Gumaca Nutrition Action Office Page

Gumaca Nutrition Action Office Page Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gumaca Nutrition Action Office Page, Health & Wellness Website, Gumaca, Quezon.

LUMIKHA, MAGPATUPAD, AT SAMASAMANG ISAGAWA ANG MGA PROGRAMANG PANG NUTRISYON NA TUTUGON SA KOMPREHENSIBO AT PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG MGA GUMAQUENO MULA SA KALUSUGAN NG INA AT SANGGOL HANGGANG SA PAGTANDA NITO

ππ‡πˆπ‹πˆπππˆππ„ πˆππ“π„π†π‘π€π“π„πƒ πŒπ€ππ€π†π„πŒπ„ππ“ πŽπ… 𝐀𝐂𝐔𝐓𝐄 πŒπ€π‹ππ”π“π‘πˆπ“πˆπŽπ (ππˆπŒπ€πŒ) ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ π“π‘π€πˆππˆππ†Matagumpay na isinagawa ang Philippine In...
29/05/2026

ππ‡πˆπ‹πˆπππˆππ„ πˆππ“π„π†π‘π€π“π„πƒ πŒπ€ππ€π†π„πŒπ„ππ“ πŽπ… 𝐀𝐂𝐔𝐓𝐄 πŒπ€π‹ππ”π“π‘πˆπ“πˆπŽπ (ππˆπŒπ€πŒ) ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ π“π‘π€πˆππˆππ†

Matagumpay na isinagawa ang Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM) Program Training na dinaluhan ng mga healthcare workers, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Nurses, at Midwives, na patuloy na nagsusulong ng kalusugan at wastong nutrisyon sa komunidad.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak at mapalalim ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa tamang pagtukoy, pagsusuri, pagrerefer, at pamamahala ng mga batang nakararanas ng acute malnutrition. Tinalakay rin ang kahalagahan ng maagang interbensyon, wastong monitoring, at pagbibigay ng nararapat na serbisyong pangkalusugan upang maiwasan ang mas malalang epekto ng malnutrition sa paglaki at pag-unlad ng mga bata.

Sa kabuuan ng training, nagkaroon ng iba’t ibang lecture discussions, workshops, at interactive activities na nagbigay-daan upang mas maging handa at epektibo ang mga kalahok sa pagpapatupad ng nutrition programs sa kani-kanilang komunidad. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng koordinasyon at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, health workers, at mga pamilya upang mapanatili ang mabuting kalagayang pangkalusugan ng mga bata.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng ating mga health at nutrition workers sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pagbawas ng kaso ng malnutrition at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat mamamayan, lalo na ng mga bata.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng participants, facilitators, speakers, Rural Health Unit, Lokal na Pamahalaan Bayan ng Gumaca at Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit, patuloy nating maipaglalaban ang karapatan ng bawat bata sa sapat na nutrisyon at maayos na kalusugan.

Sama-sama tungo sa isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na komunidad para sa bawat batang Pilipino! πŸ’™πŸ’š





πŸŒΏπŸ“š BASIC TRAINING COURSE FOR NEW BNS & REFRESHER COURSE FOR EXISTING BNS πŸ“šπŸŒΏMatagumpay na isinagawa ang Basic Training Co...
18/05/2026

πŸŒΏπŸ“š BASIC TRAINING COURSE FOR NEW BNS & REFRESHER COURSE FOR EXISTING BNS πŸ“šπŸŒΏ

Matagumpay na isinagawa ang Basic Training Course para sa mga bagong Barangay Nutrition Scholar (BNS) at Refresher Course para sa mga kasalukuyang BNS bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan at kaalaman ng ating mga nutrition workers sa komunidad. πŸ’š

Layunin ng pagsasanay na maihanda ang mga bagong BNS sa kanilang mahalagang tungkulin sa pagsusulong ng wastong nutrisyon, kalusugan, at serbisyong pangkomunidad, habang napapanibago naman ang kaalaman at kasanayan ng mga kasalukuyang BNS upang mas maging epektibo sa kanilang paglilingkod.

Tinalakay sa training ang mahahalagang paksa tulad ng proper nutrition, maternal and child care, nutrition programs, community organizing, growth monitoring, at iba pang serbisyong may kaugnayan sa kalusugan at nutrisyon ng mamamayan. Sa pamamagitan nito, mas napapalakas ang kakayahan ng ating mga BNS bilang katuwang sa pagtataguyod ng malusog at maunlad na komunidad.

Patuloy nating suportahan ang ating mga Barangay Nutrition Scholar na nagsisilbing katuwang sa pagbuo ng mas malusog na pamilya at komunidad. πŸ’š





🌸🀰 BUNTIS CONGRESS 2026 🀰🌸May 13, 2026 | Southern Quezon Convention CenterIsang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang...
18/05/2026

🌸🀰 BUNTIS CONGRESS 2026 🀰🌸
May 13, 2026 | Southern Quezon Convention Center

Isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ang isinagawa para sa ating mga minamahal na buntis sa pamamagitan ng Buntis Congress 2026. Layunin ng programang ito na mapalawak ang kaalaman ng mga ina tungkol sa wastong nutrisyon, ligtas na pagbubuntis, pagpapasuso, family planning, at kahalagahan ng regular na prenatal check-up upang masiguro ang malusog na ina at sanggol. πŸ’š

Naging daan din ang gawaing ito upang higit pang mapalakas ang suporta, pagkalinga, at malasakit ng pamahalaan at komunidad para sa kapakanan ng bawat buntis. Sa pamamagitan ng iba’t ibang health services, lectures, counseling, at educational activities, nabigyan ng inspirasyon at dagdag kaalaman ang ating mga kalahok na ina.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa suporta ng ating Municipal Health Officer Dra. Maria Estelita C. Soriano, MD (Este Mari) , sa pamumuno ng ating butihing punong bayan Mayor Webster Letargo , at sa tulong at suporta ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP) na naging katuwang upang maging matagumpay ang programang ito. Maraming salamat din sa lahat ng health workers, barangay officials, volunteers, at stakeholders na walang sawang naglingkod para sa kalusugan ng ating mga ina at sanggol.

Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, patuloy nating itataguyod ang mas malusog, ligtas, at mas masayang kinabukasan para sa bawat pamilyang Pilipino. ✨

πŸ’š β€œAng malusog na ina ay susi sa malusog na pamilya at matatag na komunidad.” πŸ’š





🌸 TRAINING OF TRAINERS FOR β€œIDOL KO SI NANAY” 🌸A successful and meaningful Training of Trainers (TOT) was conducted for ...
18/05/2026

🌸 TRAINING OF TRAINERS FOR β€œIDOL KO SI NANAY” 🌸

A successful and meaningful Training of Trainers (TOT) was conducted for the Idol Ko si Nanay program with the invaluable help and support of the Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP). This activity served as an important step in strengthening the knowledge, skills, and commitment of our trainers and advocates who will help empower mothers and families in the community. πŸ’š

The training highlighted the importance of proper nutrition, maternal care, child health, and community participation in achieving healthier and stronger Filipino families. Through interactive discussions, learning sessions, and shared experiences, participants were equipped with the right tools and strategies to become effective nutrition champions and community educators.

This initiative is more than just a trainingβ€”it is a movement that recognizes the vital role of every mother in shaping a healthy future for the next generation. By empowering trainers today, we are creating ripple effects of knowledge, care, and positive change that will reach countless households and communities.

We extend our heartfelt gratitude to all facilitators, participants, partners, and stakeholders who made this activity possible. Your dedication and support continue to inspire us to work together in promoting nutrition, health, and wellness for all. ✨

Together, let us continue building empowered mothers, healthier children, and stronger communities through unity, education, and compassion.

πŸ’š β€œAng malusog na ina ay pundasyon ng malusog na pamilya.” πŸ’š





Kahit full-time sa trabaho, full-time rin ang pagmamahal at sakripisyo sa pagpapasuso.Sa gitna ng trabaho, pagod, at kak...
05/05/2026

Kahit full-time sa trabaho, full-time rin ang pagmamahal at sakripisyo sa pagpapasuso.
Sa gitna ng trabaho, pagod, at kakulangan sa oras, pinipili pa rin araw-araw ang para kay baby.
Kilalanin natin ang mga nanay na hindi tumigil sa pagpapasuso kahit nagtatrabaho. Kayo ang tunay na π‘Ύπ’π’π’…π’†π’“π’Žπ’π’Žπ’”! ✨
Ikaw, may kwento ka rin ba ng iyong breastfeeding journey habang may trabaho?
πŸ—£οΈ I-share mo sa comments o mag-post at i-tag kami, baka ikaw na ang susunod naming ma-feature.

Kahit full-time sa trabaho, full-time rin ang pagmamahal at sakripisyo sa pagpapasuso.

Sa gitna ng trabaho, pagod, at kakulangan sa oras, pinipili pa rin araw-araw ang para kay baby.

Kilalanin natin ang mga nanay na hindi tumigil sa pagpapasuso kahit nagtatrabaho. Kayo ang tunay na π‘Ύπ’π’π’…π’†π’“π’Žπ’π’Žπ’”! ✨

Ikaw, may kwento ka rin ba ng iyong breastfeeding journey habang may trabaho?
πŸ—£οΈ I-share mo sa comments o mag-post at i-tag kami, baka ikaw na ang susunod naming ma-feature.

INTEGRATED SUPPORTIVE SUPERVISION AND MENTORING (ISSM)April 15-16, 2026| Gumaca, QuezonThe Integrated Supportive Supervi...
21/04/2026

INTEGRATED SUPPORTIVE SUPERVISION AND MENTORING (ISSM)
April 15-16, 2026| Gumaca, Quezon

The Integrated Supportive Supervision and Mentoring (ISSM) was successfully conducted on April 15-16, 2026 in Municipality of Gumaca as part of the continuous effort to strengthen the implementation of health and nutrition programs at the local level. The activity was conducted by the Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) in collaboration with the Municipal Health Office (MHO), Municipal Nutrition Action Office (MNAO), and the Municipal Nutrition Council (MNC). It aimed to assess the performance of frontline workers, provide technical guidance, and enhance their knowledge and skills through on-site coaching and mentoring.

Participating in the activity were Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), and other key stakeholders involved in the delivery of basic health and nutrition services.

During the supervision, the team conducted a comprehensive review of program implementation, including child growth monitoring, maternal and child health services, nutrition program delivery, and record-keeping practices. Actual observation of service delivery was also undertaken to ensure that standard protocols and procedures were properly followed.

Constructive feedback was provided to the concerned personnel, highlighting both strengths and areas needing improvement. Demonstrations and coaching sessions were conducted, particularly on proper growth monitoring, effective counseling techniques, and accurate recording and reporting of data. The mentoring process encouraged active participation, allowing staff to openly discuss challenges and seek clarification on issues encountered in the field.

Several challenges were identified during the activity, such as incomplete records, the need for refresher training, and limited resources in some barangays. In response, the team worked collaboratively with the participants to develop practical and achievable action plans to address these concerns.

Overall, the ISSM activity conducted by PMNP served as an effective strategy in improving the quality of service delivery and strengthening the capacity of frontline workers. It also fostered a supportive environment that promotes continuous learning, teamwork, and accountability.

Moving forward, regular follow-up visits and continuous mentoring will be conducted to ensure that the agreed action plans are implemented and that improvements are sustained.



20/04/2026
20/04/2026

🌱 Healthy Higala: Micronutrient Supplementation Program πŸ’Š

Kabalo ba ka? Ang kakulangan sa micronutrients sama sa Iron, Folic Acid, Vitamin A, ug uban pa mahimong makahatag ug seryosong epekto sa atong healthβ€”especially sa buntis, nagpapasuso nga inahan, ug mga bata.

Pinaagi sa sakto nga supplementation:
βœ”οΈ Malikayan ang anemia
βœ”οΈ Mapalig-on ang resistensya sa bata
βœ”οΈ Masiguro ang healthy growth ug development

πŸ’š Magpacheck ug kumonsulta sa inyong health center para sa sakto nga supplementation!


πŸ“’ Serbisyong Pang-Nutrisyon sa Bawat BarangayPatuloy ang ating pagsisikap na mapabuti ang kalagayang nutrisyon ng bawat ...
10/04/2026

πŸ“’ Serbisyong Pang-Nutrisyon sa Bawat Barangay

Patuloy ang ating pagsisikap na mapabuti ang kalagayang nutrisyon ng bawat bata sa ating komunidad! πŸ’š

Matagumpay na naipamahagi ang Micronutrient Powder (MNP) sa bawat barangay na siya namang ipapamahagi sa mga bata. Ang MNP ay mahalaga upang makatulong sa pag-iwas sa kakulangan sa sustansya at mapanatili ang malusog na paglaki at pag-unlad ng ating mga kabataan.

Bukod dito, nagkabit din ng mga tarpaulin sa bawat health center na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa breastfeeding. Layunin nito na patuloy na hikayatin at ipaalala sa mga ina ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso, lalo na sa loob ng unang 6 na buwan ng buhay ng sanggol, bilang pundasyon ng magandang kalusugan.

Ang mga gawaing ito ay bahagi ng ating mas pinalakas na kampanya para sa First 1000 Days of Life, kung saan ang wastong nutrisyon mula pagbubuntis hanggang sa ika-2 taong gulang ng bata ay kritikal sa kanilang kinabukasan.

πŸ’‘ Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga barangay, at mga health workers, patuloy nating isinusulong ang isang komunidad na may sapat na kaalaman at akses sa serbisyong pangkalusugan at nutrisyon.

πŸ’š Sama-sama nating itaguyod ang malusog na pamilya para sa mas maunlad na bayan!


Address

Gumaca
Quezon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gumaca Nutrition Action Office Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Gumaca Nutrition Action Office Page:

Share