Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health

Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health

Isang matagumpay na Basic Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) Training ang isinagawa mula Abril 14-16, 2026 s...
16/04/2026

Isang matagumpay na Basic Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) Training ang isinagawa mula Abril 14-16, 2026 sa Pasig City RED Training Center! Pinangunahan ito ng Catholic Relief Services (CRS) at National Center for Mental Health (NCMH) kasama ang mga kawani mula sa kalusugan, ospital, DRRM, at paaralan ng Pasig at Pateros. Layunin nitong palakasin ang mental health programs at pagtugon sa mental health tuwing may kalamidad, sakuna, krisis, at sa pang-araw-araw na serbisyong medikal. Sama-sama para sa mas matatag na kaisipan! 🧠πŸ’ͺ

PAALALA SA LAHAT! πŸ“’ Basahin ang mga sumusunod na materyales o direktiba tungkol sa mga HEAT-RELATED ILLNESSES na maaarin...
08/04/2026

PAALALA SA LAHAT! πŸ“’

Basahin ang mga sumusunod na materyales o direktiba tungkol sa mga HEAT-RELATED ILLNESSES na maaaring maranasan ng sinuman dahil sa matinding init ng panahon. Kalakip ang mga pangunang lunas (first aid) na maaaring gawin sa mga taong nakaranas ng heat-related illnesses. Ingat po tayo!

Tumawag sa Pasig City C3 (command center) sa numerong 8643-0000.
β€οΈβ€πŸ©ΉπŸŒ‘οΈ

Look!The Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health (medical/public health, WASH, MHPSS and NIE), along...
27/03/2026

Look!

The Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health (medical/public health, WASH, MHPSS and NIE), along with representatives from Pasig City General Hospital, Pasig City Hope Medical Center, Pasig Emergency Unit, and 6 Superhealth Centers, underwent and completed the Health Emergency Response Operations (HERO) Training held from March 23-27, 2026, at Hortz Hotel, Tagaytay City.

This training was led by Catholic Relief Services (CRS) in partnership with Hemu Mmchd. 🏨πŸ₯πŸ‘©β€βš•οΈπŸ‘¨β€βš•οΈ



Photos credit to the rightful owner.

🚨 Handa ang Pasig City Health Department!Nakibahagi ang mga establisimyentong pangkalusugan ng Lungsod ng Pasig sa isina...
12/03/2026

🚨 Handa ang Pasig City Health Department!

Nakibahagi ang mga establisimyentong pangkalusugan ng Lungsod ng Pasig sa isinagawang 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan sa pagtugon sa lindol at iba pang sakuna.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng β€œDuck, Cover, and Hold” at maayos na evacuation procedures, ipinakita ng mga kawani ng mga health centers ang kanilang kahandaan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa oras ng sakuna.

Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas ang kaalaman, koordinasyon, at kahandaan ng mga health personnel upang mas maging handa sa anumang emergency na maaaring mangyari.

Patuloy nating paigtingin ang kultura ng kahandaan at kaligtasan para sa mas ligtas na komunidad.





12/03/2026

Ongoing 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill!!

Makibahagi at isagawa sa inyong tahanan, komunidad o establisyamento.
12/03/2026

Makibahagi at isagawa sa inyong tahanan, komunidad o establisyamento.


MAMAYA NA ang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)!

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa First Quarter NSED ngayong araw March 12, 2026, 3:30 P.M. Magsisimula ang programa ng ceremonial pressing of the button nang 2:30 P.M. Mapapanood ang livestream nito sa Civil Defense PH and NDRRMC FB pages.






πŸ“’ PAANYAYA SA 1st QUARTER NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na makiisa sa ...
11/03/2026

πŸ“’ PAANYAYA SA 1st QUARTER NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)

Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na makiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin sa:

πŸ—“ Marso 12, 2026
⏰ 3:30 ng Hapon

Sa oras na ito, sama-sama nating isagawa ang DUCK, COVER, and HOLD bilang paghahanda sa posibleng lindol. Ang pagsasanay na ito ay mahalaga upang mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng bawat pamilya at komunidad sa panahon ng sakuna.

Hinihikayat ang lahat ng tanggapan, paaralan, establisyimento, at mga kabahayan na aktibong makilahok sa drill upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

πŸ“Œ Tandaan:
Kapag naramdaman ang lindol o sa oras ng drill, agad na gawin ang DUCK, COVER, and HOLD.

✨ β€œAng Pamilyang Alerto sa Sakuna ay Laging Handa.”

Makilahok, makiisa, at maging handa!

Tignan.Bumisita ang ating National Capital Region Health Emergency Management Section (DOH-HEMS) sa opisina ng Pasig Cit...
24/02/2026

Tignan.

Bumisita ang ating National Capital Region Health Emergency Management Section (DOH-HEMS) sa opisina ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) upang tignan at i-monitor ang operationalization ng unit.

Congratulations team Pasig City DRRM-H!!

Maraming Salamat DOH-HEMS!

Tignan. Ang Pasig City Health Department ay tumugon sa pangangailangang medikal ng mga Pasigueno na nasa iba't-ibang eva...
11/11/2025

Tignan. Ang Pasig City Health Department ay tumugon sa pangangailangang medikal ng mga Pasigueno na nasa iba't-ibang evacuation camps sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Uwan.

Ang nasabing programa ay isinagawa upang mabilisang matugunan at mapanatili ang kalusugan ng bawat Pasigueno na naapektuhan ng kalamidad sa pamamagitan ng medical check-up, pamimigay ng mga bitamina ("micro and macro nutrients"), pagpapatupad ng "milk code" at pagbibigay ng "stress debriefing o mental health and psychosocial support (MHPSS)" sa mga nangangailangan. πŸ©ΊπŸ’ŠπŸ₯›πŸ§ πŸ’–

Isinagawa rin ang disinfection at pagsusuri sa tubig sa bawat evacuation camp upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang pagkalat ng anumang nakakahawang sakit o karamdaman. πŸ’§πŸ”¬

Ang DRRM-H ang nanguna sa operasyong medikal sa pamamagitan ng komunikasyon sa ating City Incident Management Team (IMT) at iba pang opisina upang mapanatili ang maayos at mabilisang pagtugon at maisagawa ang mga nasabing programa. πŸ₯βš•οΈ

Mga "emergency medicine" na maaring ihanda sa inyong tahanan, sasakyan, emergency go bags o first aid kits.
08/11/2025

Mga "emergency medicine" na maaring ihanda sa inyong tahanan, sasakyan, emergency go bags o first aid kits.

‼️DOH: IHANDA ANG MEDICINE KIT NA SASAPAT SA TATLONG ARAW‼️

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang magla-landfall ang Typhoon Uwan sa katimugang bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora bukas ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Kasalukuyan ding nasa Typhoon category ito ngunit inaasahang lalakas pa at magiging ganap na super typhoon sa mga susunod na oras.

Sa mga ganitong panahon, tumataas ang panganib ng pagkakasakit. Dahil dito, mahalagang tiyakin na may handa at kumpletong medicine kit ang bawat tahanan para agad matugunan ang mga simpleng karamdaman.

Buuin ang medicine kit na parte ng inyong Emergency Go Bag!
βœ… Siguruhing ang gamot ay hindi pa expired at walang discoloration
βœ… Dapat walang sira ang packaging ng mga gamot
βœ… Ilagay sa matibay na lalagyan na hindi madaling mabasa o masira





Address

Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share