Alcala Municipal Health Office

Alcala Municipal Health Office Para sa mas Malusog na Alcala

Congratulations sa pagkamit ng 96.05% vaccination coverage sa MR SIA Vaccination 2026! πŸ’‰πŸ‘Ang tagumpay na ito ay bunga ng...
03/09/2026

Congratulations sa pagkamit ng 96.05% vaccination coverage sa MR SIA Vaccination 2026! πŸ’‰πŸ‘

Ang tagumpay na ito ay bunga ng mahusay na pamumuno at patuloy na suporta nina Municipal Mayor Atty. Tin Antonio at Municipal Health Officer Dr. Karen Ana A. Narag, kasama ang ating buong Healthcare Team ng Alcala Municipal Health Office, BHWs, BNS, Barangay Officials, CVCHD, PDOHO at iba pang mga katuwang sa programang ito.

Higit sa isang numero, ang tagumpay na ito ay patunay ng ating sama-samang malasakit upang maibigay sa bawat batang AlcaleΓ±o ang proteksiyon nararapat sa kanila. Magpapatuloy tayo para sa mas malusog at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga anak.

29/08/2026

π—˜π—«π—§π—˜π—‘π——π—˜π—— π—”π—‘π—š 𝗠π—₯-π—¦π—œπ—”! πŸ’‰πŸ“£

May dagdag na panahon para sa pagbabakuna ng mga batang 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella (MR)!

πŸ“… EXTENDED HANGGANG SEPTEMBER 4, 2026

Kung hindi pa nabakunahan ang inyong anak, huwag nang maghintay! Dalhin siya sa pinakamalapit na vaccination site o health center at magpabakuna.

βœ… Ligtas
βœ… Libre
βœ… Proteksyon laban sa tigdas at rubella

Bakuna para sa bata, proteksyon para sa buong pamilya at komunidad.

πŸ“ Makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Station, Rural Health Unit, o City/Municipal Health Office para sa schedule at pinakamalapit na vaccination site.

YAKAP DAY / PUROKALUSUGAN CARAVAN / MR SIA CATCH-UP IMMUNIZATION πŸ©ΊπŸ‘©β€βš•οΈπŸ’‰ Patuloy ang ating serbisyong pangkalusugan dito ...
20/08/2026

YAKAP DAY / PUROKALUSUGAN CARAVAN / MR SIA CATCH-UP IMMUNIZATION πŸ©ΊπŸ‘©β€βš•οΈπŸ’‰

Patuloy ang ating serbisyong pangkalusugan dito sa Brgy. Calantac, Alcala, Cagayan. Isinasagawa ngayon ang Yakap Day at Purokalusugan Caravan, kasama ang MR SIA Catch-Up Immunization, upang mailapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabarangay. Target nating mapaglingkuran ang 4Ps members and beneficiaries, PhilHealth members, at lahat ng eligible residents.

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Dr. Karen Ana A. Narag at sa suporta ng ating butihing Mayor Atty. Tin Antonio. Maraming salamat din sa mga Brgy. officials at representatives, BNS at BHWs sa kanilang mainit na pagtanggap, pakikiisa, at suporta sa ating programa.

Patuloy nating isinusulong ang serbisyong pangkalusugan na mas malapit sa bawat AlcaleΓ±o.

YAKAP Day Γ— PuroKalusugan Caravan sa  Baybayog, Alcala πŸ©ΊπŸ‘©β€βš•οΈ Kasalukuyang isinasagawa ngayon sa Dapun Market, Baybayog, ...
19/08/2026

YAKAP Day Γ— PuroKalusugan Caravan sa Baybayog, Alcala πŸ©ΊπŸ‘©β€βš•οΈ

Kasalukuyang isinasagawa ngayon sa Dapun Market, Baybayog, Alcala, Cagayan ang patuloy nating paglalapit ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng YAKAP Day at PuroKalusugan Caravan, kasama ang ating mga kinatawan mula sa PhilHealth na handang tumulong at magbigay ng gabay sa ating mga benepisyaryo.

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Dr. Karen Ana A. Narag, Municipal Health Officer, at ni Hon. Mayor Cristina β€œTin” Antonio, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa bawat AlcaleΓ±o.

Mula sa ating health consultations at screening hanggang sa PhilHealth assistance at iba pang serbisyong pangkalusugan, patuloy nating ihahatid ang serbisyo kung saan ito higit na kailangan, sa bawat barangay at sa bawat purok ng Alcala.

17/08/2026

πŸ¦Έβ€β™€οΈπŸ¦Έβ€β™‚οΈ MRSIA 2026: LIGTAS TIGDAS! πŸ’‰

Protektahan ang bawat bata laban sa Tigdas at Rubella!

Ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ay isang vaccination campaign ng ating Municipal Health Office at ng Department of Health na naglalayong maprotektahan ang mga bata laban sa tigdas at rubella at makatulong na maiwasan ang pagkalat at paglaganap ng mga sakit na ito.

SINO ANG DAPAT MAGPABAKUNA?
Lahat ng batang edad 6–59 buwan ay kabilang sa target ng MRSIA 2026. Sa supplemental vaccination activities, maaaring bakunahan ang mga kwalipikadong bata kahit mayroon na silang naunang bakuna laban sa tigdas.

BAKIT MAHALAGA ANG BAKUNA?
Ang tigdas ay lubhang nakahahawa at maaaring magdulot ng mataas na lagnat, ubo, sipon, pamumula ng mata at pantal. Maaari itong humantong sa malubhang komplikasyon gaya ng pneumonia, encephalitis at pagkamatay.
Ang rubella naman ay karaniwang banayad sa mga bata ngunit mapanganib sa buntis, dahil ang infection sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng Congenital Rubella Syndrome sa sanggol, kabilang ang mga problema sa pandinig, paningin at puso.

LIGTAS BA ANG MR VACCINE?
Oo. Ang measles-containing vaccines ay matagal nang ginagamit at itinuturing na ligtas at epektibo. Patuloy na sinusuportahan ng WHO ang measles-rubella vaccination bilang mahalagang bahagi ng pagkontrol at laban sa mga sakit na ito.

TANDAAN!
βœ… LIBRE ang bakuna sa mga itinalagang vaccination sites
βœ… Dalhin ang inyong anak na 6–59 buwan sa vaccination site
βœ… Dalhin ang immunization card/bakuna card kung mayroon ma
βœ… Para sa eksaktong schedule at vaccination site sa Alcala, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers o sa Alcala Municipal Health Office

Maging superhero ng inyong anak, Magpabakuna Na!

MAG-INGAT SA W.I.L.D.! Kasabay ng tuloy-tuloy na pag-ulan ay ang pagtaas ng panganib ng W.I.L.D. diseases:W – Waterborne...
02/08/2026

MAG-INGAT SA W.I.L.D.!

Kasabay ng tuloy-tuloy na pag-ulan ay ang pagtaas ng panganib ng W.I.L.D. diseases:
W – Waterborne Diseases πŸ’¦
I – Influenza-Like Illnesses (ILI) πŸ€’
L – Leptospirosis πŸ€
D – Dengue 🦟

Hindi natin kontrolado ang panahon, ngunit kaya nating bawasan ang panganib ng pagkakasakit.
- Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
- Uminom lamang ng ligtas at malinis na tubig at siguraduhing malinis ang pagkain.
- Panatilihing malinis ang kapaligiran at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
- Iwasang lumusong sa baha. Kung hindi ito maiiwasan, magsuot ng bota o iba pang angkop na proteksiyon.
- Magpahinga sa bahay kung may sintomas ng trangkaso upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
- Kung nakararanas ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng katawan, pagsusuka, hirap sa paghinga, o iba pang malalang sintomas, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health facility.

Ang maagap na pag-iingat ay susi sa pagprotekta sa ating sarili, pamilya, at komunidad.

31/07/2026
Recipe of the Day! πŸ‘©β€πŸ³πŸ₯˜Lumpiang Papaya Masarap, Masustansya, at Abot-kaya! Isa na namang masarap at masustansyang putahe...
30/07/2026

Recipe of the Day! πŸ‘©β€πŸ³πŸ₯˜
Lumpiang Papaya

Masarap, Masustansya, at Abot-kaya!

Isa na namang masarap at masustansyang putahe ang tampok sa ating β‚±300 Pinggang Pinoy Challenge, ang Lumpiang Papaya na inihanda ng mga kalahok mula sa Brgy. A. batu, Cabuluan, Tamban at Carallangan.

Pinatunayan ng ating mga kalahok na hindi kailangang gumastos nang malaki upang makapaghanda ng pagkaing sapat sa nutrisyon para sa buong pamilya. Sa pamamagitan ng mga simpleng sangkap tulad ng papaya, carrots, at giniling na karne, nakabuo sila ng isang pagkaing mayaman sa protina, bitamina, at fiber na siguradong magugustuhan ng lahat.

Subukan ang recipe na ito sa inyong tahanan at sama-sama nating isulong ang mas malusog na pamumuhay sa bawat hapag-kainan. I comment dito ang inyong bersyon ng ating mga recipe. 🍽️

RECIPE for the DayBola-Bola at Sinabawang Mais 🌽🍲 Narito ang isa sa mga itinampok na putahe na inihatid ng Brgy. Baculod...
27/07/2026

RECIPE for the Day
Bola-Bola at Sinabawang Mais 🌽🍲

Narito ang isa sa mga itinampok na putahe na inihatid ng Brgy. Baculod, Pared, Pinopoc, Calantac sa nakalipas na β‚±300 Pinggang Pinoy Challenge na may temang β€œPagkaing Masustansya, Para sa Bawat Pamilya sa Alcala."

Patunay ang recipe na ito na hindi kailangang gumastos nang malaki upang makapaghain ng masustansya at masarap na pagkain para sa pamilya. Gamit ang mga lokal na sangkap tulad ng katuray, alukon, malunggay, batang mais, at manok, makakalikha ng pagkaing mayaman sa protina, bitamina, mineral, at fiber.

I-save ang recipe card na ito at subukang lutuin sa inyong tahanan. Sama-sama nating isulong ang masustansya at balanseng pagkain para sa bawat pamilyang AlcaleΓ±o!

Address

Centro Norte, Alcala
Cagayan
3507

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639951005899

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alcala Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share