13/07/2026
π’ LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA)
ποΈ August 10β28, 2026
Protektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin!
Inaanyayahan ng Rural Health Unit I - Virac ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 buwan (wala pang 5 taong gulang) sa nakatakdang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA).
π Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at libre. Ito ang pinakamahusay na proteksyon upang maiwasan ang malubhang komplikasyon, pagka-ospital, at pagkamatay dulot ng tigdas at tigdas-hangin.
π Magtungo sa pinakamalapit na RHU Health Center, Barangay Health Station (BHS), o sa itinakdang vaccination site sa inyong barangay. Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong Barangay Nurse, Midwife, o Barangay Health Workers (BHWs) para sa iskedyul ng pagbabakuna.
Sama-sama nating panatilihing ligtas at malusog ang bawat batang Viracnon. Bakuna ang susi sa proteksyon! ππ