13/10/2026
May sakit bang mararamdaman ang aking anak pagkatapos mabakunahan?
Karaniwang banayad o panandalian lamang ang mga reaksyon pagkatapos mabakunahan tulad ng:
✅ Lagnat;
✅ Pananakit o pamamaga sa bahaging tinurukan; o
✅ Pagkahilo
Tanda ang mga ito na gumagana ang proteksyon ng bakuna sa inyong anak.
Upang makatulong na maiwasan ang pagkahilo, panatilihing nakaupo ang bata nang 15–30 minuto pagkatapos mabakunahan.
✅ Kung makaranas ng anumang
hindi pangkaraniwang o malubhang reaksyon, agad itong ipagbigay-alam sa health worker o sa pinakamalapit na health facility para sa angkop na pagsusuri at pangangalaga.
Magpabakuna Na!
!