18/07/2025
Bulalo Recipe ✨️😋
INGREDIENTS:
Beef shanks (around 1.5 kilo)
1 bunch onion leeks (or lemongrass)
1 tablespoon wholepeppercorns (pamintang buo)
Salt as needed
1 large onion
sweet corn
1 pc. beef broth cube (optional)
Green beans
Napa cabbage / pechay baguio (or cabbage / pechay)
Fish sauce (patis) to taste
Water for soup
PROCEDURE:
1. Ilagay ang beef shanks sa kaserola at lagyan ng tubig at kaunting asin. Pakuluan ng mga 10 minutes para lang lumabas ang mga impurities. After 10 minute at nakalutang na ang mga impurities, hanguin at itapon na ang tubig, hugasan rin ang beef shanks.
Note: Pwedeng hindi gawin ang step 1 kung nagmamadali or tipid sa apoy, alisin na lang ang impurities pag lumutang.
2. Sa pressure cooker, ilagay na ang beef shanks, pamintang buo, kaunting asin, yung green part ng onion leeks (or tanglad kung meron) at tubig na enough para macover ang beef. Takpan at i-pressure cook for 30 to 45 minutes gamit ang medium heat.
NOTE: Kung walang pressure cooker, pwedeng lutuin sa kaldero hanggang lumambot ang beef.
3. After around 40 minutes, malambot na ang beef, ilagay na ang sweet corn, onion, beef broth cube at magdagdag ng tubig depende sa dami ng sabaw na gusto mo. Takpan at lutuin ang sweetcorn for 15 minutes. (hindi na pressure cooker sa part na ito)
4. Pag luto na ang sweet corn, ilagay na ang green beans at white part ng onion leeks. Takpan at lutuin ng 3 minutes
5. Sa panghuli, timplahan ng patis at ilagay na ang pechay baguio.
Enjoy with spicy patis-mansi sawsawan!