20/06/2025
SALAMAT PO MR CHAIR 💚🫡🙏
TINGNAN 📸 | HANGGANG SA MULI, MR. CHAIR! 🫰
Pinarangalan ng Basud Municipal Health Board sa huli nitong pagpupulong ang kanilang chairman sa loob ng siyam na taon, Hon. Adrian Davoco, sa inilabas nitong Municipal Health Board Resolution 2025-007: A Resolution Expressing Commendation and Gratitude to Hon. Adrian S. Davoco for his Nine (9) Years of Service as Municipal Health Board Chairman and Local Chief Executive.
Nakita sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Adrian ang dahan-dahan ngunit siguradong pagbuti ng sistemang pang-kalusugan sa Basud sa kabila ng mga natural na sakuna, pandemya, at iba't-ibang suliranin.
Nagpadala rin ng mga nakatutuwang videos ang iba't-ibang barangay health center at rural health unit staff para taos-pusong magpasalamat sa suporta ng alkalde sa mga pasyente at programang pang-kalusugan ng ating opisina.
Mabilis ang proseso ng mga pagdedesisyon, paggawa ng nakatutulong na mga polisiya, at nararamdamang pagbabago sa ilalim ng pamahalaang may husay, hinahon, puso, isip, at malasakit.
Salamat, boss! Meeting is adjourned!