24/06/2026
ENGLISH VERSION: ADOLESCENCE REPRODUCTIVE HEALTH
Date: June 24, 2025
Topic: Key responsibility in different relationship
Relationships thrive when we know our role and show up for it. Here’s a quick guide to the core responsibilities that keep different relationships healthy and strong
1. Romantic Partner
The foundation here is partnership, not perfection.
• Emotional Safety: Listen without fixing. Be a safe space for vulnerability. • Mutual Respect: Honor boundaries, opinions, and individuality even during disagreements.
• Shared Growth: Invest in the relationship. Plan together, check in regularly, and support each other’s goals.
• Accountability: Own your mistakes, apologize sincerely, and work to rebuild trust.
• Intimacy & Effort: Keep choosing each other. Small gestures and grand gestures.
2.Parent and Child
Parent role shifts as they grow, but responsibility stays.
• Provide & Protect: Meet basic needs — physical safety, food, shelter, education.
• Guide, Don’t Control: Teach values, discipline with empathy, and model the behavior you want to see.
• Emotional Nurturer: Validate feelings. A child who feels heard becomes an adult who can communicate.
• Encourage Independence: Prep them to leave you. Celebrate their autonomy, even when it’s hard.
• Unconditional Love: Love isn’t earned by grades or behavior. Remind them they’re enough.
The responsibilities of a child toward their parents include:
A. Respect – Speak and act respectfully toward parents, even when there are disagreements.
B. Obedience and Cooperation – Follow reasonable rules and guidance that help ensure safety, growth, and well-being.
C. Honesty – Be truthful and communicate openly to build trust.
D. Gratitude – Appreciate the care, sacrifices, and support that parents provide.
E. Helping at Home – Contribute to household responsibilities according to age and ability.
F. Good Behavior – Make responsible choices that reflect the values and lessons taught by parents.
G. Care and Support – As parents grow older, provide emotional support, companionship, and assistance when possible.
H. Communication – Share feelings, concerns, and achievements to maintain a strong parent-child relationship.
3.Friendships
Friends are the family we choose — treat them like it.
• Show Up: Be present in crises and celebrations. Consistency builds trust.
• Honest Reciprocity: Give and take. Don’t keep score, but don’t be the only giver/taker.
• Respect Boundaries: Understand that “no” isn’t rejection. Support their other relationships and priorities.
• Call In, Not Out: Hold them accountable with kindness when they’re off track. • Keep Confidence: If they vent to you, it’s not content for the group chat.
4.Teacher and Student
The school is your second home and teachers are second parents. Act like it.
• Reliability: Do what you said you’d do, when you said you’d do it.
• Clear Communication: Update, ask questions early, and give credit where it’s due.
• Professional Boundaries: Be friendly, not friends with everyone. Respect roles of teachers.
• Collaborate, Don’t Compete: Your co-students win isn’t your loss. Share knowledge.
• Own Your Impact: Your attitude affects the school. Take feedback without defensiveness.
5. Self
The most overlooked relationship — and the one that affects all others.
• Self-Awareness: Notice your patterns. You can’t change what you don’t see.
• Self-Care: Rest, boundaries, and saying “no” aren’t selfish. You can’t pour from an empty cup.
• Self-Accountability: Keep promises to yourself. That’s how self-trust is built.
• Self-Compassion: Talk to yourself like you’d talk to a friend who’s struggling. • Personal Growth: Take responsibility for your healing, not for being hurt.
Quick Comparison
a. Relationship: Romantic Partner - Core focus: Partnership - Responsibility: Emotional safety + mutual effort
b. Relationship: Parent and child - Core focus: Guidance- Responsibility: Unconditional Love + Protection
c. Relationship: Friend - Core focus: Loyalty - Responsibility: Show up + keep Confidence
d. Relationship: Teacher and Student - Core focus: Collaboration- Responsibility: Reliability + clear Communication
e. Relationship: Self - Core focus: Foundation- Responsibility: Self - Awareness + Boundaries
Responsibility in any relationship isn’t about being perfect. It’s about being intentional. The healthiest connections happen when both people say: “Your needs matter to me, and mine matter too.”
TAGALOG NA BERSYON: KALUSUGANG REPRODUKTIBO NG MGA KABATAAN
Petsa: Hunyo 24, 2025
Paksa: Mahahalagang Pananagutan sa Iba’t Ibang Uri ng Relasyon
Ang mga relasyon ay umuunlad kapag alam natin ang ating papel at ginagampanan natin ito nang maayos. Narito ang isang gabay sa mga pangunahing pananagutan na nagpapanatiling malusog at matatag ang iba’t ibang uri ng relasyon.
1.Karelasyon (Romantic Partner)
Ang pundasyon ng relasyong ito ay pagtutulungan, hindi pagiging perpekto.
• Emosyonal na Seguridad – Makinig nang hindi agad naghahanap ng solusyon. Mapapagkatiwalaan at masasandalan para sa anumang nararamdaman.
• Paggalang sa Isa’t Isa – Igalang ang mga limitasyon, opinyon, at sariling pagkatao ng bawat isa kahit may hindi pagkakaunawaan.
• Sama-samang Paglago – Maglaan ng panahon para sa relasyon. Magplano nang magkasama, regular na magkumustahan, at suportahan ang mga pangarap ng bawat isa.
• Pananagutan – Tanggapin ang pagkakamali, humingi ng taos-pusong paumanhin, at magsikap na maibalik ang tiwala.
• Pagmamahal at Pagsisikap – Patuloy na piliin ang isa’t isa. Mas mahalaga ang maliliit na pagpapakita ng pagmamahal kaysa sa malalaking sorpresa.
2.Magulang at Anak (Parent-Child)
Reponsibilidad ng Magulang sa Anak
Nagbabago ang papel ng magulang habang sila ay lumalaki, ngunit nananatili ang responsibilidad ng magulang.
• Magbigay at Magprotekta – Tugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng kaligtasan, pagkain, tirahan, at edukasyon.
• Gumabay, Huwag Kontrolin – Ituro ang tamang pagpapahalaga, magdisiplina nang may pag-unawa, at maging mabuting halimbawa.
• Emosyonal na Pag-aaruga – Kilalanin at pakinggan ang kanilang damdamin. Ang batang naririnig ay nagiging matandang marunong makipag-usap.
• Hikayatin ang Kasarinlan – Ihanda silang maging independiyente. Ipagdiwang ang kanilang kakayahang magdesisyon para sa sarili.
• Walang Kondisyong Pagmamahal – Ang pagmamahal ay hindi nakabatay sa grado o pag-uugali. Ipaalala sa kanila na sapat sila kung sino sila.
Reponsibilidad ng Anak sa Magulang
Ang bawat anak ay may mahalagang pananagutan sa kanilang mga magulang upang mapanatili ang maayos at matatag na relasyon sa pamilya.
• Paggalang – Igalang ang mga magulang sa pamamagitan ng magalang na pananalita at mabuting pag-uugali.
• Pagsunod at Pakikipagtulungan – Sundin ang makatwirang mga tuntunin at gabay na ibinibigay ng mga magulang para sa sariling kapakanan at kaligtasan.
• Katapatan – Maging tapat sa mga magulang at iwasan ang pagsisinungaling upang mapanatili ang tiwala sa isa’t isa.
• Pasasalamat – Pahalagahan ang pagmamahal, sakripisyo, at suporta na ibinibigay ng mga magulang.
• Pagtulong sa Gawaing Bahay – Makibahagi sa mga gawaing bahay ayon sa kakayahan at edad.
• Mabuting Pag-uugali – Gumawa ng mga responsableng desisyon at isabuhay ang mabubuting aral na itinuro ng mga magulang.
• Pag-aalaga at Suporta – Magbigay ng pagmamahal, pag-unawa, at tulong sa mga magulang, lalo na kapag sila ay tumatanda na.
• Maayos na Komunikasyon – Makipag-usap nang bukas at maayos upang mapanatili ang mabuting ugnayan sa pamilya.
3.Pagkakaibigan (Friendships)
Ang mga kaibigan ay pamilyang pinili natin—kaya tratuhin sila nang may pagmamahal at respeto.
• Palaging andyan para sa kaibigan – Samahan sila sa panahon ng problema at tagumpay. Ang pagiging palagian na pagsamasama sa kaibigan sa problema at tagumpay ay bumubuo ng tiwala.
• Tapat na Pagbibigay at Pagtanggap – Magbigay at tumanggap ng suporta. Huwag magbilang ng pabor, ngunit tiyaking may balanse.
• Igalang ang Hangganan – Unawain na ang pagsasabi ng “hindi” ay hindi pagtanggi. Suportahan ang iba nilang relasyon at responsibilidad.
• Magpaalala nang May Kabutihan – Itama sila nang may paggalang kapag kinakailangan.
• Panatilihin ang Tiwala – Kung may ibinahagi silang pribadong saloobin, huwag itong ikuwento sa iba.
4.G**o at Mag-aaral (Teacher and Student)
Ang paaralan ay tumatayong pangalawang tahanan at ang g**o ay pangalawang magulang. Kumilos nang naaayon.
• Pagiging Maaasahan – Gawin ang ipinangako sa tamang oras at mga gawain.
• Malinaw na Komunikasyon – Magbigay ng update, magtanong agad kung may hindi malinaw sa sinabi ng g**o, at kilalanin ang ambag ng iba.
• Propesyonal na Hangganan – Maging magalang at palakaibigan, ngunit igalang ang mga tungkulin at awtoridad ng G**o sa loob ng paaralan.
• Makipagtulungan, Huwag Makipagkumpitensya – Ang tagumpay ng kamag-aral ay hindi iyong pagkatalo. Magbahagi ng kaalaman.
• Pananagutan sa Epekto ng Iyong Gawain – Ang iyong ugali ay nakaaapekto sa buong paaralan. Tanggapin ang puna nang bukas ang isip.
5.Sarili (Self)
Ito ang pinakamadalas na nakakaligtaang relasyon ngunit ito rin ang nakaaapekto sa lahat ng iba pa.
• Pagkilala sa Sarili – Obserbahan ang iyong mga gawi at pag-uugali. Hindi mo mababago ang hindi mo nakikita.
• Pangangalaga sa Sarili – Ang pahinga, pagtatakda ng hangganan, at pagsasabi ng “hindi” ay hindi pagiging makasarili. Hindi ka makapagbibigay kung ikaw ay ubos na.
• Pananagutan sa Sarili – Tuparin ang mga pangako mo sa iyong sarili. Dito nabubuo ang tiwala sa sarili.
• Pagiging Mabait sa Sarili – Kausapin ang sarili sa paraang kakausapin mo ang isang kaibigang nahihirapan.
• Personal na Pag-unlad – Akuin ang responsibilidad sa iyong paghilom at paglago, hindi ang pananagutan sa sakit na dulot ng iba.
Mabilis na Paghahambing
A.Relasyon: Karelasyon - Pangunahing Pokus: Pagtutulungan - Responsibilidad: Emosyonal na seguridad at sama-samang pagsisikap.
B.Relasyon: Magulang at Anak - Pangunahing Pokus: Paggabay - Responsibilidad: Walang kondisyong pagmamahal at proteksyon
C.Relasyon: Magkaibigan - Pangunahing Pokus: Katapatan at Tiwala - Responsibilidad: Maging naroon at panatilihin ang kumpiyansa
D.Relasyon: G**o at Estudyante - Pangunahing Pokus: Pakikipagtulungan - Responsibilidad: Pagiging maaasahan at malinaw na komunikasyon
E.Relasyon: Sarili - Pangunahing Pokus: Pundasyon - Responsibilidad: Pagkilala sa sarili at pagtatakda ng hangganan
Ang responsibilidad sa anumang relasyon ay hindi tungkol sa pagiging perpekto. Ito ay tungkol sa pagiging sinasadya at may malasakit. Ang pinakamalusog na relasyon ay nabubuo kapag parehong tao ang nagsasabing:
“Mahalaga sa akin ang iyong pangangailangan, at mahalaga rin ang aking pangangailangan.”
Credit to DepEd Laguna for the video