23/04/2026
Ung akala mo ay ang galing-galing mo.
Ung akala mo ay bilib silang lahat sau -- sa talino mo, sa mga ginagawa mo, o sa mga contributions mo.
Ung akala mo ay angat ka sa kanila.
Hindi pala.
Nag-iisa ka pala.
Hindi ka pala nila kasama.
Iniiwan ka pala nila sa kainan.
Umiiwas pala sila sau.
Ayaw ka pala nilang kausap.
Iba pala ang iniisip mo sa totoong nangyayari.
Iba pala ang paniniwala mo sa paniniwala nila.
Ngayon, nalulungkot ka.
Wala ka kasing kausap.
Wala ka palang totoong kaibigan.
Lumalapit lang pala sila sau kasi madali kang tumulong. Madali kang mauto. Madali kang maniwala.
At pag tapos na sila sau, Hindi ka na naman kinakausap. Hindi ka na naman kailangan. Napakadali lang pala ang gawain nila sa ibinibigay mong tulong sa kanila.
Asa ka pa talaga.
Ganunpaman, dahil malakas ang personalidad mo, kaya mo mag-isa.
Kaya mong kumain mag-isa.
Kaya mong gumawa mag-isa.
Kaya mong umuwing mag-isa.
Hindi mo rin sila kailangan.
At maging masaya ka dahil Kaya mo yan. Smile ka na lang!!!