24/04/2026
Mainit na panahon ngayon at mataas ang temperatura kaya mag-ingat po tayong lahat.
Para maiwasan ang heat-related illnesses tulad ng Heat Stroke at Heat Exhaustion, narito ang mga dapat gawin:
Uminom ng maraming tubig kahit hindi nauuhaw
Magsuot ng preskong damit at gumamit ng payong o sumbrero
Iwasan ang direktang sikat ng araw lalo na 10AM–4PM
Iwasan ang alak, kape, at matatamis na inumin
Maligo o magpunas ng basang bimpo para lumamig ang katawan
Bantayan ang mga bata at matatanda dahil mas prone sila sa init
Kung makaranas ng pagkahilo, pagsusuka, o sobrang panghihina, magpahinga agad at uminom ng tubig. Kung lumala, magpakonsulta agad.
Stay safe at manatiling hydrated.