16/04/2020
COVID-19 Updates 💯✏️👆
Laging makinig ng balita, sumunod sa patakaran ng bawat lungsod, maging maingat sa tuwing lalabas mag soot ng mask, gloves mag jacket at pantalon at pang harang sa mata upang maka siguradong ligtas pag balik sa pamilya.
ilista ang mga kailanganing bilhin tuwing lalabas at gawing minsanan lang para hindi laging na eexposed sa labas.
palakasin ang katawan (immune system)
kumain ng prutas at gulay kung maari at mayroon pang mabilhan, mag home work out na literal kasi araw-araw nasa bahay.
-sa panahon ngayon sobrang daming oras ang mailalaan natin para sa pamilya natin, kung dati gusto mo walang pasok o kaya naman tuwing rest day kalang nakakapag pahinga itong mga buwan na ang paraan para sa gusto mo, sulitin ito kahit nasa bahay lang kasi after ng lock down back to normal an lahat, kaunting sakripisyo lang ang kailangan para matapos napong krisis na'to, alam naming hirap ang karamihan sa panggastos at kung saan kukuha nang pagkain ito'y pagsubok saatin isipin nalang natin na kapag nag sakit tayo buhay na kalaban natin pero tayo na mapalad ang walang sakit tanging paraan kung paano mabuhay ang sosolusyunan :) sana sa lahat ng mamayanan ng pinas sumunod at simulan mismo sa sarili kung papaano makaka iwas at makakatulong para mas mapadali ang pag tapos ng virus. maraming salamat sa lahat ng front liners