05/05/2026
Maraming tao ang nagpapalagay ng tattoo bilang paraan ng healing. Para sa iba, ito ay pag-move on mula sa sakit, trauma, o pagkawala. It becomes a permanent reminder na “nakayanan ko to.” That’s something na hindi basta-basta mabibigyan ng halaga ng mga taong tumitingin lang sa surface. Yung sinasabi ng iba na “pagsisisihan mo yan balang araw” hindi ba ganun din naman sa ibang desisyon sa buhay? The difference is, tattoos are chosen with intention. Pinag-iisipan, pinag-iipunan, at pinaplano. At kahit magbago man ang meaning over time, it still represents a chapter of your life. Hindi siya pagkakamali bahagi siya ng journey. Sa professional world, unti-unti na ring nawawala ang stigma. Marami nang successful na tao, business owners, creatives, even professionals ang may mga tattoo. Hindi na siya sukatan ng pagiging “disente” o hindi. Ang tunay na basehan dapat ay skills, attitude, at respeto. At para sa mga tattoo artists, hindi biro ang ginagawa nila. It takes years of practice, discipline, and creativity para makagawa ng dekalidad na tattoo. Hindi lang basta marunong gumuhit, kailangan marunong sa skin anatomy, shading, sanitation, at client care. In short, they are skilled professionals, not just hobbyists.
Stop judging people by their skin—look at their character.
Stop belittling tattoo artists—recognize their craft.
Stop stereotyping tattoos—understand their meaning.
Respect the art. Respect the artist. Respect the person wearing it.
Kasi sa dulo, ang tattoo ay tinta lang sa balat, pero ang respeto at pag-unawa, yan ang tunay na sukatan ng pagiging tao.🫡🔥