Genz D’ Warrior

Genz D’ Warrior Journey&Tips as Dialysis Warrior ��� Sharing my real dialysis journey to inspire and help others.

7 KEYS TO OVERCOME THE FEAR OF BEING A CKD WARRIOR 💚Akala ng iba katawan lang ang nasasaktan sa CKD. Pero ang totoo, pat...
03/09/2026

7 KEYS TO OVERCOME THE FEAR OF BEING A CKD WARRIOR 💚

Akala ng iba katawan lang ang nasasaktan sa CKD. Pero ang totoo, pati puso at isip - natatakot.

Natakot din ako. Pero ito yung 7 susi na tumulong sakin para bumangon araw-araw:

ACCEPTANCE
Hindi ibig sabihin sumuko ka na. Ibig sabihin, tinanggap mo na ang laban.
"May CKD ako, pero hindi ako ang CKD."
Pag tinanggap mo, dun ka lang makakausad. Peace begins in acceptance.

FAMILY SUPPORT
Mabigat ang CKD pag mag-isa.
Kailangan mo ng pamilyang makikinig, sasamahan ka sa dialysis, sasabayan ka sa low-salt na ulam. Hindi ka pabigat - mahal ka nila. Hayaan mong mahalin ka nila.

WILL TO LIVE
Ano ang DAHILAN mo?
Anak mo? Pangarap mo? Hindi pa tapos ang kwento mo?
Fear says "Katapusan mo na." Will to live says "Andito pa ako, lalaban pa ako ngayon."

YAH'S PRESENCE
Sa mga gabing umiiyak ka ng palihim sa takot, hindi ka nag-iisa.
Kasama mo si Yahweh. Nakikita Niya labs mo, naririnig Niya iyak mo, hawak Niya future mo. Nawawala ang takot pag nandyan ang presensya Niya.
Isaiah 41:10 - Fear not, for I am with you.

KNOWLEDGE IS POWER
Mas nakakatakot ang hindi mo alam.
Aralin mo sakit mo. Anong bawal? Anong dapat? Pag may alam ka, hindi ka takot - HANDA ka. Magtanong sa doktor, wag maniwala sa sabi-sabi.

COMMUNITY (KAPWA WARRIOR)
Iba yung may makakausap kang kapwa CKD.
Sila lang ang tunay na makakasabi ng "Naiintindihan kita." Sumali sa group, kumustahin mo katabi mo sa center. Lumalakas ka pag may kasama ka.

GRATITUDE & SMALL WINS
Sa mundo ng CKD, maliit na bagay, malaking tagumpay na.
"Thank you Yah, bumaba BP ko."
"Thank you, nakakakain pa ako kasama pamilya ko."
Gratitude ang nagtuturo satin na may BLESSINGS pa rin kahit may CKD.

Para sa lahat ng CKD Warriors na nagbabasa nito:
Kapatid, hindi ka mahina. Matapang ka. Araw-araw na gumigising ka at lumalaban, panalo ka na. Hindi ka nag-iisa. 💚

Kung may pinagdadaanan ka ngayon, comment ka lang. Usap tayo.

19/08/2026

Kamusta po sa lahat! 👋

Ako si Dialysis Warrior 💪

Gumawa ako ng page na 'to para i-share yung totoo kong journey.
Yung mga hirap, luha, pero higit sa lahat yung pag-asa at paglaban araw-araw.

Dito ko din i-share yung mga tips na natutunan ko para makatulong
sa mga kapwa ko CKD at Dialysis patients.

Tandaan: Hindi tayo nag-iisa sa laban na 'to 🫶
Laban lang tayo araw-araw!

Address

Talisay
6115

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Genz D’ Warrior posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share