04/09/2026
Enlish and Filipino Versions
PTA - Parent Teachers Association for Goats?
A father and his son came to the farm last week to buy a buck.
We always ask visitors what led them to our herd. Most give the usual answers. This one didn't.
"I want to reduce my odds in the lottery," the father said.
We asked what he meant. He explained: if you study the data behind the foundation stock, trace the patterns down the generations, and watch the does actually milking β you lower your chances of picking the wrong buck.
That kind of visitor comes maybe once a year. So we did what we always do. We opened the iPad, pulled up the production records for the doe and the buck, and set their Reliability, Percentile Rank and PTA numbers side by side.
That's when the boy β eight years old, quiet until then β looked up and said:
"Parent Teachers Association? For goats?"
His father laughed. I did too. And then I had to explain PTA to an eight-year-old.
Here's how it went.
I told him that in goats, the mother is called the dam, the father is called the sire, and the babies are called kids.
"Like me?" he asked. Exactly like you. These are just the four- legged kind. And they do not spend their day looking at a small screen is asking for a gaming console.
Every kid gets half of what it is from its dam, and half from its sire. So before we put two goats together, we try to guess what each one will hand down. That guess is the PTA β Predicted Transmitting Ability. "Transmitting" just means passing something on.
It's like looking at a puppy's parents to guess how big the puppy will grow. You can't know for certain. But you can make a smart guess.
A PTA helps us ask things like:
βοΈ Will this sire's daughters give more milk?
βοΈ Will this dam's daughters have strong, healthy udders?
Then I told him two things worth remembering.
First, the number isn't the amount of milk. It only says "more than average" or "less than average." Like saying someone is taller than most people, instead of saying exactly how tall they are.
Second, a guess gets better with more information. If a sire already has many daughters in the milking stand, we know a great deal about him. If he's young and has no daughters yet, we're really just guessing from his own dam and sire.
The boy thought about it. Then he asked if the goats knew about any of this.
No. They don't. They just eat.
Kids are full of surprises β both kinds.
Nobody can know for sure what a breeding will bring. But his father had it right. We aren't trying to be certain.
We're just trying to reduce the odds in the lottery.
And a smart guess beats no guess at all.
Sa Filipino
PTA β Parent Teachers Association? Para sa kambing?
May mag-amang dumalaw sa farm noong isang linggo. Bibili sana ng lalaking kambing.
Lagi naming tinatanong ang bisita kung ano ang nagdala sa kanila sa herd namin. Karaniwan, pare-pareho ang sagot. Itong isang 'to, hindi.
"Gusto ko lang pong bawasan ang tsansa ko sa lotto," sabi ng tatay.
Tinanong namin kung ano'ng ibig niyang sabihin. Ganito raw: kapag pinag-aralan mo ang datos ng pinagmulang lahi, sinundan mo ang pattern sa bawat henerasyon, at tiningnan mo mismo ang mga babaeng aktwal na gumagatas β bumababa ang tsansa mong makapili ng maling lalaki.
Ganoong klaseng bisita, minsan sa isang taon lang dumadating. Kaya ginawa namin ang lagi naming ginagawa. Binuksan namin ang iPad, hinanap ang production records ng babae at ng lalaki, at pinagtabi ang Reliability, Percentile Rank at PTA nila.
Doon na tumingala 'yung bata β walong taong gulang, tahimik hanggang doon β tapos nagsalita:
"Parent Teachers Association po? Para sa kambing?"
Natawa ang tatay niya. Natawa rin ako. Tapos ayun, kinailangan kong ipaliwanag ang PTA sa isang walong taong gulang.
Ganito ang naganap.
Sinabi ko sa kanya na sa kambing, ang nanay tawag ay dam, ang tatay ay sire, at ang mga anak ay kids.
"Katulad ko po?" tanong niya. Oo, katulad na katulad mo. Apat lang ang paa nito. At hindi nakatutok maghapon sa maliit na screen at nanghihingi ng gaming console - PS5 O Nintendo.
Bawat kid, kalahati galing sa dam, kalahati galing sa sire. Kaya bago namin pagsamahin ang dalawang kambing, hinuhulaan muna namin kung ano ang ipapasa ng bawat isa. Ang hulang 'yon, 'yon ang PTA β Predicted Transmitting Ability. Ang "transmitting," ibig sabihin, pagpapasa lang - parang Radyo.
Parang tinitingnan mo ang magulang ng tuta para hulaan kung gaano kalaki 'yung tuta paglaki. Hindi mo talaga masisiguro. Pero pwede kang manghula nang may basehan.
Ang PTA, nakakatulong para itanong ang mga ganito:
βοΈ Mas madaming gatas kaya ang ibibigay ng mga anak na babae ng sire na 'to?
βοΈ Magiging matibay at malusog kaya ang udder ng mga anak na babae ng dam na 'to?
Tapos may dalawang bagay akong sinabi sa kanya na dapat niyang tandaan.
Una, ang numero, hindi 'yon dami ng gatas. Ang sinasabi lang niyan, "mas mataas sa karaniwan" o "mas mababa sa karaniwan." Parang sinasabi mong mas matangkad siya sa karamihan β pero hindi mo sinasabi kung ilang talampakan.
Pangalawa, gumaganda ang hula kapag mas marami kang impormasyon. Kapag maraming anak na babae ang sire na nasa milking stand na, malaki na ang alam natin tungkol sa kanya. Pero kung bata pa siya at wala pang anak, hula lang talaga 'yon base sa dam at sire niya.
Nag-isip 'yung bata. Tapos tinanong niya kung alam kaya ng mga kambing ang lahat ng 'to.
Hindi. Wala silang alam. Kumakain lang sila.
Puno ng sorpresa ang mga kids β pareho, 'yung dalawang klase - dalawang binti o apat na binti.
Walang makakaalam nang tiyak kung ano ang idudulot ng isang breeding. Pero tama ang tatay niya. Hindi naman namin hinahabol ang katiyakan.
Binabawasan lang namin ang tsansa sa lotto.
At ang hulang may basehan, mas matimbang pa rin kaysa sa walang hula.