Torrijos Nutrition Office

Torrijos Nutrition Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Torrijos Nutrition Office, Nutritionist, Poblacion, Poblacion.

Breastfeeding Awareness Month🤱🏻🤰🏻August12-14,2026Matagumpay na naisagawa ang breastfeeding Awareness Activity para sa mg...
23/08/2026

Breastfeeding Awareness Month🤱🏻🤰🏻
August12-14,2026

Matagumpay na naisagawa ang breastfeeding Awareness Activity para sa mga buntis at nagpapasusong ina sa bayan ng Torrijos. Layunin ng aktibidad na ito na palawakin ang kaalaman ng mga ina tulong sa kahalagahan ng unang isang libong araw ni baby,exclusive breastfeeding,tamang pagpapasuso,wastong posisyon, mga dapat malaman habang ngpapasuso at mga benepisyo nito para sa ina,sanggol at sa buong pamilya.
Ang pagpapasuso ay hindi lamang isang pagkain ito ay, pagmamahal,proteksyon,at matibay na pundasyon para sa malusog na kinabukasan ng bawat bata.

HealthyMom HealthyBaby🤱🏻

NUTRITION MONTH 2026 CULMINATING ACTIVITY 🌿🎉Matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Office ng Torrijos, sa pangun...
31/07/2026

NUTRITION MONTH 2026 CULMINATING ACTIVITY 🌿🎉

Matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Office ng Torrijos, sa pangunguna ng ating Municipal Nutrition Council Chairperson, Hon. Joey P. Peñaflor, ang Nutrition Month 2026 Culminating Activity bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-52 Buwan ng Nutrisyon na may temang:

"Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat; Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan."

Naging tampok sa pagdiriwang ang Nutrisyon at Kalikasan Contest, kung saan buong husay na ipinamalas ng ating mga batang kalahok ang kanilang pagkamalikhain, talento, at kamalayan sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan. Sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotang yari sa recycled at environment-friendly materials, kanilang ipinakita na ang pagmamahal sa kalikasan ay kaakibat ng pagtataguyod ng mabuting kalusugan at wastong nutrisyon.

Bilang pagkilala sa dedikasyon at patuloy na pagsisikap ng ating mga katuwang sa barangay, binigyang-pugay din ang lahat ng dalawampu't limang (25) barangay ng Bayan ng Torrijos bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok at masigasig na pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon. Ang kanilang suporta at kooperasyon ay mahalagang dahilan sa patuloy na pagpapabuti ng kalagayang pangnutrisyon ng ating mga mamamayan.

Kasabay nito, kinilala rin ang Top 5 Outstanding Barangay Nutrition Committees (BNC) at ang Top 5 Outstanding Barangay Nutrition Scholars (BNS) bilang pagkilala sa kanilang natatanging paglilingkod, dedikasyon, at malaking ambag sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa kani-kanilang barangay. Ang kanilang sipag, malasakit, at mahusay na pamumuno ay nagsisilbing inspirasyon sa buong bayan upang higit pang paigtingin ang pagsusulong ng kalusugan at nutrisyon.

Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa matibay na pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan, mga barangay, mga magulang, mga g**o, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Nutrition Committees (BNC), mga partner agencies, at iba pang stakeholders na nagkakaisa sa layuning makamit ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas maunlad na komunidad.

Sa pamamagitan ng ating State of Municipal Nutrition Address, ating nasaksihan ang mga bunga ng ating sama-samang pagsisikap at ang patuloy na pag-unlad ng kalagayang pangnutrisyon sa ating bayan. Ang mga tagumpay na ito ay magsisilbing inspirasyon upang higit pa nating pag-ibayuhin ang ating mga programa sa mga susunod na taon.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating mga programa. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang pagsusulong ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at sama-samang pagkilos para sa ikabubuti ng bawat pamilyang Torrijeño.

💚 Sama-samang Kumilos para sa Torrijos!
🌱 Mas Malusog. Mas Luntian. Mas Maunlad.

Sa Torrijos, naniniwala tayo na ang tunay na pagbabago ay bunga ng pagkakaisa ng bawat barangay, bawat pamilya, at bawat mamamayan. Patuloy tayong magsama-sama sa pagkilos upang maisulong ang wastong nutrisyon, mapangalagaan ang ating kalikasan, at makamit ang mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.







🎉 Nutrition Month Kick-Off 2026 at National Disability Rights Week Celebration 💚💙Noong Hulyo 1, 2026, matagumpay na isin...
03/07/2026

🎉 Nutrition Month Kick-Off 2026 at National Disability Rights Week Celebration 💚💙

Noong Hulyo 1, 2026, matagumpay na isinagawa ang Nutrition Month Kick-Off kasabay ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week, bilang isang patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kalusugan, wastong nutrisyon, at inklusibong komunidad.

Sinimulan ang programa sa Nutri-Run for a Cause, isang fun run na inilaan upang makalikom ng pondo para sa mga bedridden at Persons with Disabilities (PWDs) sa ating bayan. Nakiisa rito ang mga kinatawan mula sa 25 barangay, mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Torrijos, at mga empleyado ng iba't ibang pambansang ahensya.

Matapos ang fun run ay sinundan ito ng pormal na programa kung saan naghatid ng inspiradong mensahe si Mayor Joey P. Peñaflor sa katauhan ni Executive Assistant Joel Rey. Isinagawa rin ang Nutrition Key Message at Nutrition Pledge sa pangunguna ni Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) Rosalyn Jasmin, bilang panawagan sa bawat isa na maging katuwang sa pagsusulong ng mabuting nutrisyon at pangangaaga sa kalikasan

Naging mas masigla ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Zumba at mga Nutri Games, na nagbigay saya at nagpatibay ng samahan ng lahat ng dumalo.

Nagwakas ang programa sa mensahe ni Ms. Pillarca, PDAO I, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at patuloy na suporta sa mga Persons with Disabilities upang makamit ang isang mas inklusibo at mas malusog na komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon at inklusibong lipunan para sa lahat!

PIR and graduation of Karinderya Program:April 17,2026! Samasamang pag tutulungan mula sa PHO,DOH,Mayor Joey Penaflor,Ho...
22/04/2026

PIR and graduation of Karinderya Program:April 17,2026! Samasamang pag tutulungan mula sa PHO,DOH,Mayor Joey Penaflor,Hon.Joan Morales,Hon. Primo Pamintuan,Hon.Jess Briones,13 Punong Barangays,MHO,MNO, and BNS.

OPT result re-validationPingang PiNoy for PS lectureTen kumainments for parents lectureFirst 1000 days lecture  para sa ...
13/04/2026

OPT result re-validation
Pingang PiNoy for PS lecture
Ten kumainments for parents lecture
First 1000 days lecture
para sa Torrijos

Matagumpay na naidaos ang monitoring and evaluation ng nutrition programs sa bayan ng Torrijos, kaisa ang municipal nutr...
07/04/2026

Matagumpay na naidaos ang monitoring and evaluation ng nutrition programs sa bayan ng Torrijos, kaisa ang municipal nutrition council members,sa pangunguna ng masipag nating Mayor Hon. Joey P. Penaflor kaagapay ang committee ng Health and Nutrition Hon.Jess Briones.
para sa torrijos.

Halinat maki isa sa Operation Timbang Plus sa inyong barangay 0-59 months upang malaman ang nutritional status ng inyong...
14/01/2026

Halinat maki isa sa Operation Timbang Plus sa inyong barangay 0-59 months upang malaman ang nutritional status ng inyong anak.heto ang schedule sa mga barangay. Makipag ugnayan sa inyong BHW,at BNS. Slamat po

Operation Timbang Plus Kick-Off Ceremony and Data Quality Check Barangay MalibagoIsinagawa ng Municipal Nutrition Office...
13/01/2026

Operation Timbang Plus Kick-Off Ceremony and Data Quality Check Barangay Malibago

Isinagawa ng Municipal Nutrition Office ng Torrijos,katuwang ang Barangay sa pagsisimula ng taunang pagtitimbang sa mga batang 0-59 months.at deworming activity 12-59 months.Tinalakay ang overview at orientation ng OPT at kahalagahan ng tamang pagsasagawa ng pagtitimbang at pgsukat.Isinama rn ang Pinggang Pinoy kung saan pinaliwanag sa mga magulang at taga pag alaga ng wastong paghahanda ng masustansyang pagkain para sa tamang paglaki at kalusugan ng bata. Ang mga batang natukoy ay binigyan ng nutrition counselling at referal upang malaman ang sanhi ng kakulangan sa timbang. Ang mga magulang ay binigyan ngbtamang gabay para sa tamang pangangalaga at nutrisyon ng kanilang mga anak.Nagsawa din c G. Adelfa R Pernia ng health education sa deworming.

Sama samang isulong ang malusog na batang Torrijoseno.


pinoy
plus2025

Kick-Off Ceremony:Karinderya para sa healthy Pilipinas sa bayan ng TorrijosAng programang ito ay isinagawa sa barangay b...
24/11/2025

Kick-Off Ceremony:Karinderya para sa healthy Pilipinas sa bayan ng Torrijos

Ang programang ito ay isinagawa sa barangay buangan,layunin nitong maghatid ng masustansya,ligtas at abot kayang pagkain para sa mga batang malnourished at kanilang pamilya,katuwang ang BNS,brgy.officials,DOH at,Provincial Health Office,Nutrition Health Office,Municipal Health Office.
Sa pagbubukas ng programa,ng bigay ng kaalaman sa nutrition,at kahalagahan ng nutrition counseling at role of parents sa healthy eating habits,
At para sa mga benepisyaryo ng Karinderya program na barangay layunin na i dopt sa lokal na barangay at sa mga karinderya sa barangay ang pag aadpot ng healthy and nutritious foods na binebenta sa kanilang barangay.
Nag bigay ng masustansyang mensahi ang hepe ng kagawaran ng kalusugn ,Provincial DOH,dra Rachel Rowena Garcia,ganun din ang nakapaka supoortive na mayor sa bayan ng Torrijos Hon. Joey P.Penaflor.Hangad ng pagtutulongbtulongang ito na wakasan ang malnutrition para sa Healthy Pilipinas
of commitment
pinoy
education and counselling
health program

2025 Regional Nutrition Awarding ceremony,MIMAROPA Region,Hive Hotel Quezon City,October 23,2025  Champion  Raza-Municip...
03/11/2025

2025 Regional Nutrition Awarding ceremony,MIMAROPA Region,Hive Hotel Quezon City,October 23,2025
Champion
Raza-Municipal and Provincial Most Outstanding BNS, 2 time contender
finalist in the Most Outstanding BNS in MIMAROPA region.
Fabalena-Regional Outstanding District Nutrition Program Coordinator

Address

Poblacion
Poblacion
4903

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639985424332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Torrijos Nutrition Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Torrijos Nutrition Office:

Shortcuts

Share

Category