Parañaque City Health Office- San Antonio Health Center

Parañaque City Health Office- San Antonio Health Center Official page of San Antonio Health Center Fourth Estate Main & SAV 8

13/06/2026

Magandang umaga, Barangay San Antonio!
Ang ating mga health workers ay kasalukuyang umiikot sa mga sumusunod na lugar:

📍 𝗔𝗿𝗲𝗮 𝟳, 𝗙𝗼𝘂𝗿𝘁𝗵 𝗘𝘀𝘁𝗮𝘁𝗲
📍 𝗔𝗿𝗲𝗮 𝟮, 𝗙𝗼𝘂𝗿𝘁𝗵 𝗘𝘀𝘁𝗮𝘁𝗲
📍 𝗛𝗼𝗻𝘁𝗶𝘃𝗲𝗿𝗼𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗼𝘂𝗻𝗱

para sa 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝗶𝗴𝗱𝗮𝘀 (𝗺𝗲𝗮𝘀𝗹𝗲𝘀) para sa mga 𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗱𝗮𝗱 𝟲 𝗻𝗮 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟱 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴.

Inaanyayahan namin ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maprotektahan sila laban sa tigdas.

Maraming salamat po! 💙🏥💉

10/06/2026
01/06/2026

📣 Nasa barangay na ang bakuna!

Narito na ang schedule ng 𝑴𝑹𝑺𝑰𝑨 2026 ng 𝑺𝑨𝑵 𝑨𝑵𝑻𝑶𝑵𝑰𝑶 𝑯𝑬𝑨𝑳𝑻𝑯 𝑪𝑬𝑵𝑻𝑬𝑹.
Tingnan ang schedule at venue ng pagbabakuna sa inyong komunidad at siguraduhing mabigyan ng dagdag na proteksyon ang inyong mga chikiting laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin.

𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤 𝙨𝙞 𝙗𝙖𝙗𝙮, 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖.
𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙠𝙪𝙣𝙖𝙙𝙤, 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤!





01/06/2026

Mga Bakunanay at Papavaccine, kumusta si baby pagkatapos mabakunahan?

Narito ang ilang paalala para mas maging komportable ang inyong chikiting matapos makatanggap ng bakuna:

✅ Maglagay ng yelo (nakabalot sa malinis na tela) sa bahagi ng braso na nabakunahan upang mabawasan ang pananakit o pamamaga.

✅ Painumin ng paracetamol kung magkakaroon ng lagnat, ayon sa payo ng inyong health worker o doktor.

Huwag mabahala kung may bahagyang lagnat, pananakit, o pamamaga sa bahagi ng braso. Karaniwan lamang ito pagkatapos mabakunahan at senyales na gumagawa ng proteksyon ang katawan ng inyong anak laban sa sakit.

Bagama't bihira ang side effects, nakaantabay ang ating mga health workers upang umagapay at magbigay ng agarang tulong kung kinakailangan.

Ang bawat bakuna ay hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan para sa ating mga anak.

𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐢 𝐛𝐚𝐛𝐲, 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚.
𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨, 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨!











31/05/2026

1 DAY TO GO bago ang MRSIA 2026!

Isang tulog na lang at magsisimula na ang pagbabakuna laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin para sa mga batang edad 6–59 buwan.

Huwag palampasin ang pagkakataong mabigyan ng dagdag na proteksyon ang inyong mga anak.

Makipag-ugnayan sa inyong health center para sa schedule at venue ng pagbabakuna.

𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐢 𝐛𝐚𝐛𝐲, 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚.
𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨, 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨!





31/05/2026

1 araw na lang 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 na para sa mas ligtas at mas protektadong komunidad!

Protektahan ang inyong mga anak laban sa Tigdas at Rubella (Tigdas-Hangin) sa pamamagitan ng 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒! 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 (𝐌𝐑𝐒𝐈𝐀) at 𝐕𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐀 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 ngayong 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟏–𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔.

📣 Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak na may 𝐞𝐝𝐚𝐝 𝟔–𝟓𝟗 𝐛𝐮𝐰𝐚𝐧 (𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝟓 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠) upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.

✅ 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞 ang bakuna
✅ 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐞𝐩𝐞𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨
✅ 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 laban sa malubhang sakit, pagkaka-ospital, at pagkamatay

Huwag nang maghintay. Ang simpleng pagpapabakuna ngayon ay malaking hakbang para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng ating mga anak.

Magtungo sa pinakamalapit na vaccination site o health center sa inyong barangay. Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Worker, nurse, o midwife para sa schedule at iba pang impormasyon.

Batang Bakunado, Protektado!





📢 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗜𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝘀 𝗼𝗻 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲! 💉🩷Narito ang Schedule ng SIA sa inyong mga lugar!Antabayana...
30/05/2026

📢 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗜𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝘀 𝗼𝗻 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲! 💉🩷

Narito ang Schedule ng SIA sa inyong mga lugar!
Antabayanan ang Vaccination Team. 🩷

Sama-sama nating protektahan ang ating mga chikiting laban sa sakit! Ang Supplemental Immunization Activity ay magsisimula ngayong June 1 upang masiguro ang ligtas at malusog na komunidad para sa ating mga bata. ✨

Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang at guardians na dalhin ang kanilang mga anak para sa libreng bakuna. Ang bawat turok ay dagdag proteksyon at pagmamahal para sa kinabukasan ng ating mga anak. 🌈🧸

📍 Magtungo lamang sa inyong mga Vaccination Post sa inyong lugar.
💖 Bakuna ay ligtas, epektibo, at mahalaga!



Address

Fourth Estate Brgy. San Antonio Health Center
Parañaque

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parañaque City Health Office- San Antonio Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share