15/04/2020
DOH: Water refilling stations, dapat ipasuri ang kanilang tubig kada buwan sa mga accredited laboratory.
With the current lockdown, it is impossible. Are you sure your water is bacteria-free? We can help. PM for inquiries.
—-
Noli De Castro Report
DOH: Hindi pa rin lubos na maiiwasan ang kontaminasyon sa tubig kahit na dumaan ito sa filtration process.
Bayan, ayon po sa department of health, diarrhea o pagdudumi ang karaniwang sakit na nakukuha mula sa maruming tubig. Itong 2011 lamang mahigit na 46,000 kaso ng diarrhea ang naitala sa Metro Manila pa lamang at marami sa ating mga kababayan ang bumibili na lamang ng tubig mula sa mga water refilling stations sa paniniwalang makakaiwas sila sa sakit. Pero totoo ba 'yon?
Gaano nga ba kaligtas ang tubig na nabibili natin? Iyan ang ating aalamin sa Part 1 ng ating "KSP" -- Kabayan Special Patrol.
Sa Metro Manila pa lamang, mahigit 2,000 water refilling stations na ang nakarehistro sa Department of Health. Maliban pa sa mga hindi rehistrado. Ang isang tipikal na water refilling station ay kayang makapagbenta nang mahigit sa 12,000 litro ng tubig kada araw.
Dumadaan sa iba't-ibang filtration system ang tubig para salain ang mga dumi at tanggalin ang mga bacteria.
Joi Sarte:
"Ito pupunta sa 7 na filter. Iyong mga particles, 'yung mga sediments sinasala n'ya and then ita-transfer sa water softener para yung pagka-harness ng tubig, 'yun para ma-soften 'yung water para pagpunta dito sa activated carbon, ia-ano na lang 'yung mga impurities ng water. Pupunta sa reverse osmosis yung final filtration ng water po."
Pero ayon sa DOH, hindi pa rin lubos na maiwasan ang kontaminasyon sa tubig kahit na dumaan ito sa filtration process.
DOH:
"Minsan 'yung pag nag-cause ng diarrhea, cholera, typhoid, 'yung tao..."
Maaaring ma-kontamina ang tubig o product water mula sa refilling station dahilan sa maling paghawak o pag-proseso dito.
"Anong requirements sa handling?"
DOH: Kailangan naka-gloves, may mask, syempre para pagka humatsing 'yung handlers hindi ma-contaminate 'yung tubig. Kailangan kumpleto ho sila sa personal protective equipment"
Di ba naka-puting gown, ano 'yon?
DOH: Naka-overall sila dapat sila, Sir, na white.
Hindi rin dapat ginagamit nang matagal ang mga plastic container na lalagyan ng inuming tubig.
"Pagdating sa galon, ilang beses? Kasi napapansin ko 'yung iba malabong-malabo na 'yung galon pero ginagamit pa rin.
DOH: Opo, actually, dapat one (1) month, i-dispose na 'yun eh. May chance na na ma-contaminate.
Nilinaw din ng Department of Health na required ang mga refilling station na ipasuri ang kanilang tubig buwan-buwan sa mga accredited laboratories.
DOH: Iyong f***l coliform or positive or negative lang ang tinitingnan. Opo, 'yung dumi ng tao o dumi ng hayop.
Pero meron bang ganoon, na mga water stations na natuklasan ninyo na may f***l -- may dumi?
DOH: Meron din kaming nae- encounter na ganun na results. Immediate closure ho ang ginagawa doon sa isang water refilling station until such time ma-correct lahat nila 'yung mga deficiency.
Ipinaliwanag ni Dra. Malou Somera, isang chemist, kung paano nila sinusuri ang kalidad ng tubig mula sa mga water refilling station.
Chemist: So here, pag nalagay na yung samples, it is incubated dito. Yung mga contaminated na second stage ng testing d'yan na yun. Pag ito tingnan mo walang gas 'yan eh... nagiging "turbidy" s'ya dahil nag-go-grow na 'yung mga bacteria.
So lumalabo s'ya talaga.
Chemist: Kasi may gas formation ng ano
Eto may bacteria
Oo
Eto Wala pa
Anong bacteria naman ang nakikita mo?
Chemist: Mga e-coli...
Dapat ding maubos ang biniling tubig sa loob lamang ng dalawang (2) araw.
Chemist: Dapat within forty-eight (48) hours dapat ma-consume na 'yun eh. Kasi wala naman tayong study regarding the stability of the product.
So kinakailangan pala pag bumili ka ng mga galong ganito...
Chemist: Oo, within 48 hours
Within 48 hours dapat maubos mo so it's not advisable na tayo'y bumili nang marami
Chemist: Nang marami, hindi.
At sa pag-iikot ng grupo ng KSP, maraming water refilling stations sa Metro Manila ang lumalabag sa mga itinatakda ng Department of Health.
Ikaw may-ari?
Anong pangalan mo?
Ayan sasabihin sa 'yo mga violations mo...
"Kuya, Wala ka nang natira, puro "X" na... out of 20 ilan ang natira.
Napakaraming paglabag ang amin pong natuklasan ano ba ang dapat isaalang-alang ng ating mga kababayan pag bibili ng tubig sa mga water refilling stations?