21/08/2025
Nagsagawa kahapon August 20, 2025 ng Postpartum Progestin Subdermal Implant Insertion ang RHU San Quintin sa pangunguna ni Dra. Romela Remedios Cabanayan. Ang Progestin Subdermal Implant ay isa sa mga available na serbisyo ng ating RHU. Hinihikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa inyong mga midwife para sa iba pang impormasyon hinggil sa Family Planning.
Kasabay nito, ating ginugunita ngayong buwan ang Family Planning Month, paalala na ang tamang pagpaplano ng pamilya ay susi sa mas malusog at mas maayos na kinabukasan. Patuloy din ang ating pasasalamat sa suporta ng ating butihing Mayor Farah Lee M. Lumahan sa mga Family Planning activities na naglalayong maghatid ng mas maunlad at mas makabuluhang buhay para sa bawat pamilya💚🩺