Dr. Erick Mendoza - Endocrinology, Diabetes and Thyroid Diseases

Dr. Erick Mendoza - Endocrinology, Diabetes and Thyroid Diseases •Board-certified Endocrinologist •MBA in Healthcare •Asst. Professor in Medicine •Past President - Philippine Thyroid Association
(1)

06/10/2026

Pumapayat ka—but napapansin mong nalalagas ang buhok o parang nag-iiba ang mukha?

Hindi lahat ay direct side effect ng GLP-1. Rapid weight loss, calorie restriction, at nutritional changes can contribute to hair shedding and loss of facial fat.

Kaya ang goal ay hindi lang mabilis na pagbaba ng timbang. Dapat bantayan din ang protein intake, nutrition, muscle, skin, at hair health habang nagpapapayat.

Advisory: CLINIC SCHEDULEOct 5-11, 2026  Monday to Sunday
05/10/2026

Advisory: CLINIC SCHEDULE
Oct 5-11, 2026 Monday to Sunday

04/10/2026

Pababa nga ang timbang—kumusta naman ang lakas mo? 💪👀

Kahit naka-diet o may gamot para sa pagpapapayat, may mahalagang papel pa rin ang exercise! Cardio para sa puso at stamina; resistance training para makatulong mapanatili ang muscle at lakas habang pumapayat.

Ang goal: mas magaan ang katawan, mas malakas sa araw-araw. Hindi lang magandang tingnan—mas magandang pakiramdam at mas kayang kumilos! ✨

03/10/2026

SHARE: Hindi pa proven na “anti-aging drug” ang GLP-1—but the science is getting interesting. 🧬⚡

By improving metabolic health, reducing visceral fat, and potentially influencing oxidative stress and mitochondrial quality, GLP-1-based therapies may help protect against diseases that shorten healthy years of life.

Ang goal ay hindi lang mas mahabang buhay—kundi mas maraming taon na mas malusog. That’s healthspan.

03/10/2026

Hindi hamak na mas mataas ang level of evidence ng GLP-1 💉semaglutide and tirzepatide to improve/treat fatty liver (MASLD/MASH) kaysa sa supplement na silymarin. 🌱See comment and link below.

01/10/2026

ALAM MO BA? Sa fatty liver, mas matibay ang ebidensya ng GLP1 medication kaysa sa karaniwang liver supplements tulad ng silymarin. Sa atay, hindi sapat ang pangako—dapat may siyensya! 🧬

01/10/2026

Konting review ng glycolysis at Krebs cycle—kasi ang sobrang carbs, puwedeng may plot twist: maging stored fat! 🧬🍚
Pero hindi kailangang kontrabida ang carbs o fats. Sa pagkain, mahalaga ang dami, kalidad, at balanse. 😉

01/10/2026

GREEN flag ✅ o beneficial at safe ang GLP-1 based injectable for weight loss sa kidneys, liver at heart. RED flag naman ❌ sa medullary thyroid cancer & diabetic eye disease with uncontrolled diabetes. See link and comment below.

29/09/2026

Hindi lang timbang ang maaaring makinabang sa GLP-1-based therapy. 🩺💧 Sa FLOW trial, nakita na ang semaglutide ay nakatulong magpabagal ng progression ng kidney disease at magbawas ng risk ng major kidney outcomes sa mga pasyenteng may type 2 diabetes at CKD. Ngayon, inaabangan naman ang TREASURE-CKD para mas maintindihan kung paano maaaring makaapekto ang incretin-based therapy sa kidney blood flow, metabolism, inflammation, at overall kidney function.

Hindi lang “pumayat kaya gumanda ang kidneys.” Mas malalim ang posibleng mekanismo.

Address

UST Hospital (Doctors’ Clinic Room 532) • Street Luke’s Medical Center QC (CHBC South Tower 715) • Hospital Of Infant Jesus (Room 202) • ACE Valenzuela (Room 405)
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Erick Mendoza - Endocrinology, Diabetes and Thyroid Diseases posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share