Banilad Vitality Circle

Banilad Vitality Circle Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Banilad Vitality Circle, Health & Wellness Website, Barangay Banilad, Nagcarlan.

27/08/2026
Congratulations Banilad Elementary Volleyball Girls and Boys   For PLATASABAN cluster meet 2026👏👏👏Ang paghahanda naman p...
27/08/2026

Congratulations Banilad Elementary Volleyball Girls and Boys For PLATASABAN cluster meet 2026👏👏👏
Ang paghahanda naman para irepresent Ang NAGACARLAN DISTRICT MEET 2026😍😍
BHW Jean Dorado Cecilio and BNS Marilyn Cruzin Artieda maraming salamat sa pag kuha ng vital sign sa lahat ng manlalaro.

GOOD LUCK BANILAD ELEM. VOLLEYBALL BOYS AND GIRLS👏🥰 🏆

🩸WHAT: Blood Donation Activity🩸🗓️ WHEN: August 28, 2026 (FRIDAY)🕗 8:00am-2:00pm📍WHERE: Brgy.Banilad Covered Court Magbig...
23/08/2026

🩸WHAT: Blood Donation Activity🩸
🗓️ WHEN: August 28, 2026 (FRIDAY)
🕗 8:00am-2:00pm
📍WHERE: Brgy.Banilad Covered Court

Magbigay ng BUHAY ngayong Agosto!
Mag-donate ng dugo at maging bahagi ng pagtulong sa mga nangangailangan!
Bawat patak ng dugo ay mahalaga sa pagliligtas ng buhay. 🏥

See you there!🩸🩸🩸



🫶🏻

10 DOH Approved Herbal Medicines / Halamang Gamot🌿"SANTALUBBY" - para madali tandaan 👇1. S - Sambong    -Gamit:Diuretic,...
19/08/2026

10 DOH Approved Herbal Medicines / Halamang Gamot🌿
"SANTALUBBY" - para madali tandaan 👇

1. S - Sambong
-Gamit:Diuretic, pampaihi, pantunaw ng bato sa bato/kidney stones, pampababa ng high blood
Part:Dahon at flowering tops

2. A - Akapulko
Gamit: Pantapal sa mga skin diseases like buni, an-an, alipunga

3. N - Niyog-niyogan
-Gamit: Pangpurga sa bulate sa tiyan

4. T - Tsaang Gubat
Gamit: Panggamot sa pagtatae, pananakit ng tiyan, mouthwash

5. A - Ampalaya
Gamit:Pampababa ng blood sugar sa diabetes, pang-gamot sa ubo

6. L - Lagundi
- Gamit: Panggamot sa ubo, hika, lagnat, sipon

7. U - Ulasimang Bato
Gamit: Panggamot sa gout, arthritis, pantanggal ng uric acid

8. B - Bawang
Gamit:Pampababa ng cholesterol at blood pressure

9. B - Bayabas
-Gamit: Panghugas ng sugat, pangmumog sa sore throat, pang-tae

10. Y - Yerba Buena
Gamit: Panghaplas sa pananakit ng katawan, lagnat, ubo



Ang Tigdas ay lubhang nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon lalo na sa mga bata.Ang solusyon...
19/08/2026

Ang Tigdas ay lubhang nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon lalo na sa mga bata.

Ang solusyon? Pagpapabakuna.

Makiisa sa Ligtas Tigdas 2026: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) with Vit. A Supplementation hanggang Agosto 28, 2026.

Pabakunahan ang mga bata laban sa tigdas, dahil ang bakuna at proteksyon ng bawat bata laban sa mga sakit ay ating sama-samang responsibilidad. 🤝🏻

Ligtas Tigdas ang batang bakunado at protektado! 💉



Protektadong BAGA, Malusog na Pamilya Sundin Ang L.U.N.G.S.!L- umayo sa sigarilyo at tabacco productsU-maksyon para sa w...
19/08/2026

Protektadong BAGA, Malusog na Pamilya
Sundin Ang L.U.N.G.S.!

L- umayo sa sigarilyo at tabacco products
U-maksyon para sa wastong nutrisyon at ehersisyo
N-aisin ang malinis na katawan at kapaligiran
G-arantisadong proteksyon sa tulong ng bakuna
S- umangguni at magpacheck-up agad

🩺🚨 HIGH BLOOD PRESSURE? BAKA LOSARTAN ANG RESITA SA IYO—PERO ALAM MO BA ANG TAMANG PAG-INOM? ❤️💊Maraming taong may high ...
19/08/2026

🩺🚨 HIGH BLOOD PRESSURE? BAKA LOSARTAN ANG RESITA SA IYO—PERO ALAM MO BA ANG TAMANG PAG-INOM? ❤️💊

Maraming taong may high blood pressure ang nireseresetahan ng Losartan, isang gamot na tumutulong magpababa at magkontrol ng blood pressure. Pero tandaan: hindi ito dapat iniinom o binabago ang dose nang walang payo ng doktor.

💊 PAANO ITO INIINOM?

✅ Inumin ayon sa dose at schedule na ibinigay ng doktor.
✅ Maaari itong inumin may pagkain man o wala, depende sa reseta.
✅ Mas madaling maalala kung iinumin ito sa pare-parehong oras araw-araw.
✅ Kung nakalimot ng dose, sundin ang instructions ng doktor/pharmacist at huwag mag-double dose para lang bumawi.

⚠️ HUWAG BASTA ITIGIL ANG LOSARTAN dahil lang normal na ang BP. Maaaring normal ang BP dahil gumagana ang gamot. Kumonsulta muna bago baguhin o itigil ang maintenance.

🚨 MGA POSIBLENG MARANASAN:
• Pagkahilo o lightheadedness
• Panghihina
• Pagkapagod
• Minsan, pagbabago sa kidney function o potassium level

Hindi ibig sabihin na kapag naramdaman ang mga ito ay agad na kailangang ihinto ang gamot. Ipagbigay-alam sa doktor kung paulit-ulit, matindi, o nakakabahala ang sintomas.

🧪 BAKIT MAHALAGA ANG CHECK-UP?

Sa ilang pasyente, maaaring kailanganin ng doktor na regular na bantayan ang:
🩸 Blood pressure
🧪 Kidney function
🧂 Potassium level

Lalo na kung may iba pang iniinom na gamot o may kondisyon sa bato.

⚠️ MAG-INGAT SA MGA ITO:

❌ Huwag basta uminom ng potassium supplements.
❌ Huwag basta gumamit ng potassium-containing salt substitutes.
❌ Sabihin sa doktor ang lahat ng maintenance, OTC medicines, vitamins at herbal products na iniinom mo.
❌ Huwag basta pagsabay-sabayin ang mga gamot para sa BP nang walang medical advice.

🚑 MAGPATINGIN AGAD kung magkaroon ng matinding pagkahilo/pagkahimatay, hirap huminga, pamamaga ng mukha o labi, o iba pang biglaang malubhang sintomas.

❤️ TANDAAN: Ang Losartan ay bahagi lamang ng pagkontrol sa high blood pressure. Mahalaga rin ang tamang pagkain, regular na physical activity kung ligtas para sa iyo, sapat na tulog, pag-iwas sa paninigarilyo at regular na BP monitoring.

📌 Pinakamahalaga: Huwag gawing basehan ang payo ng kapitbahay, kaibigan o social media para baguhin ang dose ng iyong gamot. Ang doktor na sumusubaybay sa iyo ang dapat magdesisyon kung kailangan itong baguhin o itigil.

💬 UMIINOM KA BA NG LOSARTAN? I-share ito sa kapamilya o kaibigang may high blood pressure para mas marami ang makaalam ng tamang pag-iingat. ❤️


19/08/2026

👉Time check 4:00pm
Taktak Taob Tuyuin Takip

16/08/2026

Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity and Vitamin A Supplementation (MRSIA-VAS 2026)

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na mapabakunahan ang inyong mga anak na may edad na 6 buwan hanggang 59 buwan(6months to 4yr-11months). Ang kampanyang ito ay naglalayong maprotektahan ang inyong mga anak laban sa mga sakit na maaring magdulot ng malubhang komplikasyon.
Ang pagbabakuna at Vitamin A supplementation ay LIGTAS, epektibo at libre!

🗓️ Agosto 18, 2026 (Martes)
🕐1:00pm
📍 Brgy Banilad Covered court



Address

Barangay Banilad
Nagcarlan
4002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banilad Vitality Circle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share