01/06/2026
“Maagang pag-iwas, buhay ang maliligtas.”
Bilang pakikiisa sa kampanya laban sa dengue ng DEPARTMENT OF HEALTH ngayong buwan ng HUNYO, isinusulong ang iba’t ibang aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng publiko at mahikayat ang komunidad na makiisa sa pag-iwas sa dengue.
Layunin ng kampanya na mapanatiling malinis ang kapaligiran at maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue. Sa pakikiisa sa Kampanya Kontra Dengue, aktibong isinusulong ng Coast Guard Medical Station Southeastern Mindanao ang kahalagahan ng kalinisan sa kapaligiran at pagsunod sa mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng dengue.
Hinihikayat ang lahat na makiisa sa paglilinis ng paligid, pagtanggal ng naipong tubig, at pagsunod sa “4S Kontra Dengue”(Search and Destroy, Seek early consultation, Self-protection, Support Fogging/Spraying) upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating komunidad. Sama-sama nating labanan ang dengue para sa mas ligtas na pamayanan.
-SEM