05/10/2026
🦷 HEALTH ADVICE: PAANO MAIIWASAN AT MAPAPAGINHAWA ANG SINGAW SA BIBIG
Ang singaw ay maaaring magkaroon ng iba't ibang triggers, gaya ng stress, irritation o maliit na injury sa bibig, hormonal changes, at ilang nutritional deficiencies. Hindi iisang dahilan lamang ang sanhi nito.
💧 Stay hydrated
Uminom ng sapat na tubig, lalo na kung maraming beses pinagpapawisan o physically active, upang maiwasan ang dehydration at dry mouth.
🥗 Eat a balanced diet
Siguraduhing sapat ang nutrients sa pagkain. Ang deficiencies sa ilang nutrients tulad ng iron, vitamin B12, folate, at zinc ay maaaring maiugnay sa paulit-ulit na singaw.
😴 Get enough sleep
Ang stress at kakulangan sa tulog ay maaaring maka trigger sa ilang tao.
🧊 For temporary relief
Maaaring makatulong ang malamig na tubig, ice cubes, o malamig na pagkain gaya ng yogurt upang mabawasan ang hapdi at discomfort.
🍯 Raw honey
Maaaring makatulong ang honey bilang soothing option at mayroon itong antimicrobial properties, ngunit hindi ito kapalit ng proper dental or medical treatment.
🌿 Cloves
Ang clove ay maaaring makatulong sa temporary relief ng discomfort. Gayunpaman, iwasang gumamit ng concentrated clove oil nang direkta sa singaw dahil maaari itong makairita sa oral tissues.
🪥 Take care of your oral hygiene
Magsipilyo nang regular gamit ang soft-bristled toothbrush. Palitan ang toothbrush every 3–4 months, o mas maaga kung pudpod na ang bristles. Huwag mag-share ng toothbrush.
🚫 Iwasan muna ang irritants
Bawasan o iwasan ang maanghang, maasim, maalat, at iba pang pagkain na nagpapalala ng hapdi.
⚠️ Kailan dapat magpatingin?
Kung ang singaw ay hindi gumagaling sa loob ng 2 linggo, napakalaki o napakasakit, madalas bumabalik, o may kasamang lagnat o iba pang sintomas, mas mabuting magpakonsulta sa dentist o doktor.
💚 Remember: Proper hydration, balanced nutrition, good oral hygiene, adequate rest, and proper care can help support a healthy mouth.
Health information only. Persistent or recurrent mouth sores should be evaluated by a qualified healthcare professional.
Coach Ramil Corales
Rissa And Mil Wellness Center
Promoting a natural, healthy, and holistic lifestyle.