27/09/2026
Ang isang taong posibleng may TB ay kadalasang nakakaramdam ng alinman sa mga pangunahing sintomas na umaabot nang dalawang linggo o higit pa. Kabilang dito ang ubo na hindi nawawala, hindi maipaliwanag na paglalagnat, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang o pamamayat, at labis-labis na pagpapawis sa gabi.
Kung nararanasan mo o ng iyong mahal sa buhay ang mga palatandaang ito, huwag mag-atubiling magpacheck-up agad sa pinakamalapit na pasilidad ng kalusugan.
Ang maagang pagtukoy sa mga sintomas ng TB ay mahalaga upang agad na makapagsimula ng libreng gamot at maiwasan ang pagkalat nito sa pamilya at komunidad.
Makipag-ugnayan agad sa inyong pinakamalapit na Health Facility para sa libreng konsultasyon: bit.ly/TBDOTSFacilities
KILALANIN ANG MGA SINTOMAS NG TUBERCULOSIS
Detalye sa comment section.