05/06/2026
ANO NGA BA ANG PTERYGIUM O PUGITA SA MATA??
Ang pterygium (tinatawag ding “surfer’s eye/Pugita”) ay isang hindi normal na paglaki ng laman sa puti ng mata na maaaring umabot sa bahagi ng itim ng mata (cornea).
At Hindi ito cancerous, ngunit maaaring makaapekto sa paningin kung lumala... 😞
Mga Sanhi ng pterygium
- Matagal na pagkakabilad sa araw – lalo na sa UV rays
- Pagkakababad sa alikabok, hangin, o tuyong hangin
- Pabalik-balik na iritasyon ng mata mula sa usok, polusyon, o alikabok..
- Kakulangan sa proteksyon ng mata gaya ng hindi pagsusuot ng salamin sa araw..
Mga Sintomas -
✅️ Pulang laman na tumutubo mula gilid ng mata papunta sa gitna
✅️ Pangangati o parang may buhangin sa mata
✅ ️Panunuyo ng mata
✅️ Malabong paningin kung matakpan ang cornea.
Message📲💻 me for more details...