27/04/2026
Hindi lahat ng bata ay komportable agad sa eye contact, at mahalagang maintindihan na ang kakulangan nito ay hindi agad nangangahulugang may problema. Sa early development, may mga batang mas expressive sa ibang paraan tulad ng gestures, paglapit, o paggamit ng tunog kaysa sa direktang pagtitig. Gayunpaman, ang eye contact ay isang mahalagang bahagi ng social communication dahil dito nagsisimula ang connection, attention, at interaction.
Sa ilang bata mula sa neurodiverse population tulad ng Autism Spectrum Disorder, maaaring limitado o iwas ang eye contact dahil sa sensory sensitivity, hirap sa social processing, o discomfort sa direct gaze. Para sa kanila, ang eye contact ay hindi laging natural at maaari itong maging overwhelming, kaya hindi ito dapat pilitin sa paraang magdudulot ng stress.
Para sa mga magulang, mas mainam na hikayatin kaysa pilitin ang eye contact. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paglapit sa eye level ng bata, paggamit ng playful interaction tulad ng peek a boo, at paglalagay ng interesting objects malapit sa mukha upang natural na mapatingin ang bata. Mahalaga rin ang paggamit ng warm facial expressions at positive reinforcement kapag kusang nagkaroon ng eye contact kahit sandali lang.
Obserbahan din kung may kasamang ibang signs tulad ng hindi pag respond sa pangalan, kakulangan sa gestures, o hirap sa pakikipag interaction. Kung ito ay napapansin nang tuloy tuloy, makakatulong ang pag consult sa developmental pediatrician, child or developmental neuropsychologist, o rehab therapist (PT, OT, Speech, ABA) para sa mas maagang guidance.
Sa huli, ang goal ay hindi pilitin ang bata na tumingin, kundi tulungan siyang makipag connect sa paraang komportable at meaningful para sa kanya. Ang connection ay mas mahalaga kaysa sa simpleng eye contact.
And remember! Always practice kindness.
References:
American Psychiatric Association. (2013). DSM-5: Diagnostic and statistical manual of mental disorders (5th ed.).
Centers for Disease Control and Prevention. (2023). Autism spectrum disorder (ASD). https://www.cdc.gov/autism
World Health Organization. (2023). Autism. https://www.who.int
Dawson, G., Webb, S. J., & McPartland, J. (2005). Face processing in autism. Developmental Neuropsychology, 27(3), 403–424.
Klin, A., Jones, W., Schultz, R., Volkmar, F., & Cohen, D. (2002). Visual fixation patterns in autism. Archives of General Psychiatry, 59(9), 809–816.