solusyon sa mababang partisipasyon ang pagbuwag sa SK.

Sintomas ng isang sistemang kulang sa suporta ang mabilis na pagkawala ng aktibong pakikilahok ng SK officials. Ayon sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 o Republic Act 10742, mandato ng SK na bumuo at magsagawa ng mga plano para sa pagpapaunlad ng kabataan. Malawak ang responsibilidad na ito, ngunit walang kasamang pormal na pagsasanay bago pumasok ang mga opisyal sa kanilang tungkulin. Kinikilala mismo ng SK officers ang kahirapan sa pagtupad sa mga kinakailangan ng Commission on Audit at ang mabagal na proseso ng pag-apruba ng kanilang mga proyekto (Bagong SK, Bagong Pilipinas, 2026). Kulang sa resources, kulang at kadalasan hindi angkop sa pangangailangan ang mga training, at nag-iisa sa isang sistemang hindi inihanda para sa kanila. Kung tunay na layunin ng gobyernong palakasin ang partisipasyon ng kabataan, marapat silang magbigay ng sapat na kasangkapan sa SK upang magampanan nila nang maayos ang kanilang tungkulin.

Bukod pa rito, mahalagang kilalanin ang papel ng SK bilang pormal na plataporma ng kabataan sa lokal na pamahalaan. Itinatag ito upang tiyaking may espasyo ang kabataan sa mga desisyong direktang nakaaapekto sa kanila. Nararapat na sipatin bilang mahalagang aspeto ito ng lokal na pamamahala marahil sila ang unang inaasahang tutugon sa mga hamong kinakaharap ng kanilang komunidad, lalo na ng sektor ng kabataan sa bawat lokalidad. Nagsisilbing kinatawan ito ng kabataan, kaya naman ang tangkang pagbuwag dito ay hindi lamang pag-alis ng isang konseho ng pamahalaan, kundi isang hakbang na maaaring magbura sa mahalagang mekanismo ng representasyon ng kabataan sa pamamahala.

Mahalaga ring sipatin ang SK bilang isang mahalagang oportunidad para sa pagsasanay sa pamumuno at serbisyo publiko. Nagsisilbi itong unang hakbang para sa maraming kabataan upang maunawaan ang dinamika ng pamamahala, pakikilahok sa komunidad, at responsableng pamumuno. Sa aspeto ng kalusugan, halimbawa, maraming isyung may direktang kaugnayan sa kabataan na nangangailangan ng agarang pagtugon, tulad ng pagtaas ng kaso ng HIV kung saan pabata nang pabata ang mga naaapektuhan, gayundin ang suliranin ng teenage pregnancy. Higit pa rito, marami pang ibaโ€™t ibang isyung kinahaharap ng kabataan sa bawat komunidad na nangangailangan ng malinaw na boses at aktibong pakikilahok sa pagbuo ng mga solusyon. Sa ganitong konteksto, makikita kung bakit mahalaga ang SK sa pagpapalakas ng grassroots governance sa bawat lokalidad, sapagkat nagbibigay ito ng espasyo para sa makabuluhang partisipasyon ng kabataan sa paghubog ng mga programang tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Kaisa ng kabataang Pilipino, nananawagan ang The HIVE Lab na huwag alisin ang SK, bagkus ay higit itong palakasin sa pamamagitan ng mga training na praktikal at nakatuon sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyekto, mga gawain para sa paglinang ng kakayahan bilang mga lider ng pamayanan, at sapat na kagamitan at mapagkukunan para sa pagpapatupad ng mga programa para sa kabataan. Naninindigan kaming malaki ang papel ng SK sa pagtugon sa malalaking hamon na kinakaharap ng kabataan, lalo na sa aspeto ng kalusugan.

Sa kapwa naming kabataan, hinihikayat namin kayong makiisa at suportahan ang mga proyekto ng SK sa inyong mga barangay, magbigay ng feedback upang mapabuti ang mga programa, at aktibong ipagtanggol ang SK laban sa mga panawagan ng pagbuwag nito. Ang ating pakikilahok ang pinakamalakas na patunay na kailangan at gusto nating manatili ang ating tinig sa lokal na pamahalaan.



๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ-๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป! ๐Ÿ“ธBalikan natin ang mga sandali mula sa The HIVE Lab noong February...
03/03/2026

๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ-๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป! ๐Ÿ“ธ

Balikan natin ang mga sandali mula sa The HIVE Lab noong February 28 sa Phase 2 Covered Court ng Casimiro Westville Homes, kung saan nagsama-sama ang kabataan ng Ligas 2 upang palalimin ang kanilang kaalaman at magsimula ng mga konkretong hakbang tungo sa mas malusog na komunidad. ๐Ÿ’›

Sa tulong nina Dr. RJ Naguit, Ms. Cha Parchamento, at Mr. Christian Dasalla, mas naunawaan ng mga kalahok ang health determinants, community health, youth governance, participatory tools, at ang maayos at sustainable na pagpapatupad ng mga proyekto. ๐Ÿค

Sa pagitan ng mga talakayan, naging masigla ang mga workshop kung saan ibinahagi ng mga kabataan ang kanilang mga obserbasyon tungkol sa mga isyung pangkalusugan sa komunidad, pati ang kanilang mga mungkahi kung paano maaaring tugunan ang mga ito. ๐Ÿ’ฌ

Maraming salamat sa ating speakers at sa lahat ng kabataang naging bahagi ng araw na ito. Hanggang sa muli! ๐Ÿ

-

In collaboration with Sangguniang Kabataan Ligas 2
Special thanks to Health Sciences Society of the Ateneo





Photos taken by Barbie Ortiz
Post-processed by Christhia Pelago

Taos-pusong nagpapasalamat ang The HIVE Lab Team sa Sangguniang Kabataan ng Ligas 2 para sa kanilang pakikipag-ugnayan, ...
28/02/2026

Taos-pusong nagpapasalamat ang The HIVE Lab Team sa Sangguniang Kabataan ng Ligas 2 para sa kanilang pakikipag-ugnayan, dedikasyon, at kahandaang makipagtulungan upang maisakatuparan ang programang ito. Ang inyong suporta at malasakit sa kapwa kabataan ang tunay na nagbigay-buhay sa inisyatibong ito. ๐Ÿ’›



WE ARE HIVING AND THRIVING! Lumahok ang aming mga kalahok sa isang dobleng workshop tungkol sa pagtukoy ng problema at p...
28/02/2026

WE ARE HIVING AND THRIVING!

Lumahok ang aming mga kalahok sa isang dobleng workshop tungkol sa pagtukoy ng problema at paggawa ng solusyon. Gamit ang hexagon shape notepads, inilatag nila ang mga pangunahing isyu sa kanilang komunidad at mga salik sa kalusugan na konektado sa mga hamong ito.

Mula rito, isinulat nila ang kanilang mga pangarap sa papel at inilagay sa Wish Jar. Bawat tala ay nagdadala ng kolektibong boses at pag-asa ng kabataan para sa isang mas malusog at mas matatag na komunidad. ๐Ÿ’›

Pinangunahan ni Public Health Physician at Health System expert Dr. Raymond John Naguit ang capacity building session sa...
28/02/2026

Pinangunahan ni Public Health Physician at Health System expert Dr. Raymond John Naguit ang capacity building session sa pamamagitan ng talakayan tungkol sa health determinants at pamamahala sa kalusugan.

Binigyang-diin niya ang kahulugan ng kalusugan at nagbahagi ng mga halimbawa mula sa komunidad ng Ligas 2. Mas pinalalim ng mga kalahok ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng interactive vignette activities na tumulong sa pagtukoy ng mahahalagang health determinants sa kanilang konteksto.

THE HIVE LAB KICKS OFFBinigyang-umpisa ang programa sa maikling introduction upang ipakilala ang layunin at daloy ng mga...
28/02/2026

THE HIVE LAB KICKS OFF

Binigyang-umpisa ang programa sa maikling introduction upang ipakilala ang layunin at daloy ng mga activities. Para mas mapagaan at mas maging masaya ang simula, lumahok ang mga kabataan sa isang ice breaker na nagpatibay sa samahan at pagtutulungan ng mga pangkat.

Bukas pa ang rehistrasyon at maari pang humabol! Tara na!

Patuloy ang rehistrasyon para sa The HIVE Lab! Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang makabuluhang esp...
28/02/2026

Patuloy ang rehistrasyon para sa The HIVE Lab! Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang makabuluhang espasyo para sa pagkatuto, kolaborasyon, at inobasyon.

Bukas pa ang aming mga pinto para sa mga handang sumubok, magbahagi ng ideya, at makiisa sa paghubog ng mga solusyong may tunay na impact sa kalusugan ng ating pamayanan!

Tara naโ€™t makilahok!

Address

Phase 2 Covered Court, Casimiro Westville Homes
Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The HIVE Lab posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share