25/03/2026
Hindi ko alam kung tama ba na ishare ko ‘to… pero baka may makarelate.
Dati kasi, sobrang tutok ako sa trabaho. Tipong lagi kong sinasabi sa sarili ko, “para naman ‘to sa pamilya ko.” Kaya okay lang kahit lagi akong wala, kahit lagi akong pagod, kahit madalas tulog na sila pag uwi ko.
May isang gabi, umuwi ako late. Tahimik na yung bahay. Tulog na asawa ko, tulog na rin mga anak ko. Sa lamesa may pagkain… malamig na. Tapos may maliit na papel, sulat ng anak ko.
“Pa, hinintay kita. Next time sabay tayo.”
Hindi ko naman agad pinansin nung una. Kumain lang ako, tapos natulog. Pero kinabukasan, ewan ko… bigla ko siyang naalala. Parang may kumurot.
Kasi totoo naman… ilang beses ko na bang sinabi yung “next time”? Ilang beses ko na bang hindi natupad?
Hanggang sa napansin ko, hindi na sila naghihintay. Hindi na nagtatanong kung anong oras ako uuwi. Parang nasanay na lang sila na wala ako.
Doon ko narealize… mali pala ako.
Akala ko dati, pera ang pinaka-importante. Pero hindi pala. Kasi yung oras na hindi ko naibigay sa kanila, hindi ko na mababalikan.
Time is more than gold.
Kasi yung pera, pwede mo pang kitain ulit. Pero yung oras na nawala wala na talaga.
Ngayon, sinusubukan ko lang maging present. Kahit simpleng sabay kumain, kwentuhan, o makinig lang. Hindi naman pala kailangan ng sobra… oras lang talaga.
Share ko lang… baka kasi may katulad ko na sobrang busy, tapos hindi na napapansin yung mga ganitong bagay.
Ty po
- sender