28/05/2026
Nais naming linawin ang ilang maling impormasyon at mapanirang akusasyon na kasalukuyang ipinapakalat online laban sa The Pegasus International Ventures Inc. at CELLCURA500.
Una sa lahat, ang aming kumpanya ay HINDI isang investment company, financing company, lending company, o securities dealer. Hindi kami nanghihikayat o nangangalap ng investments mula sa publiko. Dahil dito, ang tinatawag na SEC Secondary License para sa solicitation of investments ay HINDI naaangkop sa uri ng aming negosyo.
Ang The Pegasus International Ventures Inc. ay isang rehistradong korporasyon na legal na nakikibahagi sa marketing at distribution ng wellness at health-related products sa pamamagitan ng direct-selling o network marketing business model. Ang direct selling at product distribution ay legal na negosyo sa Pilipinas basta ito ay naaayon sa batas.
Mariin naming itinatanggi ang alegasyon na ang aming kumpanya ay isang “Ponzi” o “pyramiding” scheme. Ang aming mga produkto ay may tunay na halaga, pisikal na naipapadala sa mga customer, at hindi simpleng “paper investment” lamang. Ang aming negosyo ay nakabatay sa produkto at hindi lamang sa recruitment.
Tungkol naman sa SEC Advisory na ipinapakalat online, nais naming linawin na ang isang SEC advisory ay HINDI katumbas ng court judgment o criminal conviction. Patuloy kaming nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang pagsunod sa lahat ng legal na requirements na naaangkop sa aming operasyon.
Pinaaalalahanan din namin ang publiko na ang freedom of speech ay hindi lisensya upang magpakalat ng maling impormasyon, paninirang-puri, at mapanirang akusasyon laban sa isang kumpanya o indibidwal nang walang sapat na ebidensya at due process.
Tungkol naman sa mga alegasyon ukol sa health claims, hinihikayat namin ang publiko na umasa lamang sa tamang product labeling, opisyal na dokumento, at payo ng mga lisensyadong medical professionals. Hindi namin hinihikayat ang self-diagnosis o pagbibigay ng maling medical expectations.
Panghuli, ang pag-block o pag-remove sa ilang accounts o pages ay ginawa dahil sa paulit-ulit na harassment, spamming, at mapanirang content — hindi bilang pag-amin ng kasalanan. Karapatan ng bawat organisasyon na protektahan ang kanilang opisyal na platforms, empleyado, at members laban sa abusive behavior.
Hinihikayat namin ang publiko na maging responsable sa pag-verify ng impormasyon at huwag basta magpadala sa mga sensationalized posts na naglalayong magdulot ng takot, galit, o kalituhan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta.