19/10/2026
Super El Niño is here..
kaya heto ang ilang paalala para sa iyong safe babywearing experience
Ilang munting paalala sa pagbabywear ngayong summer 😎
👉🏻 when it’s too hot, minsan di nagiging comfortable both sa baby at sa wearer dahil sa increased heat due to body contact..🤔 so ano ang mga pwedeng nating gawin?
✔️ use carriers na pwedeng single layer or pass lang sa likod ni baby—wrap (Front Wrap Cross Carry, bunched at the knee yung cross passes), or ring sling or a buckled carrier na light material lang. Kung maari, iwasan ang mga carriers na may thick pads kasi pwedeng magtrap ito ng heat.
✔️ use light-colored baby carriers (dark colors, like black attracts shorter light wavelengths kaya mas mainit sya)
✔️ use carriers na may opening sa sides like Meh Dai, SSC or Onbuhimo
✔️ try hip or back carry—mas mainit kapag front carry dahil mas mainit yung trunk na parte ng katawan natin
✔️ if possible, pasuotan si baby ng manipis na damit (dito sa picture nakadiaper nga lang sya)
✔️ use hand-held/portable mini fan
✔️ iwasan magbabad sa ilalim ng araw. Mas mainam na gumamit ng payong kesa ng hoodie na full on (both sides nakastrap, kasi mas mainit ito para kay baby)
✔️ alisin si baby sa carrier kapag may signs of distress na
✔️ and of course—follow TICKS for utmost safety..monitor baby’s facial cues..
PS: when my eldest was still in his “babywearing days”, nagdadala ako palagi ng basa na bimpo at nilalagay yun sa plastic bag..kapag nasa bazaar kami at sobrang init, pinupunasan ko yung mukha nya ng bimpo para mag-cool down yung temperature niya
⚠️⚠️⚠️TANDAAN:
- minsan akala natin talagang mahimbing lang ang tulog ni baby kahit mainit ang panahon, yun pala ay pwedeng na overheat na si baby sa loob ng baby carrier at pwedeng magcause ito ng dehydration at hindi paghinga
Warning signs na si baby ay nagooverheat na sa loob ng carrier:
- mukhang flushed at namumula ang mukha ni baby
- pawis na pawis
- dry lips
- sunken fontanelle
- mabilis ang paghinga at naiyak
- panghihina
Tandaan, yes babywearing may save your day kapag you are out and about, pero mas mainam to take more precaution lalo na't super init ngayon..iassess if worth ba talagang lumabas at magbabad sa init with your baby..
SAFE BABYWEARING!