20/12/2023
SINU NGA BA ANG MGA ASHA'IRAH AT SALAFIYYAH?
KAILAN LUMITAW ANG SALAFI AT KAILAN LUMITAW ANG ASHAIRAH AYON SA HISTORY?
ANG ASHAIRAH
Ang Ashairah ay terminolohiyang dati nang itinatawag sa samahan at madrasah ng mga Ulama ng Ahlussunnah Wal Jamaah mula pa noong ika 300 Hijra. Sila ang mga ulama na nagkaisa para sa pagdepensa sa Aqeedah ng mga muslim laban sa mga nagsilabasang mga sekta noong unang panahon, katulad ng Mutazila, Murjiyah, Khawarij, Qadariyah, Rawafid, Mujassimah atbp.. Ang samahan at madrasah ng mga Ahlussunnah Wal Jamaah mula sa panahon na iyon (300H) na nakipagtalakayan, sumagot, tumutol at tumuligsa sa mga ligaw na sekta ay tinatawag sa ngalang Ash'ary odi kaya Ashairah sapagkat si Imam Abul Hasan Al-ash'ary (260-324H) ang nangungunang nakilala sa lantarang pagtutuligsa sa mga sekta na iyon kaya tinawag nalang lahat na Ashairah o Ash'ary ang lahat ng ulama ng Ahlussunnah Wal Jamaah na naging katulad niya sa paniniwala at kinikilala sila sa ganiyang pangalan, at ang mga Ashairah ang nagparating ng katuroan ng Islam sa mga sumunod na henerasyon sa pamamagitan ng pag-akda ng mga libro kung bakit ang karamihan sa mga reference na mga libro ng mga ulama ngayon, pati sa mga university ng mga salafi, ay mga libro na inakda ng mga Ashairah sapagkat ang karamihan sa mga kitab sa Tafseer, Hadith, Commentaries ng Hadith, Usool, History, Qawa-id, Fiqh atbp ay mga Ashairah ang may akda.
SINO ANG KILALANG MGA PANTAS NG MGA ASHAIRAH?
Napakarami at hindi mabilang, isa na roon sina IMAM AL-QURTOBI, IMAM IBNI HAJAR AL-ASQALANI, IMAM NAWAWI, IMAM AL-BAIHAQI at halos lahat ng commentators ng Sihah Sittah (6 books of Hadith) ay mga Ashairah.
ANO ANG KANILANG PAMAMARAAN AT PANINIWALA BILANG PALATANDAAN SA KANILA?
Naniniwala ang mga Ashairah na may mga TALINGHAGA sa Koran at Hadith at hindi ito lahat LITERAL at pinapahalagahan nila ang pagsunod sa isa sa APAT NA MAZHAB (sa kaalamang FIQH) ng apat na IMAM na sina Hanafi, Maliki, Shafii at Hanbali.
ANO ANG UNANG UNIVERSITY NITO AT KAILAN ITINATAG?
Ang unang university nito ay ang UNIVERSITY OF QARWIYYEEN na itinatag noong 859 AD sa Morrocco o Magrib at ang AL-AZHAR UNIVERSITY na itinatag sa Egypt noong 972 AD at ang MADRASAH SAULATIYAH na itinatag sa Makkah noong 1875 at ang MADRASAH DARUT TAUHEED na itinatag sa Taif noong 1928.
Note: Makikita sa mga sinaunang mga libro na kapag nabanggit ang salungatan sa pagitan [ng madrasah] ng mga sektang ligaw at sa pagitan [ng madrasah] ng mga Ahlussunnah Wal Jamaah ay pangalan ng Madrasang Ashairah ang nakasulat na nagdadala ng pangalang AHLUSSUNNAH WAL JAMAAH laban sa mga ligaw na sekta at walang Salafi na nababanggit.
-—-----—------—------—-----—-----—-----
ANG SALAFIYAH
Ang Salafi ay makabagong terminolohiya na ginawa ng mga ulama sa SAUDI ARABIA na itinatawag sa samahan at madrasah ng mga makabagong ulama na sumunod sa yapak ni Muhammad Ibn Abdul Wahhab (1115-1206H/1703–1792) na nagreporma sa mga katuroan ni Shiekh Ibn Taymiyyah(661-728H) at iyan ang dahilan kung bakit sila tinatawag na WAHHABIYAH na hango sa pangalan ni Muhammad Ibn Abdul Wahhab. Si Muhammad Bin Abdul Wahhab ay naging kaakibat ni MUHAMMAD IBN SAUD (1726–1765) noong 1744 sa pagtatag sa tinatawag na SAUDI DYNASTY sa layuning pagpapatalsik sa ISLAMIC EMPIRE (OTTOMAN EMPIRE) na namumuno noong mga panahon na iyon sa mga kamusliman, kasama sa kanilang pinamumunoan ang Masjidil Haram at Masjidin Nabawi. Nagbalai ang dalawa sa pamamagitan ng anak na babae ni Muhammad Bin Abdul Wahhab at anak na lalaki ni Muhammad Bin Saud na si ABDUL AZIS. Matagompay ang naging plano nila na tumiwalag sa pamumuno ng OTTOMAN EMPIRE dahil sa tulong ng BRITAIN hanggang napatalsik ang ISLAMIC EMPIRE at tuloyang naging KINGDOM OF SAUDI ARABIA ang noon ay tinatawag na HIJAZ, NAJD, EAST ARABIA (AL-AHSA) at SOUTH ARABIA (A'SIR) at tuloyan na ring nasakop ng mga mananakop ang mga lugar ng mga muslim kasama na roon ang PALESTINE na pinatirahan ng BRITAIN sa Zionist na mula sa GERMANY. Ipinapakita ng katotohanan na sa haba ng kanilang pamumuno sa SAUDI ARABIA ay hawak ng SAUD family ang gobyerno at hawak naman ng angkan ni SHIEKH MUHAMMAD BIN ABDUL WAHHAB ang relihiyon at iyan ang dahilan kung bakit nangibabaw ang Wahhabiyyah sa lugar na iyan na kalaonan ay tinawag na SALAFIYAH.
SINO ANG KILALANG MGA PANTAS NG MGA SALAFI?
Sina SHIEKH IBNI TAYMIYYAH, SHIEKH MOHAMMAD BIN ABDUL WAHHAB, SHIEKH BIN BAZ, SHIEKH UTHAIMEN, SHIEKH FAUZAN. SHIEKH ALBANI...
ANO ANG KANILANG PAMAMARAAN AT PANINIWALA BILANG PALATANDAAN SA KANILA?
Hindi sila naniniwala na may talinghaga sa Kor-an at Hadith. Puro daw literal ang Kor-an at ang Hadith. At hindi nila binibigyan ng pagkaimportante ang pagsunod sa apat na Mazhab ng apat na Imam at lalot hindi nila pinapahalagahan ang katoroan ng mga tunay na mga Iskolar ng Ahlussunnah Wal Jamaah sa TAFSEER (Commentaries of the Koran) at SHUROOHUL HADITH (Explination of Hadith).
ANO ANG UNANG UNIVERSITY NITO AT KAILAN ITINATAG?
Ang unang university nito ay ang KING SAUD UNIVERSITY na kailan lang itinatag noong 1957 AD. Kaya hindi po nagsisinungaling ang kasaysayan sa pagiging makabago ng mga taong iyan.
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Muhammad_ibn_Abd_al-Wahhab
------------------
📝Maulana Mahdi Mimbala Batua