Easa Pharmacy Bukidnon

Easa Pharmacy Bukidnon Drugs and Medicine Distribution | Public Bidding

The mother's love represents to the child the love of Christ... EGWThank you Ma, Mommy, Nanay, Mu-nay, Iloy, Mamang, Ina...
10/05/2023

The mother's love represents to the child the love of Christ... EGW

Thank you Ma, Mommy, Nanay, Mu-nay, Iloy, Mamang, Ina, Inang, Ermats, Inahan, Mader, Indu, Umm. 😘

IMAGE FROM : http://www.delparson.com/

10/05/2023

What Pinoys call “low blood” is actually a sign of iron deficiency. This condition leads to symptoms such as extreme fatigue, paleness, dizziness or lightheadedness, and even other signs that can affect your daily activities. People suffering from iron deficiency are often prescribed iron supplements by their doctors to get better. If you are taking iron supplements, take extra care with these helpful tips.

Pagkalason sa Pagkain (Food Poisoning)Dahil sa init ng panahon, mas mabilis mapanis ang mga pagkain tuwing tag-araw. Ang...
10/05/2023

Pagkalason sa Pagkain (Food Poisoning)

Dahil sa init ng panahon, mas mabilis mapanis ang mga pagkain tuwing tag-araw. Ang mainit na temperatura ay magandang environment para sa mga bacteria na manirahan sa pagkain. Ayon sa pag-aaral, tumataas ang bilang ng food poisoning tuwing summer dahil sa mainit na panahon at dahil mas madaming tao ang nagluluto o naghahanda ng pagkain sa labas ng bahay na walang malinis na kitchen, malinis na tubig at refrigerator. Mataas ang posibilidad ng mga bata na makaranas ng food poisoning dahil mas mahina ang resistensya laban sa mga bacteria sa pagkain. Kapag ang isang tao ay na-food poison, ito ay magsusuka at dudumi.
Pagkalason sa Pagkain

Patok na patok tuwing summer ang mga street food, hangga't maaari ay iwasan ang mga ito lalo na kung hindi nakasisigurado kung kailan at saan niluto ang mga ito. Maaaring hindi malinis ang pagkakagawa nito o di kaya'y di naluto ng maayos. Kung mayroon namang family outing, siguraduhin ang mga baong pagkain ay nakatabi ng maayos habang nasa byahe para maiwasan ang pagkapanis nito. Siguraduhin ding hindi pa panis ang pagkain bago ito ipakain sa mga bata. Kung maghahanda ng pagkain sa labas, laging maghuhugas ng kamay para mapanatiling malinis ang pagkain.

Source: https://www.ritemed.com.ph/kids-health/mga-karaniwang-sakit-ng-mga-bata-ngayong-tag-init

Image: https://mediko.ph/karamdaman/pagkalason-sa-pagkain-food-poisoning/

DAPAT TANDAAN SA PANAHON NG TAG-INIT.Nararamdaman nyo na ba ang init ng panahon? Ito na naman ang panahon na kung saan k...
08/05/2023

DAPAT TANDAAN SA PANAHON NG TAG-INIT.

Nararamdaman nyo na ba ang init ng panahon? Ito na naman ang panahon na kung saan kahit nakaupo lang tayo ay pinagpapawisan tayo. Ito ang panahon ng summer o tag-init. Kasabay nito ay panahon din ito ng bakasyon kung kailan gustong-gusto nating mamasyal kasama ang ating pamilya sa iba’t ibang lugar lalung-lalo na sa mga resorts at beaches.

Ayon sa PAGASA ay umaabot na ang init factor ng 39-42̊C dito sa Pilipinas. Dahil sa init ng panahon ay marami din panganib na nakaabang sa atin. Isa na dito ay ang heat stroke. Ang heat stroke ay isang karamdaman kung saan lubhang tumataas ang temperatura ng katawan na hindi napapawi ng pagpapawis dahil sa dehydration. Ang mahabang pagkababad sa matinding init at labis na aktibidad ay maaaring maging sanhi ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mag-resulta sa heat stroke. Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagkahilo at pagsusuka, pagkawala ng malay, pananakit ng ulo, panghihina, pagkabalisa, malamig na pawis sa kabila ng mainit na panahon, pamimintig ng mga kalamnan, mabilis na pagtibok ng puso, kapos na paghinga, pamumula at paghapdi ng balat, pagkatuyo ng dila at pagtaas ng temperatura ng katawan mula 41°C pataas.

Para maiwasan ito ay kinakailangan natin ang pag-inom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig araw-araw, iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, softdrinks at alak, magsuot ng sombrero o gumamit ng payong tuwing lalabas ng bahay, bawasan ang oras ng paglabas o limitihan ang pagbibilad sa araw, gawin ang mabibigat na gawain sa umaga o sa hapon kung kailan hindi na masyadong mainit at makakatulong din ang pagsusuout ng maluluwag, maninipis at bright colored na damit na gawa sa light materials at iwasan ang mga dark colored na damit na nakakaabsorb ng init. Makakatulong din ang pagkain ng mga prutas at gulay para tayo ay mahydrate.

CPF (Source: DOH)

Ingat po Lagi!

Ang sore eyes o conjunctivitis ay sanhi ng virus o bacteria na nagpapapula, nagpapaluha at labis na nagpapamuta sa mata....
07/05/2023

Ang sore eyes o conjunctivitis ay sanhi ng virus o bacteria na nagpapapula, nagpapaluha at labis na nagpapamuta sa mata.
Hindi man nakakahawa ang simpleng pagtingin, madali itong makahawa.

At ang pinaka epektibong paraan upang hindi mahawa ay ang tamang paghuhugas ng kamay.
Kapag mayroong bacteria o virus ng sore eyes na nasa bagay na hinawakan at ikinuskos ang kamay sa mata, mataas ang tyansa na ikaw ay mahawa.

Dapat ay gumamit ng sabon upang mamatay ang bacteria o kaya ay maglagay ng alkohol.
Iwasan ding hiramin o gamitin ang mga personal na bagay gaya ng salamin sa mata, makeup, panyo o towel ng taong may sore eyes.
Maging malinis hindi lamang sa katawan kundi maging sa mga bagay na madalas hinahawakan gaya ng mga doorknob, handrail, computer keyboard at mga katulad na bagay.
Kung hinawakan ng isang taong may sore eyes ang mga bagay na ito matapos kusutin ang kanyang mata, maaaring lumipat sa mga ito ang virus o bacteria.

Mas mabilis na gumagaling ang sore eyes kapag nilalagyan ito ng malamig na bagay gaya ng ice pack o pinalamig na cucumber.
Maaari ring pumunta sa doktor upang maresetahan ng gamot at upang matiyak na sore eyes nga ito.

Read more: https://bandera.inquirer.net/149721/mga-sakit-na-dapat-iwasan-ngayong-tag-init
Follow us: on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

06/05/2023

“To keep the body in a healthy condition, in order that all parts of the living machinery may act harmoniously, should be a study of our life. ..

“Health is a treasure. Of all temporal possessions it is the most precious.” -EGW.

be Healthy!

Summer na Jud mga Higala.. pa bugnaw namo! barato ra kyo amo Aice Ice cream dria.. pinaka barato sa tibook dologon...
27/04/2023

Summer na Jud mga Higala.. pa bugnaw namo! barato ra kyo amo Aice Ice cream dria.. pinaka barato sa tibook dologon...

26/04/2023

"Leading the Way to a Healthier Life"

-Easa Pharmacy Bukidnon

Address

P2, ARANETA BUSINESS CENTER
Maramag
8714

Opening Hours

Monday 6am - 8pm
Tuesday 6am - 8pm
Wednesday 6am - 8pm
Thursday 6am - 8pm
Friday 6am - 8pm
Saturday 6am - 8pm
Sunday 6am - 8pm

Telephone

+639262136127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Easa Pharmacy Bukidnon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Easa Pharmacy Bukidnon:

Share