19/07/2023
Ang National Deworming Month ay ginaganap tuwing ENERO at HULYO taun-taon. Ngayong buwan, ipinagdiriwang natin ito na may tema na "Makilahok sa Oplan Goodbye Bulate para maging malusog, masigla, at matalino ang inyong mga anak!".
Kaugnay ng layunin ng Department of Health, ang Departamento ng Pediatrika ng Quirino Memorial Medical Center ay naglalayon na hikayatin ang pangkalahatang publiko, lalo na ang mga magulang, na ma-DEWORM ang kanilang mga anak.
Alamin ang mga importanteng detalye tungkol sa impeksyong dulot ng mga bulate, at paano maprotektahan ang ating mga chikiting at paano magpa-deworm!