31/05/2026
Ang Lokal na Pamahalaan ng Masinloc, sa pamamagitan ng Municipal Health Office at sa pakikipagtulungan ng Department of Health โ Human Resources for Health, ay nagsagawa ng PuroKalusugan Outreach Caravan sa Barangay Tapuac nitong Mayo 28, 2026.
Layunin ng aktibidad na mapalapit sa komunidad ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan.
Kabilang sa mga serbisyong naibigay ay konsultasyon, dental services, family planning, prenatal service, HIV counseling/ screening, immunization, NCD risk assessment, TB screening, prenatal care, PhilHealth registration, at pamamahagi ng mga bitamina at gamot.
Sa kabuuan, ang bilang ng mga serbisyong naihatid ay ang mga sumusunod:
-81 konsultasyon ng pasyente
-105 naipamahaging gamot
-2 immunization
-23 rehistrasyon sa PhilHealth
-13 newly assigned Philhealth
-43 Non-Communicable Disease risk assessment
-1 prenatal services
-6 family planning services
-Para sa serbisyong dental, nakapagsagawa ng 41 bunot ng ngipin at 1 fluoride application.
-2 Home Visit (Measles) surveillance
Nagpapasalamat kami sa Barangay Captain, sa mga Brgy. Council, BHW, MHW at BNS sa pag tulong at pagbibigay serbisyo sa ating Barangay Tapuac
Salamat sa ating mga sponsors Mayor's office, DILG, MACO/ IT
Patuloy na hinihikayat ang pakikiisa ng mamamayan sa mga programang pangkalusugan para sa mas maayos at malusog na komunidad.