15/09/2026
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: ⚠️ 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘! 🦟
Ngayong madalas pa rin ang pag-ulan, mas mahalagang panatilihing malinis ang ating paligid at alisin ang mga maaaring pamugaran ng lamok. Iwasan ang pamumuo ng tubig sa mga paso, bote, gulong, timba, at iba pang lalagyan. Takpan ang mga imbakan ng tubig at regular na linisin ang mga lugar kung saan maaaring maipon ang tubig. Gumamit din ng insect repellent at magsuot ng damit na makatutulong na makaiwas sa kagat ng lamok.
Kung makaranas ng lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit sa likod ng mga mata, pananakit ng katawan, pagsusuka, skin rash, o iba pang sintomas ng dengue, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o ospital. Huwag hintaying lumala ang mga sintomas.
𝗜𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗽𝗼 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁.
*𝘈𝘯𝘨 𝘈𝘦𝘥𝘦𝘴 (𝘈𝘦𝘥𝘦𝘴 𝘢𝘦𝘨𝘺𝘱𝘵𝘪) 𝘮𝘰𝘴𝘲𝘶𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘳𝘪 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘮𝘰𝘬 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘷𝘪𝘳𝘢𝘭 𝘪𝘯𝘧𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘯𝘨𝘶𝘦.