10/08/2026
“Feeling ko kasi unfair sa family ko kapag inuna ko sarili ko.”
Kung breadwinner ka, baka pamilyar ito—kahit simpleng pahinga, checkup, o pagkain sa labas, may kasamang guilt. “Deserve ko ba talaga ito?”
Hindi ka nag-iisa, at hindi ibig sabihin nito na mahina o walang utang na loob ka. Sa kulturang Filipino, ang utang na loob ay malalim na pagpapahalaga sa gratitude at pagbabalik ng tulong. Pero minsan, kapag sobrang bigat ng expectation, puwede itong maramdaman bilang pressure na dapat laging magbigay—kahit ubos ka na.
Sa pag-aaral nina Dioquino et al. (2025) sa Filipino breadwinners, lumitaw ang themes ng guilt, tuloy-tuloy na responsibility, at emotional exhaustion habang sinusubukang pagsabayin ang pangangailangan ng pamilya at sariling pangarap. Sa narratives nina Lasanas et al. (2024), working panganays also described early maturity, filial pressure, at pagiging “second parent” at provider. May Gen Z breadwinner din sa study nina Abaquita et al. (2026) na nakaramdam na parang undeserved ang bumili ng pagkain sa labas dahil bawat piso ay para sana sa kapatid.
Pero ang pag-aalaga sa sarili ay hindi pagtataksil sa pamilya. Ang pahinga, boundaries, at sariling needs ay hindi luho—ito ang tumutulong para makapagpatuloy kang magmahal at magbigay nang hindi nawawala ang sarili mo.
Tanong: Ano ang isang maliit na bagay na kailangan mo rin ngayon? You may reflect below, or message this page if you need a safe space to talk.