03/09/2025
Reminder!
September is Prostate Cancer Awareness Month 🩵
Ang Setyembre ay itinakdang Buwan ng Pambansang Kamalayan sa Prostate Cancer upang itaas ang kaalaman tungkol sa isa sa mga pangunahing uri ng kanser na nakaaapekto sa kalalakihan.
📌 Ano ang Prostate Cancer?
Ito ay uri ng kanser na nabubuo sa prostate gland — isang bahagi ng reproductive system ng mga lalaki. Karaniwang mabagal ang paglago nito, ngunit maaari itong maging seryoso kung hindi ito maagapan.
🔍 Sino ang Nanganganib na magkaroon nito?
- Lalaki na edad 50 pataas
- May kapamilya na nagkaroon ng prostate cancer
- Hindi sapat na pisikal na aktibidad at hindi malusog na pamumuhay
✅ Paano ito Maagapan?
- Regular na pagpapasuri (PSA test at digital re**al exam)
- Malusog na pagkain at ehersisyo
Kumonsulta sa iyong doktor o magpunta sa pinakamalapit na health center upang maprotektahan ang sarili laban sa panganib ng prostate cancer.
🩺 Maagang Pagsusuri, Buhay ay Masisiguro!
Huwag ikahiya ang pagpapatingin! Ang kalusugan mo ay mahalaga. Suportahan ang kampanya laban sa prostate cancer!