mga sulat ni ulan

mga sulat ni ulan tala ng mga salitang hindi masabi.

💬 02 | Pahinga kahit saglit. At sa bawat patak ng luha, sa bawat hikbing itinatago, hindi sana mapagod ang pusong sugata...
05/02/2026

💬 02 | Pahinga kahit saglit.

At sa bawat patak ng luha,
sa bawat hikbing itinatago,
hindi sana mapagod ang pusong sugatan.

pero paano kung pagod na?
kung ayaw na?
kung suko na?
maari na bang tumigil?

sa bawat gabing lumipas,
walang dilim ang hindi bumalot.
sa bawat kirot ng puso,
galit ay hindi na mawaglit.

Ngunit sa gitna ng pagod at pagkabasag,
may munting tibok na ayaw pa ring mamatay.
Hindi dahil kaya pa,
kundi dahil umaasang
ang pahinga ay hindi katapusan,
Kundi panimulang muli.

— ulan. ✍️

💬 01 | sa gitna ng byahe. Hindi ko alam kung kailan muling nagsimula ang sakit at pait. Akala ko sanay na akong hindi na...
04/02/2026

💬 01 | sa gitna ng byahe.

Hindi ko alam kung kailan muling nagsimula ang sakit at pait.
Akala ko sanay na akong hindi napipili at hindi paborito.
Ngunit bakit tila nabuksan muli ang mga sugat na matagal nang naghilom?

Ilang taon ko rin itong ipinagsawalang bahala, na baka ganito lang talaga ang takbo ng mundo.
May mga bagay na hindi ko kontrolado, na kailangan ko lang sumabay sa daloy.

Pero bakit sa tuwina ay hindi ko maiwasang mag-isip?
mag-isip nang may lalim at bigat.
Sa bawat pag sakay ko sa dyip,
kasabay ng pag usad nito ang pagbalik ng mga alaalang pilit kong ikinukubli.

– ulan.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when mga sulat ni ulan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share