Health Education and Promotion Unit - Binangonan, Rizal

Health Education and Promotion Unit - Binangonan, Rizal Dessiminating facts information about health.

07/08/2026
16/07/2026
14/07/2026
14/07/2026

𝐀π₯𝐚𝐬 𝐊𝐰𝐚𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐚! π“π€πŽπ, π“π€πŠπ“π€πŠ, π“π”π˜πŽ, π“π€πŠπˆπ 𝐧𝐚! πŸ“’

Kabi-kabila na naman ang pag-ulan kaya tara na’t hanapin at sugpuin ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga lamok. 🦟

Huwag kalimutang araw-arawin ang Alas Kwatro Kontra Mosquito habit. πŸ•“

Gawin ang TAOB, TAKTAK, TUYO at TAKIP upang manatiling lamok-free at worry-free sa dengue!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue!

23/06/2026

Bullying has no place in our schools, homes, communities, and online spaces.

Hindi lamang ito tungkol sa pisikal na pananakit. Ayon sa Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, ang bullying ay maaaring anumang paulit-ulit o matinding kilos, salita, sulat, online post, mensahe, o pisikal na aksyon na nagdudulot ng takot, kahihiyan, emosyonal na pinsala, o hindi ligtas na kapaligiran para sa isang mag-aaral.

Kabilang dito ang:
β€’ Panunulak, pananakit, o anumang hindi kanais-nais na pisikal na paghawak
β€’ Pang-aasar, panlalait, pagmumura, at mapanirang salita
β€’ Panghihiya o paninira na nakaaapekto sa emosyonal at mental na kalagayan ng isang tao
β€’ Gender-based bullying o diskriminasyon batay sa kasarian o gender identity
β€’ Cyberbullying sa pamamagitan ng social media, chat messages, text messages, at iba pang digital platforms

Sa ilalim ng batas, lahat ng elementary at secondary schools ay inaatasang magkaroon ng malinaw na anti-bullying policies, mga mekanismo para sa pag-uulat ng insidente, agarang pag-iimbestiga, at mga programang tutulong sa parehong biktima at sangkot na mag-aaral.

Pinagtitibay rin ito ng DepEd Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012), na nagpapatupad ng zero tolerance laban sa anumang uri ng karahasan, pang-aabuso, diskriminasyon, at bullying sa mga bata. Inaatasan din ang mga paaralan na magkaroon ng Child Protection Committee (CPC) upang tiyakin na ang mga ulat ay naaaksyunan nang maayos at may paggalang sa pagiging kumpidensyal ng mga sangkot.

Ang isang mabuting salita ay maaaring magbigay ng lakas. Ang isang simpleng pakikinig ay maaaring magbigay ng pag-asa. At ang mga handang tumindig laban sa bullying ay maaaring makapagbago ng buhay.

Piliing manindigan, maging mapagmatyag, at huwag balewalain ang mga senyales.

Choose kindness. End bullying.


πŸ’™

Ngayong Pebrero 14-20 ay ipinagdiriwang ang Intellectual Disability Week. Alamin kung ano ang Intellectual Disability, m...
14/02/2026

Ngayong Pebrero 14-20 ay ipinagdiriwang ang Intellectual Disability Week.

Alamin kung ano ang Intellectual Disability, mga dahilan at mga serbisyong medikal na maaaring i-avail.

Mahalaga ang maagang pagtuklas at pagsuri sa isang bata upang mabigyan ng wastong suporta at serbisyong medikal.




Address

Binangonan
Rizal
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Education and Promotion Unit - Binangonan, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share