16/02/2021
Online Seller Etiquette
1. NEVER ASK "Sinong supplier mo"
O kung saan siya kumukuha o kanino.
Pinaghirapan nya yun kaya paghirapan mo din. ๐
2. Wag itanong kung magkano ang tubo ni seller sa item na binebenta nya o kung magkano nya nakukuha ang item.
May overhead pa po kami.
- Rent
- pasahod
- Food
- Internet
- Electricity
At marami pang gastos sa likod ng camera.
At higit sa lahat, yung pagod nung tao para makabenta.
3. Kung mataas ang presyo ng ibang seller hayaan mo sila.
Wag ka magkumpara at magbida porke't mababa yung presyo mo.
Malay mo supplier - reseller - reseller na yun kaya ganun ang patong (HINDI OVERPRICED).
Tulad mo baka gusto lang din naman nila kumita. Pasalamat ka kung direct ka.
4. Kung friend mo ay online seller din at may pareho kayong paninda kung may magcomment sa kanya ng "HM"...
Huwag mong i-PM ng palihim.
That's panunulot my dear. ๐ฅฐ
Apply the GOLDEN RULE, wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin din sayo.
5. Wag mong punahin ang paninda ng iba.
Yung mga comment na "ay di yun epektib, ay fake, ay di yun maganda"
Kahit na okay naman yung tinda nila.
Hindi ka aangat sa ganyang paraan.
Hindi sagot ang sirain mo ang kapwa online seller para makabenta ka.
6. Minsan BUYER din tayo kaya umorder ng naaayon sa ANDA.
Hindi yung kapag may sale mine ka ng mine pero kapag invoice na nawawala ka.
Ikaw mismo ayaw mo ng JOY RESERVER dahil online seller ka kaya wag ka din maging JOY RESERVER SA IBA! ๐
7. Never tell your secret recipe.
Sa paningin ng iba nagdadamot ka (minsan kaibigan mo pa) pero dun ka kumikita.
Kapag sinabi mo sinong supplier mo para ka na din gumawa ng kakumpetensya.
Okay lang maging mabait at magbigay ng tips pero isipin mo din ang future mo bago ang future ng iba. ๐
PS: Respetuhin natin ang bawat isa ng sa ganun maraming blessings ang darating saten.
Huwag tayong makipagkumpitensya sa kapwa naten seller/supplier.
May kanya kanya tayong buyer.
Huwag din tayong bitter kung hindi saten bibili.
Ctto: Madam Fahren