RHU - IV Libmanan

  • Home
  • RHU - IV Libmanan

RHU - IV Libmanan ❤️RHU - IV LIBMANAN FACEBOOK PAGE❤️

Email - [email protected]

💉✨ Sinimulan na ang MR-SIA 2026 Vaccination sa mga Barangay ng RHU IV – Libmanan ✨💉Ngayong araw, Agosto 10, 2026, opisya...
10/08/2026

💉✨ Sinimulan na ang MR-SIA 2026 Vaccination sa mga Barangay ng RHU IV – Libmanan ✨💉

Ngayong araw, Agosto 10, 2026, opisyal nang nagsimula ang pagbabakuna para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026 sa bawat barangay na nasasakupan ng Rural Health Unit IV – Libmanan.

Sa pangunguna ng ating RHU IV Physician, kasama ang mga nurses, midwives, Barangay Health Workers, at iba pang healthcare providers, patuloy na inilalapit ang serbisyo ng pagbabakuna upang mabigyan ng proteksyon ang mga batang Libmaneño laban sa Tigdas (Measles) at Rubella.

Hinihikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na makiisa at dalhin ang kanilang mga anak sa vaccination sites sa kani-kanilang barangay upang matanggap ang karagdagang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

💙 Bakuna ay Proteksyon. Sama-sama nating gawing mas ligtas at mas malusog ang bawat batang Libmaneño!





TINGNAN: RHU Libmanan Lumahok sa eLMIS Refresher Training and Simulation Seminar 💙💻Ang mga kinatawan mula sa Rural Healt...
09/08/2026

TINGNAN: RHU Libmanan Lumahok sa eLMIS Refresher Training and Simulation Seminar 💙💻

Ang mga kinatawan mula sa Rural Health Units I, II, at IV ng Bayan ng Libmanan ay aktibong nakibahagi sa isinagawang Electronic Logistics Management Information System (eLMIS) Refresher Training and Simulation.

Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kaalaman at kasanayan ng ating mga health personnel sa paggamit ng eLMIS para sa mas maayos na pamamahala, pagmomonitor, at pagsubaybay ng mga gamot at iba pang health commodities.

Patuloy ang RHU Libmanan sa pagpapahusay ng mga sistema upang mas matiyak ang mahusay at tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan. 💙



💉✨ Nakiisa ang RHU IV – Libmanan sa Paglulunsad ng MR-SIA 2026 Aktibong nakiisa ang Rural Health Unit IV – Libmanan sa K...
07/08/2026

💉✨ Nakiisa ang RHU IV – Libmanan sa Paglulunsad ng MR-SIA 2026

Aktibong nakiisa ang Rural Health Unit IV – Libmanan sa Kick-Off Ceremony ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026 na ginanap sa Handiong Cultural Center, bilang pagsisimula ng mas pinaigting na kampanya ng pagbabakuna laban sa tigdas (Measles) at Rubella.

Sa pangunguna ng Municipal Health Office of Libmanan sa pamumuno ni Dr. Eddie R. Palima, kasama ang RHU II, RHU III, at RHU IV, katuwang ang mga nurse, midwife, Barangay Captains, at iba pang healthcare workers, patuloy nating isinusulong ang proteksyon at kalusugan ng bawat batang Libmaneño.

Kaisa ng programang ito ang Lokal na Pamahalaan ng Libmanan sa pangunguna ni Mayor Son Marfil , na patuloy na nagbibigay suporta sa mga inisyatibong pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Nagpapasalamat ang RHU IV sa mensahe at suporta nina Dr. Gladys D. Escote, MD, MLGM, FIAMS, FICS, FPCHA, CHA – Medical Officer V, Chief, Local Health Support Division, DOH Bicol Center for Health Development, Ma’am Aurora Nira S. Dela Cruz, RN, MPM – DMO IV, DOH Bicol Center for Health Development – HRH Program, at Dr. Barbie Ann Pamplona Sinogba – Private Pediatrician, sa kanilang pakikiisa at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbabakuna.

Patuloy nating hikayatin ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak upang mapanatili silang ligtas laban sa tigdas at rubella.

Bakuna ay Proteksyon. Para sa isang mas ligtas at mas malusog na Libmanan laban sa Tigdas at Rubella.






📚🩺 Day Care Pupils’ Health Visit and Check-Up at Barangay San Pablo 💙The Rural Health Unit IV – Libmanan continues to ex...
05/08/2026

📚🩺 Day Care Pupils’ Health Visit and Check-Up at Barangay San Pablo 💙

The Rural Health Unit IV – Libmanan continues to extend healthcare services to the community through the conduct of health check-ups and assessments for our day care pupils in Barangay San Pablo.

This activity aims to monitor the growth, development, and overall well-being of our young learners, promoting early detection of health concerns and supporting a healthier future for every child. 👧👦✨

Together, we continue to bring healthcare closer to the community — because every child deserves a healthy beginning. 💙






🤰❤️ Buntis Congress at Barangay Mambulo Viejo ❤️A meaningful day dedicated to empowering and supporting our pregnant mot...
29/07/2026

🤰❤️ Buntis Congress at Barangay Mambulo Viejo ❤️

A meaningful day dedicated to empowering and supporting our pregnant mothers through health education, guidance, and care. 🩺✨

The Barangay Mambulo Viejo BHS, with the support of Rural Health Unit IV – Libmanan, successfully conducted the Buntis Congress aimed at promoting safe motherhood and healthy pregnancy. 🤰💕

Expectant mothers were provided with valuable information on proper prenatal care, nutrition, birth preparedness, and the importance of regular health check-ups for the well-being of both mother and baby. 👶✨

Together, we continue to strengthen maternal health services and support every mother on their journey toward a safe and healthy delivery. ❤️

* Ang malusog na bukas ng ating mga anak ay nakasalalay sa pag-aalaga ng kalikasan!Para sa mas malusog na kinabukasan:🌱 ...
29/07/2026

* Ang malusog na bukas ng ating mga anak ay nakasalalay sa pag-aalaga ng kalikasan!

Para sa mas malusog na kinabukasan:
🌱 Ipagpatuloy ang pagpapasuso at magbigay ng iba’t ibang masustansyang pagkain
🌱 Pumili ng lokal na sangkap sa paghahanda ng pagkain
🌱 Magtanim ng gulay at prutas sa bakuran o komunidad

Simulan ang maliliit na hakbang para sa mas malusog na pamilya at mas luntiang kinabukasan. Kaisa ng National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!

*Ang pagiging healthy ni baby ay nagsisimula sa First 1,000 Days! 👶💚

Narito ang ilang hakbang para sa malusog na paglaki ni baby:
🌟 Magpa-check up nang hindi bababa sa walong beses at sundin ang 1-2-5 schedule! 1 check-up sa unang tatlong buwan, 2 sa ikalawang tatlong buwan, at 5 sa huling tatlong buwan ng pagbubuntis.
🌟 Sa unang anim na buwan, exclusive breastfeeding lamang!
🌟 Pagdating ng anim na buwan, ipagpatuloy ang pagpapasuso at bigyan si baby ng iba’t ibang masustansyang pagkain mula sa apat na food groups.

Simulan ang tamang nutrisyon mula sa pagbubuntis hanggang sa paglaki ni baby. Kaisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat!

* Ang wais sa pagkain ay katuwang ng kalikasan! 🌱♻️

Piliin ang masustansya at lokal na pagkain tulad ng gulay, isda, at root crops na mabuti na sa kalusugan, mabuti pa sa kalikasan. Bawasan ang food waste sa pamamagitan ng wastong pagpaplano at pag-iimbak ng pagkain. Sa panahon ng climate change, mahalagang magkaroon tayo ng mga pamayanang may sapat na nutrisyon, matatag na kabuhayan, at responsableng paggamit ng likas na yaman. 🍽️🌍

Sama-sama nating isulong ang nutrisyon at pangangalaga sa kapaligiran para sa mas matatag na kinabukasan! Kaisa ng National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat: Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!


1. Healthy BulilEATS Fresh Pick! 🥗 Alam mo ba na available ang sayote buong taon at mas marami itong ani tuwing Hunyo at...
28/07/2026

1. Healthy BulilEATS Fresh Pick! 🥗 Alam mo ba na available ang sayote buong taon at mas marami itong ani tuwing Hunyo at Disyembre?

Para sa mga bulilit na 6–8 buwan, maaaring isama ang sayote sa mga unang pagkain nila. Sanayin si baby sa iba’t ibang lasa habang lumalaki upang maiwasan ang pagiging mapili sa pagkain. Para sa iba pang recipe ideas, tingnan ang Healthy Bulilit Recipe Cards! 🍽️👶

Simulan ang tamang nutrisyon mula sa pagpapasuso at pagsisimula ng pagpapakain kay baby. Kaisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat!

2. Healthy BulilEATS Fresh Pick! 🥗 Ngayong summer, peak din ang produksyon ng sitaw!

Kapag 9–10 buwan na si baby, maaari nang simulan ang mas iba’t ibang pagkain tulad ng Ginisang Baboy at Sitaw. Habang lumalaki siya, unti-unti ring nadaragdagan ang dami at variety ng kanyang pagkain, basta angkop sa kanyang edad at kakayahan. 🥣👶

Gamitin ang Healthy Bulilit Recipe Cards bilang gabay sa pag-introduce ng bagong pagkain at tamang dami ayon sa edad ni baby. Kaisa ng National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!

3. Healthy BulilEATS Fresh Pick! 🥗 Alam mo ba na madali lang magtanim ng kangkong at available ito buong taon?

Mommy, kapag 11–12 months na si baby, maaari na siyang kumain ng hanggang kalahating tasa bawat kain. Subukan ang sinabawang gulay na may isda para sa mas masustansyang meals! Pwede ring magsimula sa pagkain ng pamilya ang pagkain ni baby, basta siguradong angkop ang texture at dami para sa kanyang edad. 🍚👶

Para sa iba pang recipe ideas, tingnan ang Healthy Bulilit Recipe Cards! Kaisa ng National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat: Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!

4. Healthy BulilEATS Fresh Pick! 🥗 Alam mo ba mas marami ani ng pechay tuwing Summer? Kung nag-iisip ng iluluto na maaari ring kainin ni baby, try mo na itong Nilagang Baboy!

Ngayong 12-24 buwan na si baby, mas marami na rin syang pwedeng kainin. Subukang lagyan ng iba't ibang gulay ang ulam ni baby para may variety. Extra tip, pasusuhin muna sya bago pakainin para siguradong enough ang kanyang makakain. 🤱👶

Ngayong Nutrition Month, siguruhing healthy si baby sa pamamagitan ng pagpapasuso at complementary feeding! Kasama ng National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagsiguro sa isang malakas at malusog na First 1,000 Days!


💙 Senior Wellness Day: Geriatric Screening Program 👵👴✨A day dedicated to promoting healthy aging and ensuring the well-b...
24/07/2026

💙 Senior Wellness Day: Geriatric Screening Program 👵👴✨

A day dedicated to promoting healthy aging and ensuring the well-being of our beloved senior citizens! 🩺💙

The Rural Health Unit IV – Libmanan successfully conducted the Geriatric Screening Program at Barangay Tinanquihan, Libmanan, Camarines Sur, providing our elderly residents with essential health assessments, monitoring, and health education to support their active and healthier lifestyle.

Through early detection, proper management, and continuous care, we remain committed to bringing quality healthcare services closer to our senior citizens and empowering them to live healthier lives. ❤️

Saludo kami sa ating mga lolo at lola — your health and wellness will always be our priority! 🌿💙





💙

Address

Mambulo Nuevo, Libmanan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU - IV Libmanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RHU - IV Libmanan:

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business?

Share