Just Green

Just Green We're dedicated to produce healthy, eco-friendly and cruelty-free plant-based food for everyone.

masustansya at abot-kayang mga pagkain at inuming made with love and respect para kay Mother Nature at sa mga nilalang na nanahan dito � vegan, eco-friendly

Nakakatuwang malaman na ang kimchi pala, bukod sa pagtulong nitong kontrolin ang iyong timbang at katakawan este appetit...
27/07/2025

Nakakatuwang malaman na ang kimchi pala, bukod sa pagtulong nitong kontrolin ang iyong timbang at katakawan este appetite sa pagkain ay nakakatulong din para mas mabilis na ma-absorb at magamit ng katawan ang mga sustansyang taglay ng mga gulay na sahog nito. 🤸

Mas maraming gulay na sahog, mas maraming makukuhang sustansya. Ang Just Green kimchi ay gawa sa napa cabbage, korean radish, leeks, chives, ginger, onions, garlic, at wakame seaweeds. andami!💚

May added motivation tayo sa pagkain ng kimchi araw-araw: may pag-aaral na nagsasabing nakakatulong ito sa weight loss. ...
27/07/2025

May added motivation tayo sa pagkain ng kimchi araw-araw: may pag-aaral na nagsasabing nakakatulong ito sa weight loss. Pero syempre, hindi ibig sabihin na tuloy pa rin sa pagkain ng mga unhealthful foods at pagkain ng labis!

Sa mga namumrublema sa labis ma timbang/taba sa katawan... isang good news: nakakapayat pala ang kimchi! 💃Ito ay ayon sa...
26/07/2025

Sa mga namumrublema sa labis ma timbang/taba sa katawan... isang good news: nakakapayat pala ang kimchi! 💃Ito ay ayon sa isang recent na siyentipikong pag-aaral.

At bilang medyo nag-gain tayo ng weight sa halos isa't kalahating taong hindi nakagawa/kain ng kimchi, masubukan nga itong eight-week kimchi diet na nabanggit...🤗 Try nyo din!

Mga suki! Isang nakakabusog at nakaka-healthy na paraan ng pagtulong: bili po tayo ng mga ani ng ating mga magsasaka! 🌿🙏...
25/07/2025

Mga suki! Isang nakakabusog at nakaka-healthy na paraan ng pagtulong: bili po tayo ng mga ani ng ating mga magsasaka! 🌿🙏😇❤️

‼️UPDATE: 1 DAY lang po ang Bagsakan. Paabang na lang po dito sa aming page ang aming susunod na sked! ‼️

---

‼️ BAGSAKAN GULAY RESCUE ‼️

Dahil sa matinding hagupit ng mga bagyong Crising, Dante at Emong, sunud- sunod na nakansela ang mga schedule ng Bagsakan Farmers. Sa kasamaang palad, naihanda na ang mga produkto at ani, at naibyahe na rin dito sa Quezon City!

Nananawagan kami ng tulong para maibenta pa rin ang aming mga produkto.

Inaanyayahan din ang mga magsasagawa ng mga relief, hot meals at community kitchens para sa mga reliefs na ipaaabot sa mga komunidad na kasalukuyang apektado ng bagyo na bumili ng kanilang mga pansahog sa mga Bagsakan farmers.

Narito ang presyo ng mga gulay at prutas:

Avocado - 140/kg

Pipino - 70/ kg
Bawang - 130/ kg
Sibuyas - 140/ kg
Kamatis - 60/ kg
Luya - 180/ kg
Kalabasa - 50/ kg
Takway - 50/ tali
Puso - 40/ kg
Ampalaya - 180/ kg
Labong - 70/ kg
Upo - 50/ piece
Okra - 160/ kg
Saluyot - 10/ tali
Talbos - 10/ tali
Laing - 20/ tali
Talbos laing - 20/ tali
Talbos ng kamoteng kahoy - 20/ tali
Sitaw - 40/ tali
Talong - 150/ kg
Talbos ng kalabasa - 40

Mais - 80/ kg
Papaya (hilaw) - 40/ kg
Dragonfruit - 120/ kg
Kamote - 70/ kg
Pinya - 80/ kg
Guyabano - 120/ kg
Bayabas - 100/ kg
Saba - 40/ kg
Kamoteng kahoy - 50/ kg

nilaga at prito lang ba ang kayang gawin sa kusina? lagyan ng Just Green kimchi yan! :) para "simple pero rock".
23/07/2025

nilaga at prito lang ba ang kayang gawin sa kusina? lagyan ng Just Green kimchi yan! :)
para "simple pero rock".

23/07/2025

Shout out sa aming mga pinakabagong follower! We pray that you all stay safe and dry amidst the rainy (and floody) weather. Kung may maibabahagi, may mga kaibigang organisasyin po tayong nangangalap ng tulong para sa mga relief drives gaya ng Gulay na at Damayang Migrante na pwede nyong kontakin. 🙏🙏🙏 Ja Fuentes, Wo Ni, Sun-ako Sali, Zilka Tubera, Anakpawispartylist Western Mindanao, Asuncion Zenaida, Amy Laviste, Rhaze Ann Nazareno, Kutarinkushi Icaro, Leah Zuniga, Emz Lerio, Ka Mike, Chrixzs Barrantes Escorido, Kent Elore, Mary Ruth Rasimo, Rica Sasi, Andy Prdcla

22/07/2025
Napakaraming dahilan kung bakit DAPAT (hindi optional) na suportahan ang ating local farmers at local produce and food p...
20/07/2025

Napakaraming dahilan kung bakit DAPAT (hindi optional) na suportahan ang ating local farmers at local produce and food products - kasi lahat tayo apektado sa iba't ibang paraan.

Ang mga magsasaka natin ay patuloy na nababaon sa utang at kagutuman dahil sa mga batas na nagpapabaha ng imported rice, gulay at iba pang pagkain. Kapag naman umalma sila, dinadahas sila gaya ng ginawa kay Ka Ronnie na ni-raid ang bahay, tinaniman ng baril at kinasuhan ng terorismo; at kay Ate Fe na nakilala namin doon kahapon - na kinulong ng 16 years.

Habang tayong mga consumer naman ay unti-unting nilalason dahil ang mga imported rice ay lunod sa mga pesticides, arsenic at iba pang toxic heavy metals (lead, cadmium, atbp) na nakakapagdulot ng cancer, diabetes, heart disease, lung disease, pagkalason na maaring mauwi sa pagkamatay, at iba pang sakit.

Eh samantalang napakarami nating magsasaka na handang ipagtanim tayo ng sarili nating bigas at mga pagkain! At batay din sa ilang pag-aaral, sobrang baba din ng paggamit ng pesticide at ng arsenic content lalo na ng organic rice (at least sa Baguio, kung saan ginawa ang pag-aaral).

Rice is life! Kaya idagdag natin ang boses at energies natin sa efforts ng ating farmers na itulak ang ating gobyernong magsabatas at maglaan ng pondo para paunlarin ang organic agriculture, at magpatupad ng genuine agrarian reform. Kakambal niyan ang pagpapa-repeal ng mga batas na nagpapahintulot sa mga dayuhan na magrenta ng mga lupain natin for 99 years at ang Rice Tariffication Law na nagbaba ng buwis sa mga imported rice. At syempre, tangkilikin natin ang ating local rice, gulays at foods..

Paano? Punta lang sa Good Food Sundays every Sunday sa Mandala Park at tiyak na masasagot yan at iba pang katanungan mo at para sa local organic rice and gulays at locally-produced foods! 🌿🌾🌿🌾

Meet the panelists for Hapag-Kwentuhan Rice Forum on July 20:

- Secretary General of .peasant_women , Consultant for Peasant Women Affairs of and Spokesperson of

Ronnie Manalo, Secretary General of Kilusang Magbubukid ng Pilipinas .phl

Amihan Mabalay - Spokesperson of SUKI Network

Lyn Pano - Graduate Student, Public Health

w/ as Moderator

Followed by a cooking workshop led by to highlight our local rice varieties:

☕️ Brown Rice Tea
🌾 Crispy Black Rice Biko with Balitanaw Ice Cream

1pm-4pm at Mandala Park
Save your seat at tinyurl.com/hapag-kwentuhan

Address

Quezon City

Telephone

+639311123306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Just Green posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share