31/08/2026
๐๐๐๐-๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ฟ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐ก๏ธ
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan sa pamamagitan ng MR-SIA vaccination laban sa tigdas at rubella. Ang simpleng pagpapabakuna ay malaking hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mabigyan ng mas ligtas at malusog na kinabukasan ang bawat bata. ๐ก๏ธโจ
โ๏ธ: Candice Lexi Aranda | President
"Protektadong Bata, Ligtas na Bayan! โค๏ธ
Hindi lang sa salita kundi sa mismong gawaโnakiisa si Konsehala Atty. Angelica Pullido sa MR-SIA Campaign sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa kaniyang sariling anak! Ipinakita niya na bilang magulang at pinuno, ang pinakamagandang regalo at proteksyon na maibibigay natin sa ating mga chikiting ay ang LIGTAS, EPEKTIBO, at LIBRENG bakuna.
Ano nga ba ang kahalagahan ng MR-SIA?
Ayon sa mga opisyal na paalala at ulat ng Department of Health (DOH), ang Tigdas (Measles), Rubella ay mga lubhang nakakahawang sakit na pwedeng magdulot ng matinding komplikasyon tulad ng pneumonia, pagkabulag, pinsala sa utak, kapansanan (paralysis), o maging kamatayan. Bigyang-diin ng DOH na walang tiyak na gamot sa mga sakit na ito kapag nakuha naโang BAKUNA LAMANG ang tanging paraan upang ito ay maiwasan!
Ang Kapangyarihan ng 'Herd Immunity' (Pangkatang Proteksyon):
Binibigyang-diin ng DOH na upang ganap na mapuksa ang pagkalat ng outbreak sa ating komunidad, kailangang maabot ang at least 95% vaccination coverage. Kapag halos lahat ng bata sa ating bayan ay bakunado:
* Pinaputol natin ang Chain of Infection: Hindi na makakahawa ang virus dahil wala na itong makapitan.๏ฟฝ
* Napoprotektahan ang Vulnerable: Naliligtas din natin ang mga bagong silang na sanggol na masyado pang bata para bakunahan, pati na rin ang mga batang may kakaibang kondisyon na hindi pwedeng turokan. Ang pagpapabakuna sa iyong anak ay pagprotekta rin sa anak ng iba!๏ฟฝ
Kung ang ating mga lider sa bayan ay buong tiwalang ipinagkakatiwala ang kalusugan ng kanilang sariling anak sa bakuna ng DOH, makakampante rin tayo para sa ating pamilya.
Mami at Dadi, huwag na tayong magdalawang-isip pa! Libre at kwalipikado ang mga Health Workers na nagbibigay ng bakuna sa ating mga barangay. Dalhin na ang inyong mga anak edad 6-59 MONTHS old sa pinakamalapit na Health Center ngayong buwan. Sama-sama tayong bumuo ng isang ligtas at protektadong komunidad! ๐๐ถโจ
Municipality of Kawit, Cavite
Kawit Public Information Office
Atty. Angelica Pulido
Cavite Provincial DOH Office
Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon
Office of the Provincial Health Officer - Cavite