13/06/2025
Bakit nga ba kinatatakutan ang Friday the 13th?
Dati pa, sinasabi na malas daw ang number 13 kasi after ng “perfect” number 12 siya. like 12 months in a year, 12 signs of the zodiac, and 12 disciples. So 13 felt like an “extra” or “wrong” number, which made people uncomfortable.
Tapos, malas din daw ang Friday sa ilang religious beliefs because it’s said to be the day Jesus died.
Others believed big bad events happened on a Friday, so it got a bad reputation too kaya nung pinagsama, naging unlucky day raw ang Friday the 13th.
Mas naging kilala pa ito nung lumabas ang horror movie na Friday the 13th noong 1980. Si Jason, yung may maskara at machete? Ayun, lalong kinatakutan.
Pero sa totoo lang, sa ibang kultura, swerte ang 13 at Friday pa nga ang day of love and blessings.
Kaya kung ako sa’yo, wag kang matakot. Gawing lucky day ang Friday the 13th.