27/12/2024
Isang mapagpalang hapon sa ating lahat mga Ka-Pinamalayeรฑo!
Sa pagpasok ng bagong taon, ay bagong pagsasa-ayos din ng ating skedyul ng pagbubunot o linis ng ngipin. Wala na pong gigising ng ala-una ng umaga para maglista ng pangalan para lang makakuha ng slot sa pagbunot ng ngipin. By appointment na po ang ating bagong sistema sa pagpapabunot.
Ito po ang ibat-ibang paraan para kayo ay magpaskedyul ng inyong appointment sa pag bunot
1. Pwede po kayo magsabi sa inyong mga Nurses o Midwives sa inyong nasasakupang Barangay (Monday - Friday 8:00am - 5:00pm)
2. Magchat sa aming Facebook Account (Monday - Friday 8:00am - 5:00pm)
3. Pumunta ng personal sa ating Rural Health Unit (Monday - Friday 8:00am - 5:00pm)
Ang ganitong sistema po ay magsisimula sa January 2, 2025 at open na po ang ating 20 Slots para sa January 2, 2025.
Maraming Salamat po at Maligayang Bagong Taon!