01/09/2026
โ๏ธHAZE ALERTโ๏ธ
AIR QUALITY ADVISORY
Ang Palawan ay kasalukuyang naaapektuhan ng haze, na maaaring magdulot ng pagbaba ng kalidad ng hangin at pagbawas ng visibility. Ang haze ay maaaring maglaman ng maliliit na partikulo at pollutant na maaaring makairita sa mata, ilong, lalamunan, at baga.
ANO ANG HAZE?
- isang kondisyon kung saan nagiging malabo o malabo ang tanawin dahil sa maliliit na partikulo o usok na nakalutang sa hangin. Maaari itong magmula sa usok ng sunog, polusyon, alikabok, o iba pang pollutant
BAKIT ITO DELIKADO?
- dahil ang mga maliliit na partikulo at pollutant na nasa hangin ay maaaring malanghap papasok sa baga.
SINO-SINO ANG MGA AT RISK?
๐ MGA SANGGOL AT BATA - mas sensitibo ang kanilang baga dahil ito ay nagd-develop pa
๐ MGA MATATANDA - lalo na kung mayroong sakit o dating may sakit
๐ MGA BUNTIS - iwasan ang matagal na exposure sa haze
๐ MAYROONG SAKIT SA BAGA O SA PUSO - maaaring lumala ang kondisyon kapag matagal na na expose sa Haze
ANO ANG MGA DAPAT GAWIN:
โ
Gumamit ng Face Mask
โ
Limitahan ang mga aktibidad sa labas at paglabas-labas sa bahay
โ
Ugaliin ang paghugas ng kamay
โ
Panatilihing hydrated ang katawan at Uminom ng maraming tubig
โ
Magbantay sa balita
MGA SINTOMAS NA DAPAT BANTAYAN
๐Matinding Hirap sa Paghinga
๐Paninikip ng Dibdib
๐ Iritado o pamumula ng mata at balat
TANDAAN: Humingi agad ng Medikal na Atensyon kapag naranasan ang mga sintomas na ito.
Maging Handa, Maging Protektado, Maging Impormado.