SMDH Emergency Room

SMDH Emergency Room SMDH EMERGENCY ROOM OFFICIAL PAGE

01/09/2026

Ang mga karaniwang sintomas ng leptospirosis ay lumalabas makalipas ang 2 hanggang 30 na araw pagkatapos lumusong sa baha o ma-expose sa madumi at kontaminadong tubig.

* Ikaw ba o kakilala mo ay nalusong sa baha kamakailan?
* May nararanasan ka bang alinman sa mga sintomas?

Mga Unang Sintomas (Mild)
* Mataas na lagnat at panlalamig o panginginig
* Sakit ng ulo
* Pananakit ng kalamnan o katawan, lalo na sa mga binti at hita
* Pamumula ng mata (walang muta)
* Pagsusuka, pagtatae, o sakit sa tiyan

Mga Sintomas sa Malalang Yugto (Severe)
* Paninilaw ng balat at ng puting bahagi ng mga mata (jaundice)
* Maliit na produksyon ng ihi o maitim na kulay nito (senyales ng pagkasira ng bato)
* Pagdurugo sa ilong o balat
* Ubo, Matinding hirap sa paghinga o pananakit ng dibdib

Mahalagang magpatingin kaagad sa ating SMDHOSPITAL, sa pinakamalapit na health center o sa doktor para mabigyan ka ng angkop na payo.

—-
Sulong kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay

14/08/2026

Simula ngayong Agosto 17–28, 2026 ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) ay gagawin sa ating Out Patient Clinic ng ating SMDHOSPITAL bilang bahagi ng kampanyang “Ligtas Tigdas.” ng Department of Health at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pangunguna ng ating Gobernador Hermogenes Ebdane Jr.

Inaanyayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak at bata na may edad 6 hanggang 59 buwan (wala pang 5 taong gulang)

Kasama rin sa programa ang pagbibigay ng Vitamin A supplementation upang makatulong sa pagpapalakas ng resistensya ng mga bata.

Ang pagbabakuna ay isang mahalagang proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin na maaaring magdulot ng pagkalat ng sakit, malubhang komplikasyon, pagkaka-ospital, at maging sanhi ng pagkamatay.

Mga Paalala:
* Dalhin ang Immunization o vaccination card ng inyong anak kung mayroon.
* Libre po ang bakuna at Vitamin A supplementation.
* Dalhin ang inyong mga anak at bata sa itinakdang araw na Agosto 17 -28,2026 sa aming Triage Area at hanapin si Mr Joel Soriano

Pwede din po na magtungo kayo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar o makipag-ugnayan sa inyong barangay nurse o midwife o barangay health workers para sa karagdagang impormasyon.

Magpabakuna para sa ligtas, malusog, at mas masayang kinabukasan ng bawat batang Zambaleño!

Sulong Kalusugan
Tatak SMDH Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay

06/08/2026
Ang SMDH Emergency Room ay patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng kamalayan laban sa Dengue at Leptospirosis sa pamamagi...
06/08/2026

Ang SMDH Emergency Room ay patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng kamalayan laban sa Dengue at Leptospirosis sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon, maagang pagkilala sa mga sintomas, at agarang pagpapagamot.
Sa panahon ng tag-ulan, mahalagang maging mapagmatyag.

Ang dengue ay naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok, habang ang leptospirosis ay maaaring makuha sa paglusong sa baha na kontaminado ng ihi ng mga daga at ibang hayop. Ang maagang pagkilala sa mga sintomas at agarang pagpapakonsulta ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.

Bilang bahagi ng ating serbisyo, ang SMDH Dengue at Leptospirosis FAST LANE ay nagbibigay ng mas mabilis na triage, assessment, laboratory testing, clinical evaluation at gamot para sa mga pasyenteng may sintomas ng dengue.
Layunin nitong mapabilis ang tamang diagnosis at paggamot upang maiwasan ang paglala ng sakit.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng:
🦟 Pag-aalis ng mga pinamumugaran ng lamok.
💧 Pag-iwas sa paglusong sa baha o pagsusuot ng tamang proteksiyon kung hindi ito maiiwasan.
🏥 Agarang pagpapakonsulta sa pinakamalapit na ospital o health center kapag may nararanasang sintomas o babala ng dengue at leptospirosis.

Sa SMDH, ang kalusugan ng bawat isa ay aming prayoridad. Ang tamang kaalaman at maagap na aksyon ang susi sa pag-iwas at pagliligtas ng buhay.

Tatak SMDH!
Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay!

05/08/2026

𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐘𝐄𝐍𝐓𝐄

Ang reseta ay isang mahalagang dokumentong nagsisilbing gabay sa ligtas at tamang paggamit ng gamot. Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at integridad ng mga dokumentong medikal, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐥𝐮𝐞 𝐩𝐞𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐬𝐞𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐜𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞.

Ang hakbang na ito ay isinagawa upang makatulong na 𝐦𝐚𝐢𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐞𝐦𝐞𝐤𝐞 𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐫𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐥𝐢𝐬𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐨𝐤𝐭𝐨𝐫, at upang mas madaling matukoy ang orihinal na mga dokumentong ibinibigay ng aming mga manggagamot.

Hinihikayat namin ang lahat ng pasyente na tiyaking ang kanilang reseta at medical certificate ay may pirma ng doktor gamit ang 𝐚𝐬𝐮𝐥 (𝐛𝐥𝐮𝐞) 𝐧𝐚 𝐭𝐢𝐧𝐭𝐚. Ang simpleng pagbabagong ito ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang inyong kaligtasan at matiyak ang pagiging tunay ng mga dokumentong medikal.

𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀, 𝘁𝗮𝗺𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻.

Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

03/08/2026

Ang batang bakunado, ay batang protektado!

Ang bakuna ay nagsisilbing panangga ng ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, pagkakaospital, kapansanan, o pagkamatay.

Ang bakuna ay ligtas, mabisa at libre.

Kumpletuhin ang bakuna sa tamang panahon. Gawing malusog at protektahan natin ang bawat bata laban sa mga sakit na kayang iwasan.

Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

Address

Linusungan
San Marcelino
2207

Telephone

+639285725948

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMDH Emergency Room posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share